Chapter 23: Hide

7.1K 222 7
                                    

Chapter 23

Hide




Pakiramdam ko nalibot ko na ang buong campus dahil sa ginagawa kong pagtakbo. Nakakabaliw mang isipin pero yun ang totoo. Nakarating na ko sa pinaka kasulok-sulukan ng garden pero sumusunod pa rin sila. Sobrang bilis nilang tumakbo walang duda pero sorry na lang sila dahil dati akong member ng track and field nung high school kaya hindi nila ko mahuhuli agad. Heh!


May nakita akong isang room. Sa pagkakaalam ko ito yung tambakan ng mga gamit sa iba't-ibang club. Kung baga sa bahay, bodega.


Mabilis akong pumasok don ng marinig ang yabag nilang papalapit sa pwesto ko. Bakit ba nila sinusunod ang manyak na yon? Estudyante lang rin naman sya katulad ko a! Kala mo naman kung sinong anak ng principal kung umasta. Bwisit talaga ang Brix na yun ugh!



Saktong pagkapasok ko sa loob ay dumating sila. Kung kanina isang dosena sila pwes ngayon dalawang dosena na. Mas lalo lang tuloy akong nabadtrip.




"Shit! Nasan na yun?"

"Hanapin niyo pucha! Tayo malilintikan kay pinuno neto!"

"Tao na nga lang hinahabol natin makalatakas pa?! Damn!"





Mula sa pagsilip ko sa konting uwang ng pinto ay nakikita ko sila na hinahalughog ang lugar. Makapagsabi naman yung isa ng tao kala mo sya hindi. Ano tingin niya sa sarili niya? Alien?





"Teka baka nandito sya sa loob"





Nanlaki ang mata ko. Shit! They're heading their way towards me!




Tuluyan kong sinara ang pinto at nilock iyon. Kalma Venille, wag kang gagawa ng kahit na anong ingay maliwanag?!




Narinig ko ang tunog ng doorknob na pilit na binubuksan. Shoot! Wag kang bubukas! Wag kang bubukas!




"Ano na? Bat ang tagal?"

"Pre, naka lock e"

"Edi wala sya dyan. Tara sa iba tayo maghanap. Paniguradong di pa nakakalayo ang isang yun"





Narinig ko ang papahina nilang hakbang kaya nakahinga ako ng maluwag. That was close! Shit!



I spent 20 more minutes bago napagpasyahang lumabas but...



What the freakin' mega omega hell! Bakit ayaw mabuksan ng pinto?!



"Tu-" agad akong napatigil sa akmang pagsigaw ng napagtantong oras na sumigaw ako ay may posibilidad na marinig nila ko. Imbis na maligtas ako ay baka mas lalo ko pa iyong ikapahamak. So rather, I'll just shut my mouth up na lang for the sake of my precious life.



Pero Pano ako makakalabas dito?



Pinagmasdan ko ang buong loob ng bodega. Hindi gaanong maliwanag pero hindi rin naman madilim. May konting sinag ng araw na tumatama sa bintana at nag-re-reflect pababa sa lupa. May iilang cabinet din ang iilang gilid at may iba't-ibang sized ng kahon.



May mga upuang sira din ang paa at armchair.



Ah! Naalala kong dala ko nga pala yung selpon ko. Nilabas ko iyon pero para tawagan si Cleo dahil alam kong sya agad ang pupunta dito kapag nalaman niyang kailangan ko sya pero kung minamalas ka nga naman...



Walang signal! Bakit ganon? Kapag kailangan mo wala tapos kapag hindi mo kailangan laging  nandyan. Naku!



Nagsimula akong maghanap ng signal. Minsan nagkakaroon tas biglang mawawala. Badtrip diba?




The Vampire Prince's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon