Chapter 6: Transferee's

13.4K 428 18
                                    

Chapter 6

Transferees

[Venille]

"Nandito na po ako..." pagkapasok ng bahay ay agad tumambad sakin ang masarap na amoy na luto ni mama.

"Magbihis ka na para makakain na tayo ng sabay-sabay" nakangiti niyang saad sakin ng makita ako. Hindi ko rin mapigilan mapangiti dahil sa nakakahawang ngiti ni mama.

Maganda ang mama ko. Hindi ko sinasabi sa inyo dahil anak niya ko pero sinasabi ko dahil yun ang totoo. Sa edad ni mama na 35 ay napakabata pa ng itsura nito. Walang wrinkles o kahit na anong kulubot.

Pag pinagtabi mo nga kaming dalawa aakalain mong magkapatid lang kami.

"Sige po akyat muna ako" mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkababa ko ay nakita ko na si papa na nakaupo na sa may lamesa at hinihintay si mama'ng matapos sa pag-aayos ng hapagkainan.

Wala ang kuya ko dahil nasa trabaho pa sya. We have a family business na hindi naman kalakihan pero sapat na para masustentuhan ang pangangailangan naming pamilya. Minsan nga sobra pa.

Matapos kumain ay dumiretso na ko sa kwarto at natulog. Medyo pagod kasi ako ngayong araw dahil sa mga activities na pinagawa samin sa school.

It was midnight I think ng makarinig ako ng mahihinang tunog mula sa baba. Ewan ko ba pero parang kinabahan ako bigla.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at isang madilim na hallway ang tumambad sakin. Teka- pagkalingon ko sa likod ko ay hallway na naman. Nasa school ako?

Nanlamig ako bigla. Sobrang dilim na maging ang mga classroom sa bawat gilid ay hindi mo na makita. Pinakatitigan ko ang dulo ng hallway at may nasilayan akong kuminang.

Walang tao sa hallway.

Mabagal kong tinahak ang daan papunta sa may kumikinang ng may naramdaman akong mumunting hangin na tumama saking pisngi. Yung kabang naramdaman ko parang biglang nawala dahil sa hangin na iyon.

Malapit na ko sa dulo ng maramdamang parang nilalamon ako papunta sa kawalan. Yung pakiramdam na nahuhulog ka ng walang katapusan? Sht!

Sigaw ako ng sigaw. Nagbabalasakali na sana may makarinig sakin...

Marahas akong napamulat nang mata at agad tiningnan ang orasan sa side table.

"3:06" bulong ko saking sarili.

Ilang araw ko na ring nararanasan to. Yung mananaginip ako na nahuhulog sa kawalan at magising ng ganitong oras simula ng pumasok ako dito.

Huminga ako ng malalim at ibinaling ang tingin sa kisame. Namimiss ko na yung kwarto ko.

Kinuha ko ang phone sa side table at nag open ng facebook. Unli wifi kasi dito sa BU at mabilis pa, yun siguro ang isa sa maipagmamalaki ko sa school na to.

After kong mag browse ng mga walang ka-kwenta kwentang bagay ay binalik ko na ang phone sa gilid. Hihintayin ko na lang ulit na dalawin ako ng antok.

*

"Hey VC wake up!" naramdaman kong nilamig bigla ang bandang hita ko kaya hinablot ko ang kumot sa pangahas na kumuha nito "Ugh! Di ko akalaing mahirap ka pa lang gisingin" rinig kong saad niya pero wala akong pakialam. Kakakuha ko lang ng tulog ko kaya wag kang magulo.

Nang maramdaman kong umalis na yung kung sino man na yun ay natulog na ko ng mahimbing.

"OILY MOTHER OF EARTH!" sigaw ko ng maramdaman ang lamig na bumasa sa mukha ko.

"Sorry. Kailangan na kasi kitang gisingin" naka peace sign na saad ni Cleo. Sinamaan ko sya ng tingin like watda?! Kailangan buhusan ng tubig? Kailangan?!

