Chapter 45: The Final Chapter

6.4K 143 7
                                    

Chapter 45: The Final Chapter



[Tricia]

Bakit ganun? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko at bakit nahihirapan akong huminga? Hinawakan ko ang aking dibdib. Hindi naman dapat ganito hindi ba?



"Ugh!" napatingin ako kay Euhence at Kaido. Napuruhan ni Euhence si Kaido kaya't napaatras ito. Kung hindi sa galit na nararamdaman ni kuya ay malamang matatalo lang sya agad ni Kaido pero ng dahil dun ay lumakas sya.



Napabaling ang aking tingin kay Venille. Unang pagkikita namin ito at hindi ko akalaing ganito pala ang ugali niya. I mean, kung kambal kami hindi ba dapat ay magkaugali kami dahil parehas ang identidad na dumadaloy sa sistema naming dalawa? O baka naman nalinlang lang ako ng paniniwala kong yon?



"Tricia ayos ka lang ba? Namumutla ka" agad na hinawakan ni Tanica ang aking mukha hanggang sa bumaba ito sa aking kamay. "Nanlalamig ka rin"



May kung ano sa loob ko na hindi ko maipaliwanag kung ano.



Biglang lumapit sakin si Calix.



"Let's go" itinayo niya ako pero agad din akong napatumba. Mabuti na lamang at nasalo ako ng bisig niya.



"Are you alright?" kunut-noo niyang tanong.



"Yeah" simpleng sagot ko dito.




[Third Person]

Hindi alam ng marami na sa kabila ng kaguluhang nangyayari ay may isang taong nawala na sa kanyang matinong pag-iisip sa tuling na rin ng eclipse na nagaganap ng gabing iyon. Paalis na sana si Calix at Tricia kasama si Tanica sa kahindik-hindik na kweba na iyon ng harangan niya ito.



"You cant leave" nakayukong sabi nito.



"Get out in our way" kalmadong saad ni Calix.



"No"



"What-"



Hindi na natapos ni Calix ang sasabihin nito ng bigla syangbl suntukin nito.



"Helix?! What are you doing?!" sigaw ni Tanica habang tinutulungan ang patuloy na nanghihinang si Tricia.


The Vampire Prince's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon