Chapter 22: Run

7.8K 219 7
                                    

Chapter 22

Run



Naka survived ako ng isang linggo na hindi kami nagtatagpo ng Kendrie na yun. Actually, iwas din ako sa kanya e. Aminado naman akong natakot ako sa banta niya, sino bang hindi? Boses pa lang alam ko nang seryoso.

Waaah! Kanino ba ko hihingi ng tulong? Si Cleo may gusto kay Calix, si Tanica naman kay Helix. Waah talaga! I'm doomed!

"Tara lunch" aya ni Tanica. Inayos ko ang ilang gamit ko saka tumayo. Sobrang nakakapagod ang araw na to dahil kabilaan ang pinagawang activity ng mga prof. Ngayon lang ako nagpasalamat at may lunch break. Sa wakas makakapagpahinga na kahit papano ang utak ko.

Pagdating namin sa cafeteria ay parang nakakapanibago, ang dami kasing tao at halos mapuno na ang buong cafeteria dahil dun. Anong meron?


"Wala na atang vacant. Sa garden na lang tayo kumain bumili na lang tayo ng food" sabi ko habang hila-hila ang dulo ng uniform ni Tanica.


"Meron yan. Let's look around" she said sabay lingon-lingon. Nakilingon na rin ako para maghanap ng bakanteng upuan ng may mahagip ang mata ko. I saw Cleo seating alone kaya tinawag ko ang pansin ni Tanica.


"Hey, maki-table na lang tayo kay Cleo, mukhang mag-isa lang sya dun oh" at tinuro ko pa ang pwesto kung nasan sya pero paglingon ko...


Anak naman talaga ako ng nanay at tatay ko oh! Bigla na lang lumitaw sina Calix, Helix at kung minamalas ka nga naman...nandun din si Brix!

"Ay...m-may kasama pala sya, tara h-hanap tayong iba" sabi ko kay Tanica. Tumalikod ako sa pwesto nila Cleo para hindi nila ko makita pero mukhang huli na ang lahat...


"Tanica! VC!" nakita kami ni Cleo at agad na kinawayan. Gantong-ganto yung senaryo nung first day e pero ang pinagkaiba nila ay, ngayon...patay ako.

Dahan-dahan lang akong naglakad papalapit sa kanila. Ini-imagine ko na sa lugar kung san si Cleo ay may gwapong evil ang handa akong patayin dahil sa pagkabasag ko sa kinabukasan niya.

Kasalanan niya naman yun e! Hindi ko naman yun gagawin kung hindi niya ko hinalikan! Gumanti lang ako bakit sya pa tong galit?! Ang unfair!

"Bakit ba ang bagal mo?" taas kilay na tanong ni Tanica. Tiningnan ko naman sya na parang nagmamakaawa. Ayokong lumapit sa table nila Cleo huhu. May dimunyu dun!

Pinasadahan ko ng tingin ang table nila Cleo at nakita syang nakatingin sakin. Hindi lang basta simpleng titig lang. Tingin na may kasamang ngisi at parang sinasabing 'Come here kitty. Hindi ka masasaktan sa gagawin ko' napalunok ako.

Oras na makalapit ako sa kanya katapusan ko na. Hindi ko na ulit makikita ang mukha ni kuya at lalong mas hindi ko na maaamin kay Clyde na gusto ko sya at ang kissing scene namin na kung hindi man nauudlot ay nasasabotahe naman, ay baka hindi na mangyari.

Umatras ako. Dahan-dahan lang sa simula hanggang sa...

"Venille! San ka pupunta?!" rinig kong sigaw ni Tanica.

Ililigtas ko buhay ko! Gusto ko yang isigaw. Gustung-gusto kaya lang baka marinig nung fvcking Kendrie na yun kaya sa isip ko na lang sinabi. Marami pa kong pangarap sa buhay tapos mawawala na lang ng ganun-ganun na lang?

Hindi ako makakapayag! Ipaglalaban ko ang karapatan kong mabuhay! Para sa dakila kong pagkakagusto kay Clyde kailangan kong mabuhay! Tama!

