Chapter 2: Welcome

18.2K 543 20
                                    

Chapter 2

Welcome

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko si kuya bago pumasok sa loob ng apartment.

Mukha lang pala syang maliit sa labas pero malaki naman sa loob. May isang mahabang couch na kulay maroon na kasya ang apat na tao at sa magkabilang gilid ay mga single couch na. Meron ding flat LED na mukhang touch screen pa. Nice. Sosyal pala ang school na to.

Mula sa gilid ay may lumabas na babae na nakasuot ng apron at may hawak na sandok.

"Ikaw ba si Venille?" nakangiti niyang tanong. I think sya yung ka-roommate ko.

"Yeah. I'm Venille. Venille Case Shaw" buong pangalang pakilala ko. Sandali syang natigilan at nanlalaking matang napatingin sakin "What is your relation to Euhence Shaw?"

Napataas ang kilay ko "He's my brother"

"Really?!" tumango ako bilang sagot at bigla na lang niya akong niyakap "OMG! I'm a big fan of your brother!" she exclaimed. Napakunot noo tuloy ako. Anong fan fan ka dyan? Hindi naman artista si kuya ah.

"By the way, I'm Cleonaira. Cleo na lang for short" she offered her hand at agad na nakipag shake hands sakin.

Matapos ng sandaling kwentuhan ay inayos ko na ang gamit ko. Nasa second floor ang mga rooms. Nasa kaliwang bahagi ang kwarto ni Cleo at sakin naman ang kanan. Dalawang kwarto lang talaga ang nasa taas at may isang banyo na napapagitnaan. Meron din namang banyo sa baba kaya hindi kami mahihirapan ni Cleo sa pagtatalo kung sino ang mauuna sa hindi.

Inayos ko na ang mga damit ko at inilagay sa closet. Hinanger ko na rin ang dapat na i-hanger.

Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Kitang-kita mula doon ang liwanag ng buwan. Bilog na bilog ito ngayon. Kamusta na kaya si kuya? Mahaba pa ang byahe niya pabalik ng manila. Sana nag hotel muna sya para magpalipas ng gabi.

"VC!" napatingin ako kay Cleo na ngayon ay nakatayo sa amba ng pinto.

"VC?" takang tanong ko

"Yeah. VC. Short term ng pangalan mo. Masyado na kasing maraming Ven dito or Nille. Ayoko naman ng Case masyadong eew kaya VC na lang" hindi rin sya madaldal?

"Ow-kay?"

"Kakain na pala. Bumaba ka na ha?" tumango ako bilang sagot.

*

"He's sweet pero suplado sa ibang tao. That's my kuya..." pagbibida ko kay Cleo. Sabi niya kasi kwentuhan ko daw sya about kay kuya Euhence kaya ginawa ko naman.

"I'm starting to love your kuya na" she said while daydreaming. Napailing ako. Hindi naman mahirap i-close si Cleo. She's fun to be with kahit na medyo childish. I bet marami tong friends.

"Nga pala. How did you know my brother? Matagal na syang graduate dito ah"

"Oh that" tumigil sya sa pagkain at tiningnan ako "You dont know do you?"

"Know what?"

"That Euhence is-" hindi niya natapos pa ang sasabihin niya ng may bigla kaming marinig na katok sa pinto. She excused herself at sinundan ko sya ng tingin.

Pagkabukas ng pinto ay parang may isang mailman doon at inabutan sya ng isang pulang sobre. Tiningnan ako ng mailman bago ibalik ang tingin kay Cleo. May sinabi sya dito na hindi ko masyadong narinig. Tiningnan din ako ni Cleo saka tumango dun sa mailman. Napakunot na naman ako ng noo. Are they talking about me?

Bumalik na si Cleo sa upuan niya at itinago ang sobre sa bulsa.

"Ano yun?" I asked.

"Wala yun. Nagpadala lang ng sulat for the event tomorrow"

The Vampire Prince's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon