Chapter 31: Who killed her?

6K 169 8
                                    

Chapter 31

Who killed her?

[Farra]

Nagtago ako sa isang sulok kung saan nasisiguro kong hindi nila ako makikita. Tahimik ko silang pinagmamasdan habang abalang naghahanap sakin. Hinding-hindi ako magpapahuli. Yun ang habilin sakin ni Helix.

Isang linggo na ang nakalipas ng maalala ko ang lahat. Agad kong kinonsulta si Helix at kung bakit ay hindi ko alam. Hanggang sa malaman kong maging sya ay nakakaalala na kasama sina Cleo at ang nakakatandang Shaw.

Kung bakit kami ay nakalimot ay kasalanan lahat ng pamilya Merced. Si Selena at ang ate nito na si Stacy.

Their family is a family of witches.

Sa tulong ng nakakatandang Merced ay nakagawa sila ng potion kung saan pwedeng makalimutan ang isang memorya. Bilang marami at masyadong malakas ang epekto ng potion na yun ay nakalimutan namin ang tungkol kay Venille noong bata sya hanggang sa kanyang pagkamatay, other than that, they create another memory of us, isang memorya kung saan walang Venille kaming nakilala.

That potion was called Obliviate at tanging mga pure witch katulad ng Merced Clan ang nakakagawa non.

Ang hindi namin maintindihan ay kung bakit nila iyon ginawa. Hindi naman nila kilala ang mga Shaw especially si Venille. Hindi naman sila royal blood o kung ano pa para maging threat ang mga yon sa kanila. Lastly, Venille is human kaya ano namang laban niya sa kanila hindi ba?

Isa lang naman ang gustong malaman ng lahat 10 years ago, and that is...sino ang pumatay kay Venille?

Sino ang walang habas na bampira ang umubos sa dugo nito.

At tulad nga ng nangyari, lahat ng yun ay hindi namin nabigyan ng sagot dahil sa pakikialam ng pamilya Merced, now, ang mga tanong namin kay Venille noon ay hindi pa rin nagbabago pero ito'y nadagdagan tulad ng...

Sino si Venille ngayon?

*Plock*

Nanlaki ang mata ko ng may matapakan akong isang sanga na mabilis ring nabali dahil sa kakaatras ko. Kung kanina ay pinasadahan lang ni Clyde ang gawi ko, ngayon iba na. Masama na ang tingin niya sa direksyon ko at kahit anong pagpapakalma ko sa pintig ng puso ay ayaw nitong sumunod.

Kinakabahan kong pinagpatuloy ang pag-atras ko, hindi nila ko maaring makita...

I was about to turn around at magsimula ng tumakbo ng may biglang tumakip sa bibig ko mula sa likod.

Alam kong kauri ko sya dahil masyado syang malakas.

Hindi to pwede! Kailangan kong makatakas! Ayokong ng dahil sakin masira ang matagal ng plano ng lahat!

"Sshh! Calm down!" rinig kong impit na bulong na boses ng isang lalake. Dahan-dahan akong kumalma at ng maramdaman niyang medyo ayos na ako ay tinanggal na niya ang pagkakatakip sa bibig ko.

Mabilis ko syang hinarap...

"Brix?!"

"Sshh!" inilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko na agad ko namang tinampal at sinamaan sya ng tingin.

"What are you doing here?" bulong na tanong nito sakin habang tinitingnan ang iba pang kasamahan.

"You. What are you doing here and WHY are you doing this? Dapat hinuhuli mo na ko diba?" pagtataka kong tanong dito.

Ngumisi sya saka pinasadahan ng daliri ang buhok "...I know what's going on Farra, dont think that I am that stupid"

"Because you really are" napawi ang ngisi niya at napalitan ng seryosong tingin.

Now it's my time to smirk. Ano ka ngayon? Edi tameme k-

*Plash*

"Shit!" bago ko pa malingon ang pinangyarihan ng tunog ay mabilis na kong nahila ni Brix at sabay kaming tumatakbo palayo sa lugar na iyon.

"Saan tayo pupunta?!" sigaw ko para marinig niya ko dahil ang lalakas ng hampas ng hangin samin sa kadahilanang mabilis ang pagtakbong ginagawa ni Brix habang hila ako.

"Ilalayo ka ano pa ba?!" sigaw niya pabalik.

"Bakit?! Ano bang meron dun?!"

"Wala! At wag mo nang alamin!"

Nang makakita ng bahay ay agad syang pumunta don at pumasok sa loob. Hindi naman ako makapasok dahil hindi ako inimbita, ito ang mahirap sa pamilya Jenner na kagaya ko, isa ang pamilya namin na kontrolado ng mga lumang tradisyon.

Hindi makakapasok ng bahay kapag hindi inimbita.

Takot sa krus at kung ano pa man.

At sobrang affected sa bawang.

Mabuti na nga lang at hindi na namin namana pa ang tradisyong hindi pwedeng lumabas tuwing andyan ang araw dahil baka malusaw kami.

"What are you still doing there?" tanong niya sakin ng mapansing hindi ako makapasok sa loob ng bahay at nanatili lang akong nakatayo.

"I cant come" sandali syang napakunot noo pero ng ma-realized niya kung ano ang sinasabi ko ay nagbuntong hininga sya bago nagasalita muli.

"Come, pasok ka" he said. Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng pinto.

"Bahay mo ba to?" I asked him.

"No" mabilis niyang sagot.

"Then, you have no right to invite me. Tanging ang miyembro lang ng pamilya ng nakatira sa bahay na to ang makakapagpapasok sakin dyan" mataray kong saad. Sinamaan niya kong muli ng tingin at pumasok na ng tuluyan sa loob, iniwan ako sa tapat ng pinto na nag-iisa at walang kasama.

Tanga talaga ng isang yon, hihila-hilain ako tapos iiwan din pala ko dito! Pag ako lang nakita--

"What the fuck?!" nagulat ako ng marinig ang sigaw niya mula sa loob.

"Brix? Bakit? Anong meron dyan sa loob?" usisa ko mula sa bukana ng pinto pero wala kong natanggap na feedback mula sa kanya, wala rin akong gaanong makita sa loob dahil hindi naman nakasindi ang ilaw.

Nag-aalala na ko dahil ilang minuto ng hindi umiimik si Brix at gustuhin ko mang pumasok sa loob ay hindi ko naman magawa dahil sa isang bwisit na tradisyon.

"Brix ano ba?! Ano bang meron dyan?!" sigaw ko. Kakaiba na ang kabang nararamdaman ko at alam kong hindi na yun maganda.

Mula sa loob ay naaninaw ko ang mukha ni Brix na parang naguguluhan at hindi makapaniwala.

Nang makalabas ay mabilis ko syang hinila.

"What?"

He looked at me with disbelief written on his face.

"Ano?!" frustrated kong tanong dahil nakatingin lang sya sakin at hindi man lang kumukurap. Kung normal na araw lang sana to, baka isipin kong may gusto sya sakin kaya niya ko tinititigan pero hindi e. Iba to.

"Clyde..." he said almost whispered.

"What about him?"

Muli niya kong tinitigan pero sandali na lang hindi katulad kanina, at nang marinig ko ang sagot na hinahanap ko sa kanya ay ako naman ngayon ang napatitig sa kanya ng hindi makapaniwala.

No way! He cant do that!

Clyde didnt...killed...Venille...right?

--------
z/n: Dedicated ang chapter na to kay CyrineManabat :) nakalimutan ko na yung first comment then dedic haha. Buti na lang naalala ko sayo ^__^

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now