Chapter 18: She's not

8.7K 291 17
                                    

Chapter 18

She's not




"Ouch!" daing ko dahil nililinisan ni Cleo ang ilang galos na natamo ko mula sa pagkakabalibag sakin. Hindi lang pala braso ko ang napuruhan, maging yung binti ko meron din pero ang masaklap, di nga ako napilayan pero nagkaroon iyon ng galos. Ang sakit tuloy huhuhu!







"Bakit kasi di mo na lang sabihin sakin kung ano ang nangyari sayo para maresbakan ko ang may gawa nito?" sabi niya. Gusto ko namang sabihin sa kanya ang nangyari pero parang ayoko rin kasi nga...naaalala ko yung sinabi ni Shana.







Ewan ko. Ayoko lang siguro madamay si Cleo sa kabaliwan ng girlfriend ni Clyde na mala halimaw kung magbalibag ng magandang nilalang.






"Nadulas nga lang ako sa hagdan-Ouch! Ano ba!" nilayo ko ang kamay niyang may bulak sa binti ko. