Chapter 10: First Step

11.4K 364 21
                                    

z/n: Tara readers xD samahan niyo ko sa kabaliwan ko wag niyo kong iwan sa ere haha. Pakibasa ang announcement after ng chapter ^_^

Enjoy!
--------------------------

Chapter 10



First Step



[Cleonaira]



Nabobordy na ko. Bakit kasi hindi ako pwedeng pumasok? Isang linggo na kong hindi nakakauwi ng apartment ko at isang linggo na ring hindi ko pa nakikita ang pinakamamahal kong si Calix. Bakit kasi ang saklap ng buhay ng isang magandang katulad ko?



"Ano na? Kailan mo ba ko balak pabalikin?" inis kong tanong sa lalakeng nasa harap ko. Pinagkwento lang naman ako nito buong linggo at paulit-ulit-ulit-ULIT lang lahat ng eksenang sinasabi ko. Feeling naman niya may magbabago sa sasabihin ko. Hello? Matindi ata ang memory ko. Kahit yung ilang beses na paghinga ng isang tao ay alam ko.


"Later. I'll accompany you" napasimangot ako. Minsan talaga bobo rin tong isang to eh.



"Bawal ka nang pumasok dun. Graduate ka na kaya" I said to him.



"So do you"



"Nag enroll kaya ako ulit so it means estudyante nila ko"



"I'll go and enroll myself again if that's the problem"



Napailing ako. Matalino ba talaga ang isang to?



"Sige. Subukan mong gawin yan at siguradong kakalat ang hindi dapat makalat" napatahimik sya sa sinabi ko. Ano? Napaisip ka ngayon?




[Venille]



Mag-isa akong nagreresearch dito sa library. Nabanas kasi ako dun sa babaeng europea na yun. Masama bang titigan ang boyfriend niya? Kasalanan ba yun? Hanggang titig na nga lang ako pinagdadamot pa tsk!



Tapos ngayon namomroblema pa ko kung pano gagawin yung activity na yun. Kailangan daw kasi naming magdrawing ng isang bagay pero syempre dahil college ka na nga dapat yung ido-drawing mo may twist. Eh pano ko nga yun gagawin kung hindi ako marunong? Stick na tao na ang pinaka astig kong nadrawing sa tanang buhay ko. Hayy bakit kasi hindi ako pinagkalooban ng talento sa pagdo-drawing?



*ring ring*



"Sssshhh..." humingi agad ako ng paumanhin sa librarian ng biglang mag ring yung phone ko. Tiningnan ko ang caller id at nakitang si kuya lang pala yun. Bakit kaya napatawag ang isang to? Nagparamdam naman ako sa kanya kaninang pagkagising ko ah...



"Hello kuya?"



[Venille] napakaseryoso ng boses niya kaya hindi ko napigilang kilabutan. Bilang lang kasi sa daliri ang mga seryosong mood ni kuya. Mas gusto ko pa yung mood niya na naiinis kesa sa seryoso, kala mo kasi kapag ganyan ang mood niya may mangyayaring di kaaya-aya.



"Yes kuya? Bakit ka napatawag?" sinubukan kong maging kalmado ang boses ko para hindi niya mahalata at mukhang effective naman.




[Nasan ka?]



"Nasa BU?" kunot noo kong sagot. As if makakalabas ako ng campus para makagala? Dapat alam na yun ni kuya dahil dito sya nag-aral. Minsan talaga ang bobo rin ng kapatid ko.



[Exact location]



"Library"



[Sinong kasama mo?]



The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now