Chapter 36: Recognition

5.5K 174 9
                                    

Chapter 36

Recognition


[Her POV]

Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sakin at sa mga tao err... bampira sa paligid ko. For pete sake! Nung isang araw lang nakita ko si Brix na may sinisipsipan ng dugo at pagkatapos non ay nakita ko si Tanica at si...kuya.

Napatingin ako kay Ms.Kendrie, kung tama ang pagkakaintindi ko sa kwento niya ay ibig sabihin ba nito ako ang hindi tunay na kapatid ni kuya? Pero ang alam ko nag-iisa lang ako. Imposible. Gumagawa lang ng kwento si Ms.Kendrie na ginatungan naman ni Calix. Tama. Tama.

"You have so many loopholes Ms. Kendrie, wala ka namang patunay na may kakambal ako. Besides, pano kita papaniwalaan kung wala ka namang matibay na ebidensya?" hamon ko sa kanya.

She just smirk at me na hindi ko talaga nagustuhan.

Tumingin sya sa pwesto ni Calix at animo'y nag-uusap gamit ang mata. Tumango pabalik si Calix dito saka tumingin sakin.

Kinakabahan ako sa titig niya, pamaya-maya ay nagsimula na syang lumapit sakin. Gustuhin ko mang umatras at lumayo ay hindi ko naman magawa.

Nagulat na lang ako ng biglang sa pagkurap ko ng aking mata'y nasa harap ko na sya.

"It will hurt you a little but please bear with it..." saad niya na nagpatindig ng balahibo ko.

"W-what?! Wait..." huli na ang lahat ng bigla niyang hawakan ang aking leeg at i-tilt ito pakaliwa para magkaroon pa sya ng access. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang pangil niyang bumabaon dito.

Napasinghap ako't napakapit sa kanyang braso ng maramdaman ko ang kanyang pagsipsip. Masakit at nakakapanghina. Nahihilo na rin ako't nawawalan na ng lakas.

Kusa na lang bumagsak ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa braso niya at unti-unti ay nawawalan na ng lakas ang aking tuhod ng maramdamang may pumulupot sa aking bewang upang mabigyan ng suporta ang aking pagtayo.

Napapapikit na rin ako. Pakiramdam ko wala nang natitirang lakas pa ang aking katawan.

Malapit na sana akong pumikit ng maramdaman kong nawala na ang pagkakabaon ng pangil ni Calix sa aking leeg, hinawakan niya ang aking mukha upang iharap sa kanya. Nakita ko ang iilang bahid ng dugo na nasa gilid ng kanyang bibig. Gusto ko syang itulak palayo pero wala na talaga akong lakas.

I looked in his eyes and all I see was red.

Bago pa ko tuluyang mawalan ng ulirat ay naramdaman ko na lang na may kung ano sa aking labi and everything went black.

[Third Person]

Matapos maipasa ni Calix kay Tricia ang sarili nitong dugo sa pamamagitan ng labi ay tinitigan niya ang walang malay na babae.

How he missed her so damn much to the point na madalas na niya itong pinupuntahan sa apartment nito gabi-gabi at pagmasdan ang babae sa kanyang pagtulog. May mga araw din na hindi niya mapigilan ang kanyang sariling sipsipin ang dugo nito at nang una niyang ginawa yon ay nagkasakit pa ang babae.

It's almost 10 years ng huli niya itong makita at simula nang kunin sya ng tunay nitong pamilya ay hindi na ito halos makatulog.

Akala niya wala syang pakialam sa batang babaeng yon na pinulot lang ng ate niya kung saan pero habang tumatagal at lumalaki ang bata ay kasabay din nito ang hindi niya mapigilang weird na nararamdaman.

Hinahanap-hanap niya ang presensya nito kahit san sya magpunta. Gustung-gusto niya itong makita at ang pinaka ayaw naman niya sa lahat ay kapag nakikita niya itong tumatawa pag kausap si Brix.

Noong limang taong gulang si Tricia ay natutuwa ito kapag nakikita si Brix. Sa kanilang tatlo kasi na kapatid ng kanyang tinuturing na Ina ay si Brix ang hindi masyadong nakakatakot ang presensya kaya ito ang madalas niyang lapitan at ayain na maglaro, napaka swerte na niya kapag pumayag ito na bilang lang sa isang kamay kung ilang beses pa lang sya pumapayag pero kapag nakita sila ni Calix na nagtatawanan ay susugod ito sa pwesto nila at magagalit sa kanya kung kaya't takot sya kay Calix ng mga panahon na yon.

"You made her cry...again" napatingin si Calix sa nakasandal na si Helix. Nasa harap sya ng pinto ni Tricia at buong araw na itong hindi lumalabas ng kwarto na sobra namang inaalala ni Calix dahil baka kung mapano si Tricia lalo na't isa syang tao.

Sinamaan niya ng tingin ang kapatid na ikinangisi nito.

"You're really infatuated aren't you?"

"What do you mean?" tanong ni Calix na nakakunot noo. Sa isang iglap ay nasa harap na niya si Helix na hindi naman niya ikinagulat. Helix tap his shoulder then whispered to his ear.

"Your whipped bro..."

And that's the day when he realize something.

That is the first time he felt something like that. He want Tricia, all by himself. He want to have Tricia, all by himself. He has to have Tricia, all by himself. He has to own Tricia, all by himself and he'll do everything to make Tricia his. All by himself.







He stroked Tricia's hair. Mamaya pagkagising nito ay maaalala na nito ang mga nakalimutan niya. He held her hands and squeezed it. He can't wait to see recognition in her eyes.

Simula nang makita niya ito na lulan ng isang kotse kasama ng kapatid ng gabing iyon ay alam na niya na sya ang taong gustung-gusto niyang makita. Nanahimik sya at hindi gumawa ng hakbang dahil yun ang utos ng kanyang ate. Kahit na nakikita niya na ito sa corridor ay hindi niya ito nilalapitan kahit yun ang gustung-gusto niyang gawin.

He wants to grab her badly and prison her in his arms.

Nagpaparamdam sya dito sa pamamagitan ng tawag at natutuwa sya pag nakikita ang mukha nitong nalilito at pilit na hinuhulaan kung sino sya.

"H-hey! S-sino ka sabi eh!"

"Not yet Venille...Not yet"

Her fantasies about Clyde must be stop cause in the first place. He didn't own her. Calix did.

"It's time to wake up. Tricia" he said. Unti-unting gumalaw ang mata nito at dahan-dahang idinilat.

She looked at him and Calix touched her face.

"Hi..." he said. Tinitigan sya ni Tricia and then she...smiled.

"Hi..."

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now