"Oh my freaking gosh Cleo! Saturday ngayon! Walang pasok!" sigaw ko.

"Ahm. VC. College ka na and not high school. May pasok tayo every saturday remember? NSTP yun" fvcking shit?!

Wala na akong nagawa kundi ang bumangon at dumiretso na sa banyo. Damn saturday classes.

*

Mabilis kaming nakarating ng building at agad na dumiretso sa isang table kung saan nandun ang Kendrie brothers at si Tanica.

Pinakilala na ko ni Cleo sa kanila. Nung last time kasi ay hindi nila ako pinansin. Kilala ko na rin pala si Calix at kung ipagkukumpara ko silang tatlo. Mas angat yung mukha ni Brix. Opinyon ko lang ah?

Gwapo si Brix

Ma-appeal si Helix

Mysterious si Calix

Yan ang definition ko sa Kendrie Brothers. Ang cute siguro kung may kapatid silang babae no? Ang gagwapo ng kuya niya eh. Hayy. Namimiss ko na naman tuloy si Kuya Euhence.

"Morning Calix baby" bati ni Cleo kay Calix na tinanguan lang nito bilang sagot.

Pinakasuplado sa kanilang tatlo si Helix at pumapangalawa si Calix. Suplado rin naman si Brix pero kahit papano nakakausap pa rin.

"Bat ganyan mukha mo?" kunot noong tanong sakin ni Tanica.

Nginuso ko ang nababaliw na naman na si Cleo.

Pamaya-maya ay nagsipuntahan na kami sa mga classroom namin.

"Ven, you know na ba?" tanong ni Tanica ng makapasok na kami sa room. Pumunta na rin sa room nila ang apat.

"Ang ano?" tanong ko.

"Transferees..."

"Ha?"

"I mean. Ngayon ang dating nila" napakunot noo ako.

"Hindi ba natin sila kasama nung first day?"

"Nope" sabi niya na in-emphasized pa ang letter 'p' "Ngayon ang dating nila" inulit niya pa. Nakaramdam ako ng kaba. Ewan ko ba at bigla ko na lang tong naramdaman.

"Tara" nauna na syang naglakad papasok ng classroom. Hindi nakaligtas sakin ang ngisi niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.

Tahimik ang classroom pagpasok ko hindi katulad nung first day of class na sobrang ingay.

Umupo na ko sa designated chair ko. Nakita ko si Tanica na nakangiting nakatingin sa phone nito. I'm sure ginugulo na naman nito si Helix. Nito kasing mga nakaraang araw nakikita kong dikit sya ng dikit kay Helix and I know it's another story.

Pamaya-maya pa ay dumating na yung prof namin. Sya yung terror na prof na galit halos sa lahat ng estudyante. Ewan ko ba dyan ang laki ng hugot, nadadamay tuloy ako.

"Class quiet"

Nagsitahimik kami.

"Please come in"

Huh?

May pumasok na dalawang lalaki sa room. Hindi maipagkakaila ang kagwapuhang taglay ng dalawa. Pwera biro pero wala akong makitang di kaaya-ayang tanawin sa university na to. I mean, ang gaganda at gwapo ng mga estudyante. Parang ako lang.

Maawtoridad ang bawat galaw nila. Hindi ko alam kung bakit parang nawalan ng dila ang mga classmate ko. Ni munting bulong wala kang maririnig at isa pa, kahit ata paghinga hindi na nila ginagawa.

Napatingin ako kay Tanica ng marinig ko syang bumulong.

"What the hell? This is impossible isnt it?"

Kunot noong napabalik ang tingin ko sa harap ng magsalita na ang dalawa.

"Kaido Furukawa" simpleng pakilala ng isang singkit, may pagka brown ang buhok at mukhang laging seryoso na nilalang.

"Clyde. Clyde Arconado" pakilala ng isa pa na nakatingin sa direksyon namin ni Tanica.

Yung boses niya? Parang pamilyar.


The Vampire Prince's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon