Chapter 21: Not Now, Not Never

8.2K 234 10
                                    

Chapter 21

Not Now, Not Never





Bakit ganon? Sabi ko ipasok niyo ko sa mental pero bakit parang mas gusto niyo atang sa ospital ang bagsak ko although ospital din naman ang mental?

Pagkagising ko kinabukasan ay ang sama na naman ng pakiramdam ko. Masakit na naman yung sa may bandang leeg ko pero hindi katulad noon na halatang may dinaramdam ako, ngayon very very light na lang. Kaya kong pumasok, at sigurado akong this time hindi ko kakailanganin ang clinic.

"Sabay na tayo" ngiting sabi ni Cleo. Tumango ako at sabay na kaming naglakad papunta sa school building.

"VC"

"Hmm?" I said. Nilingon ko sya at nakita kong nakatingin sya sakin.

"I have a question" she said at tumigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.

"Spill"

"Do you like that Arconado? I mean-Clyde?" kumunot ang noo ko. What a random question. Hindi ko inaasahan na ganyan ang itatanong niya. Halata ba ko masyado na gusto ko sya? Alam niya kayang pinapantasya ko si Clyde kagabi? OMG I'm doomed! Di ko nga pinagkakalat yung feelings ko kasi hindi pa ko sigurado sa lintik na nararamdaman ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung pano ko sasagutin yung tanong niya. Gusto ko sya? Oo. Aminado naman ako pero hanggang dun lang ba?

"Nah never mind. Dont answer it na lang" she smiled and walk away.

Do you like him?

Yes.

Do you love him?

Do I love him?



[Third Person POV]

Mabilis na natapos ang morning class. Dahil sa nararamdamang hilo ni Venille ay napagpasyahan niyang magpahinga muna kahit sandali lang. Imbis na sa clinic sya pupunta ay naisipan niyang sa garden na lang nang naturang school magpahinga.

Maganda ang klima ng mga oras na yun. Mahangin ang paligid na nagpapalipad sa iilang dahon na nalalagas. Pumwesto sya sa pinaka malaki at mayabong puno sa garden. Humiga sya sa ilalim non at ginawang unan ang bag.

'Sandali lang. Iidlip lang ako' sabi niya sa kanyang sarili.




Sa di kalayuan nama'y may dalawang nilalang ang nag-uusap.

"Kailan ka ba babalik sa atin? Miss na miss na kita" maarteng saad ng babae habang nakakapit sa leeg ng isang lalaki.

"Farra..." tawag ng lalake sa babae.

"Yes Clyde?" at nagbeautiful eyes pa ito.

"Go home. I dont need you here" malamig na sabi sa kanya ni Clyde.

"You dont know what you're doing" firm na sabi ni Farra sa kanya.

"Of course I know what I'm doing" nakangising saad ni Clyde.

"You'll regret this" at umalis na si Farra sa harap ni Clyde.


'Not now, not never'

Napabuntong hininga na lamang ang huli. Napagpasyahan niyang maglakad muna para makapag-isip-isip ng maayos nang may mahagip ang kanyang mata. Pamilyar ang pigurang kanyang nakikita. Kahit ata ang kukong pagmamay-ari nito ay alam niyang sya yun.

Lumapit sya sa punong iyon kung san niya nadatnan itong mahimbing na natutulog. Umupo sya sa bandang ulunan nito at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Napangiti sya.

"Not now, not never" saad nito habang inaalis ang iilang takas na buhok sa mukha nito.

[Venille]

Nandirito ako ngayon sa harap niya habang nakayuko. Nahihiya ako sa gagawin ko pero kung hindi ko yun gagawin baka magsisi lang ako. So it's now or never na lang talaga.

"I--I have to tell you something" saad ko. Aish! Get grip of yourself Venille!

Tumingin ako sa kanya ng hindi sya magsalita at nahuli kong nakatingin sya sakin. Napalunok ako, yung titig niyang tagos hanggang kaluluwa.

"G-gusto ko s-sanang malaman m-mo na g-gusto kita"

There! I said it! Napayuko ako ulit. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko ngayon.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ang kamay niya sa baba ko at iangat ito. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at bago ko pa matanong kung ano ang ginagawa niya...naramdaman ko na lang ang labi niya...sa labi ko.

OMG! HE KISSED ME?! HE...KISSED...ME!

"Not now, not never"

Napadilat ako ng mata at ang mayabong na mga dahon ng sinisilungan kong puno ang agad na bumungad sakin.

Panaginip lang...

I touched my lips. Bakit ganon? Bakit parang totoo?

Bumangon na ko. Dama ko. Naramdaman kong lumapat ang labi namin. Alam ko totoo yun! Pero ano nga yung sinabi niya? Bakit di ko matandaan?

I checked my watch at agad na nanlaki ang mata ko nang makitang late na ko sa dalawang subject ko. Agad-agad akong tumayo pero agad din akong napatigil ng may makitang lalaki sa likod ng punong hinigaan ko.

Wala naman sya dyan kanina at kung dumating man sya alam kong nakita niya ko habang natutulog.

I touched my lips again. Hindi kaya...

Nilukob ng galit at inis ang pagkatao ko. Pano kung...pano...

Hindi ito maaari!

Lumapit ako sa kanya at pinakatitigan sya ng masama. Sigurado ako...sya ang pangahas na yun!

Naalimpungatan sya at ng makita ako ay agad na kumunot ang noo niya.

"What?"

May pa-what-what pa sya?! Matapos...matapos niyang kunin ang bagay na hindi sa kanya ang lakas ng loob niyang mag what!

Lumapit ako sa pwesto niya ng nakakuyom ang kamao.

"What do you--"

*Pak*

Nanlalaking mata niya kong tiningnan matapos ko syang sampalin. I saw his jaw tightened at tumayo.


"What.Do.You.Think.You're.Doing?" galit at parang nagpipigil niyang sabi. Napalunok ako dahil parang natuyo ang lalamunan ko.


"You...you're asking what I am doing?! You---You kiss stealer!" sigaw ko dito.

Wrong move dahil parang mas lalo lang syang nagalit sa ginawa kong pagsigaw.

"Such a--shit!"

Mabilis akong kumaripas ng takbo pero agad ding tumigil at humarap sa kanya.

"Serves you right jerk!" sigaw ko. Huh! Mabaog ka sana sa ginawa ko manyak!

Habang tumatakbo ay narinig ko pa ang huling sinabi niya na nagpanginig ng buong pagkatao ko.

"You gonna start hiding cause if our path cross again. I'm going to kill you"

Shoot! Sya pa may ganang magbigay ng threat e sya nga tong nagnakaw ng halik sakin?! Napaka! Napaka walang modo niya! Matagal kong iniangatan tapos nanakawin niya lang habang natutulog ako? Tinaon niya pa talaga sa kahinaan ko?!

That Kendrie! That Brix fvcking Kendrie!

Ugh! Pero...waaah! Kuya help!

--------------------

z/n: Late update walang internet ee' :)



















The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now