Chapter 16: Cheerleader

9.7K 289 18
                                    

z/n: Dahil sobra akong natuwa sa comment ni COLDAICE, ang chapter na to ay dedicated sa kanya yiee~

Diba sabi mo miss mo na si Calix? Para sayo may special participation sila dito ^_^

Enjoy reading everyone!
-------------------------

Chapter 16


Cheerleader




"Akin na nga yan!" sigaw ko. Nakakabanas! Sa lahat ng pwedeng paglaruan yung notebook of secrets ko pa?! Nandun lahat ng sikretong malupit ko! Yung mga panahon na SOBRANG saya, lungkot at takot ako. Bakit ko ba kasi dinala-dala pa yan dito sa school?! Banas naman nakita pa tuloy nang hayop na si Clyde.




Oo guys, sobrang close na kami. Parang sina Sam at Dean ng supernaturals o kaya sina Spongebob at Patrick. Pwede ring Dora and Boots. Ganyan kaming dalawa ngayon. Wala eh, mabilis ang pangyayari. Basta nagising na lang ako kinabukasan close na pala kami.




"Dear Fifi..."




"Clyde!" pilit kong hinahablot ang NOS ko (Notebook Of Secrets) pero sadyang matangkad ang nilalang na to. San ba to pinaglihi ng magulang niya? Sa kapre ba? Ang tangkad eh! Naiinis ako!




"May pangalan pa?" natatawa niyang saad. Pake niya ba? Masyado nang common yung Dear Diary eh atsaka kaya Fifi pangalan nun kasi naaalala ko yung alaga kong aso dati. Namatay kasi yun noon dahil nasagasaan ng kotse, iyak nga ko ng iyak nun tapos sinisi ko pa si kuya kasi hinayaan niyang makalabas ng bakuran namin. At dahil napakabuting nilalang ng kapatid ko, binilhan niya ako ng notebook of secrets. Basta hindi sya ordinaryong notebook lang. At yun ang pumalit kay Fifi.



Anyway, tinalon-talon ko na si Clyde para makuha ang notebook ko pero wala. Useless. Tatanggapin ko na. Maliit talaga ako. Nakakaiyak T.T




"5 ways to make me fall in love" napakunot noo ako. San galing yun?




"First. Be sweet" nanlalaking matang tinitigan ko si Clyde. Nasa dulong part nakalagay yun!


"Akin na yan Clyde!" sigaw ko pero di niya ko pinansin.



"Second. Cook me spaghetti"




"What the fuck!" napamura na talaga ako. Ang dami ng usisero't usisera!




"Third. Surprise me. I love surprises"




Naiinis na ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Ang dami nang nakakarinig, ang dami nang nakapalibot sa kanya pero tinutuloy niya pa rin ang pagbabasa.




"Give it back to me Clyde" seryoso kong sabi pero hindi niya ko pinansin at binasa ulit ang 5 ways ko.




"Fourth. Always text me goodnight and goodmorning" tumalikod na ko. Bahala ka sa buhay mo. Galit na ko. Beastmode na. Hindi kita papansinin bwisit ka!




"Uy eto na" nakita ko ang NOS sa harap ko. Agad ko tong kinuha at binigyan sya ng masamang tingin. So kung hindi pa ko nag walk out hindi niya pa ibabalik sakin yun? Aba magaling! Magaling talaga! Nyeta!




Padabog akong naglakad. Kala niya bati na kami? Heh! Asa sya!






"Oh? Nag-away na naman kayo?" tanong ni Tanica. Maka 'na naman' naman to.





"Ano bang label niyong dalawa? Kayo na ba?" tanong niya ulit. Tinitigan ko sya ng masama.






"Hindi ako pumapatol sa may sabit" naiinis kong sabi. Nadagdagan tuloy yung kinikimkim ko. Kanina galit lang ako dahil sa notebook ngayon galit na ko dahil naalala kong may girlfriend pala si Clyde. How can I forget that diba? Ang tanga.






The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now