Chapter 27: Fangs

7.2K 198 12
                                    

Chapter 27

Fangs

Mabilis na lumipas ang tatlong araw at sa loob ng tatlong araw na yun, hindi na ako nilubayan ni Clyde. Kahit san ako magpunta nandun sya. Mapa-library, cafeteria, locker room at kulang na lang kahit sa pagbanyo ko ay samahan niya ko.

Inaamin kong mas lalo akong natu-turn on sa ginagawa niya pero jusme naman! Parang hindi na sya umuuwi although ang gwapo at linis niya pa rin naman sa paningin ko pero hindi e.

Pag hinahatid niya ko pauwi sa apartment hindi sya pumapasok sa loob kahit sabihin kong pumasok sya, pag sumisilip ako sa bintana nandun pa rin sya. Nakatayo. Pag gising ko sa umaga para maghanda sa pasukan nandun pa rin sya. Yung totoo? Malapit lang ba tinitirhan nito sa apartment namin?

"Boyfriend mo na ba yan?" pabulong na tanong ni Cleo. Nauuna kaming maglakad habang si Clyde ay nasa likod lang at nakapamulsa pa.

"Oy hindi a!" agad kong tanggi.

"Tss"

Nilingon ko si Clyde na masama ang tingin sakin. Bakit? Tama naman diba? Hindi ko sya boyfriend, umamin lang sya sakin but it doesnt mean na boyfriend ko na sya. Ano sya sinuswerte? Ligawan niya muna ako no.

Tumingin na lang ako sa harap at nagfocus sa daan. Malapit na kami sa pinto ng university ng may biglang lumabas na nilalang doon. Automatic na napatigil si Cleo maging ako. Naka-side view sya samin pero nung napansin niya atang nakatingin kami sa kanya ay lumingon sya.

"Calix baby!" sigaw ni Cleo saka nagtatatakbong pumunta sa kinaroroonan ni Calix. Napalunok ako ng makitang nakatingin sya sakin. Parang hinihigop ako ng mata niya at pakiramdam ko wala akong kawala-

"Just look at me" biglang sumulpot sa harap ko si Clyde na hindi ko alam kung panong nangyari. He blocked my sight to Calix at tanging sya na lang talaga ang nakikita ko.

"A-ano...pasok na tayo? He-he?" awkward kong sabi. Humakbang ako pagilid at ng malagpasan sya ay bigla niya kong hinila sa wrist kaya mabilis akong napabalik sa kanya. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko dahil---oh shet! Matatamaan ko yung abs niya!

Bigla niyang hinawakan ng magkabilang kamay ang dalawang pisngi ko saka pinisil iyon.

"Ono bong gonogowo mo?" kunot noo kong tanong. Parang abnormal kasi.

"I want you to be ugly not cute tsk!" parang naiinis pa sya ng tanggalin niya ang pagkakapisil sa mukha ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Alam kong mahina ako minsan sa english pero naintindihan ko yung sinabi niya kanina!

"So gusto mo kong pumangit ganon?" taas kilay kong tanong saka pinameywangan sya.

"Yeah" at ang loko nakangiti pa. Abat!

"Ah ganon?"

"I want you to be ugly so that no guys will dare to stare at you. Just me..." bigla syang humakbang palapit sakin at ako naman si atras pero bigla niya ulit akong hinila pero sa ngayon sa bewang na para mas lalong mapalapit sa kanya "...only me" bigla niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko. Napapikit ako at napakapit sa braso niya.

OMG CANT BREATHE!

Nakaramdam ako ng biglang paghawak sa braso ko at pagdilat ko ng mata, wala na si Clyde sa harap ko.

"Cleo?" tanong ko ng makitang hawak niya ang braso ko. Hinanap ko si Clyde pero hindi ko sya makita. Nananaginip na naman ba ko ng gising? "Nasan na yung baby mo?" I asked again ng pati si Calix ay wala na.

Hindi niya ko sinagot sa halip tiningnan niya lang ako na parang papatay. Bakit? Wala naman akong ginagawa a?

-*-

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now