Chapter 30: Traitor (Part One)

6.1K 162 8
                                    

Chapter 30

Traitor
(Part One)

[Third Person]

Limang taon si Venille ng makilala niya ang kababatang si Tanica. Anim na taon ng makilala sina Cleo at ang Kendrie Brothers, pito naman ng makilala si Clyde at Farra.

Hindi katulad ng iba, si Venille ay hindi bampira. She's a pure human to the point na marami ng bampira ang naaakit sa dugo niya. Mapababae o lalake man.

Naging komplikado ang mga sumunod na buwan sa buhay ni Venille. Kakaiba ang dugo niya at aksidente itong nalanghap ni Calix na nung mga oras na yun ay kasama niya.

"Sandali Calix!" sigaw ng pitong taong gulang na si Venille sa lalaking mukhang 18 but the truth is he's already 200 years old.

"Wha-" napatigil ang lalaki ng malanghap ang hindi basta-bastang pamilyar na amoy. Para sa kanya, para syang inaakit ng amoy na to at inaadik sya.

"I tripped" she said. Hawak-hawak nito ang tuhod na nagasgasan habang ngumingiwi sa sakit.

Lumuhod si Calix upang maging magkapantay sila at ilang beses syang lumunok para maibsan ang nagsisimulang matuyong lalamunan niya.

'I...have...to...stop...this' bulong niya sa kanyang sarili.

"Calix! Hey!" sigaw ni Venille sa mabilis na lumayo na si Calix.

[Tanica]

Pagkamulat ko ng mata ay parang walang nangyari. Parang hindi umandar ang oras, yun bang pumikit lang ako at pagdilat ko naalala ko na lahat.

Lahat ng mga bagay na nakalimutan ko simula noong pito ako.

Yung alaala kung pano kami nagkakilala ni Venille, kung pano kami naging magkaibigan, kung pano namin nakilala sina Cleo at ang XB, maging kung paano namin nakilala sina Clyde at Farra. Naalala ko na lahat.

Lahat-lahat kung saan naalala ko na rin kung sino ang pumatay sa kanya. Pero may isang bagay akong hindi maalala. Sino ang Venille na kasama namin ngayon?

"Hey Tanny, are you ok?" Cleo asked. I act normal as I can. Hindi pwedeng ma-ruin ang plano. Ang plano kung paano malalaman kung sino ang pumatay kay Venille.

Tinitigan ko sila isa-isa. Ako pa lang ba ang nakakaalala? Ako pa lang ba ang bumabalik? Si Calix kaya? Si Helix at Farra? Si Euhence? Brix? Naalala kaya nila?

*Flashback*

Sobra-sobrang kaba ang naramdaman ko ng makita ang naghihingalong si Venille at ang nagpa-panic na si Euhence. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, paano kapag namatay sya sa harap ko, anong mangyayari? Ako ang huli niyang kasama, ako ba ang sisisihin nila? Sakin ba sila magagalit?

The thought of that creeps me out. I am a self-centered human err...vampire. Mas iisipin ko ang reputasyon ko kahit may namamatay na sa harap ko at isa pang malapit na kaibigan ko.

"What are you doing?! Call for help!" mariing sigaw ni Euhence na ng mga oras na yun ay pinapanatiling gising ang kapatid.

"NOW!" mabilis akong tumalima at sinunod si Euhence. Tumakbo ako at sa bawat taong makikita ko ay humihingi ako ng tulong.

"Please...help...my friend" kinakabahan kong sabi. May iilang pumupunta sa itinuturo kong direksyon at may iilang tititigan lang ako na parang nagsasabing baliw ako. God! I cant joke right now! My friendly badly need a help!

"Hey Tanny! What's the problem? Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ni Cleo sakin medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita sya. Dating doctor si Cleo noong tao pa sya kaya alam kong matutulungan niya ko.

"Follow me!" hindi ko na sya hinintay pang magsalita at mabilis syang hinila papunta sa direksyon nina Euhence pero bago pa kami makalapit ng tuluyan ay nakakarinig na ako ng munting hagulgol.

"Why Ven?" impit at puno ng sakit na rinig kong sabi ni Euhence.

Unconciously, nabitawan ko ang pagkakahawak ko kay Cleo at hinayaan ang sariling paa sa gusto nitong gawin.

Tulala ako habang lumalapit sa direksyon ni Euhence, nakatalikod sya sakin pero kitang-kita ko kung pano tumaas-baba ang balikat nito na isang patunay na kasalukuyan itong umiiyak.

Nang tatlong hakbang na lang ang layo ko sa kanya ay dun lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

"Eu....hence" pahina ng pahina ang bigkas ko sa pangalan niya at ng lumingon sya sa direksyon ko, doon lang ako napatakip ng bibig at hindi ko na rin napigilan ang luha kong sunud-sunod na pumatak.

"She's...gone"

*End of Flashback*

"Tanica!" I snapped ng marinig ang boses ni Cleo "...ano bang iniisip mo?"

"N-nothing" mabilis akong umiling-iling napansin kong nakatingin ng makahulugan sakin si Helix kaya agad akong napayuko.

Act normal Tanica!

"Farra was out of sight. Nasan na sya?" rinig kong tanong ni Brix. Tinitigan ko ang pwesto kung san ko sya huling nakita at totoo ngang wala na ito doon.

"I'll find her" boluntaryo ni Clyde.

"I'll go too" sabi ko rin pero pinigilan ako ni Helix.

"You're not going anywhere Tanica" makahulugan nitong sabi na agad kong ikinalunok. Alam kaya niyang nakakaalala na ko?

"W-what do you m-mean?" I mentally slapped myself because of stuttering. How could I be coward like this? I'm a Crimson for pete sake!

"Me, Brix and Kaido will accompany Clyde.." segunda ni Euhence na nakatingin kay Helix.

"Helix, Cleo and Tanica have to stay here in case she'll come back" agad na sumang-ayon si Cleo at Helix sa suhestyon na yon ni Euhence.

"Babalik kami pagkatapos ng isang oras" sa pagkurap ng mata ko ay wala na silang apat at tanging kaming tatlo na lang ang natira.

"I think titingnan ko ang paligid? Baka sakaling nandun lang sya" I said pero ang totoo ay gusto ko lang makalayo sa mapang-usig na mga mata ni Helix.

Sa kanilang tatlo, pumapangalawa sya sa pinaka malakas ang pakiramdam. Syempre si Calix ang nangunguna dahil sya ang panganay.

"No" firm nitong sabi habang mataman na nakatingin sakin.

"What?"

"I said 'No'" ulit nito sa sinabi nito kanina.

"What 'No'? I never asked you to answer me like that" naguguluhang sabi ko sa kanya.

"It's not an answer. It's a demand saying, you have to stay here dahil alam kong may naaalala ka na" he smirked na nagpakaba sa sistema ko.

"Wha-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may mabilis na naiturok sakin kung saan unti-unti akong nanghina.

"Sleep for a while Tanny" ang huli niyang nakita ay si Cleo'ng nakatingin sa kanya na may hawak pang injection.

'You've got to be kidding me' was the last sentence in my mind before I drifted to sleep.

--------------
z/n: Dedicated to Jaenhar. The official dedication will be tomorrow kapag nakapag-web na ko :)

Sorry for the SUPER DUPER late na update :) bawi na me peksman! ;)


The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now