Mabilis akong tumakbo paalis ng cafeteria, malapit na ko sa labasan ng...

"San mo balak pumunta?" ngisi niyang tanong. P-pano syang...n-nandun lang sya kanina a!

"It's payback time" dahan-dahan syang lumapit sakin habang ako naman ay umaatras. What to do?! What to do?!

"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" agad akong napalingon ng makarinig ng sigaw. Nabangga ko pala ang isang kapwa ko estudyante na may dalang tray ng pagkain at natapon iyon sa suot nitong uniform.

"Sorry" I said. Saka kinuha ang panyo sa bulsa ko at sinimulan nang punasan ang uniform nito ng maramdamang may biglang humablot ng braso ko.

Sa sobrang lakas ng paghila niya ay natabig ko ang isang lamesa kung saan may mga pagkain at iilan don ay tumalsik sa uniform niya.

I heard gasp.

Oh ano? Kasalanan ko na naman?! Hindi ako ang nanghila!

"You really want to test my patient do you?" nagngingitngit sa galit na niyang sabi. Napangiwi ako ng maramdamang dumidiin na ang pagkakahawak niya sa braso ko. Masakit na huhu.

Nilibot ko ang paningin at nakitang kalahati ng atensyon ng nandito sa cafeteria ay nasa amin. Sa akin. Hinanap ng mata ko sila Cleo at Tanica para humingi ng tulong pero di ko sila makita. Nasan na ba kasi sila? Ngayon ko kailangan ng tulong nila.

Napapaluha na ko. Wala bang may balak tulungan ako dyan?!

Bigla akong nakaramdam ng pagkaluwag sa braso ko kaya agad kong tiningnan si Brix.

Ngayon ko lang napagmasdan ng ganito kalapit ang mukha niya at...nakakabwisit sya! Yung labi niya! Yung labi niyang ginamit niyang pang molestiya sa mura kong pagkatao!

Di ko na naman napigilan ang galit ko at sa ikalawang pagkakataon ay nilukob na naman ako nito.

"What the fvck!" sigaw niya ng sipain ko ulit ang alaga niya. Naiinis na naman ako! Naiinis na naman ako sa kanya at sa ginawa niyang paghalik sakin!


Maraming napasinghap ng makita ang ginawa ko pero wala akong pake sa kanila. Hindi porket sikat tong Kendrie na to di ko na sya pwedeng sipain sa -where-the-sun-dont-shine niya!

At dahil ayokong mabigyan ulit ng panibagong threat, mabilis akong tumakbo palabas sa cafeteria at alam kong di na niya ko mahaharangan. Narinig ko ang pagsigaw-sigaw niya pero di ko na sya pinakinggan.


Nang makalabas ng caf ay agad akong humawak sa dalawang binti ko. Hiningal ako kahit hindi naman ganun kalayo yung tinakbo ko. Magsisimula na sana akong maglakad pero...

"Ayun sya! Hulihin niyo kundi tayo ang patay kay Pinuno!" nilingon ko kung san galing ang boses na yun at laking gulat ko na lang ng makita ang isang dosenang lalaki na nakatingin sa direksyon ko habang nakaturo pa sakin ang isa sa kanila.

Parang di ko ata magugustuhan ang nangyayaring to a.

Agad akong umatras ng mabilis silang lumapit sa direksyon ko.

"A-anong kailangan n-niyo?" nanlalaking matang tanong ko.

"Pasensya na Lady Shaw. Napag-utusan lang" at bigla silang tumakbo kaya tumakbo rin ako palayo.

Bawal tumakbo sa hallway! Huhu! Lintik kang Kendrie ka! Nagpatulong ka pa sa mga alipores mo! Pag nagkita ulit tayo talagang lalakasan ko na ang pagsipa ko sayo para mabaog ka na ng tuluyan!
-------------------------

z/n: Sinimulan ko na yung pagbibigay ng dedic :) hanggang chapter 5 pa lang e.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now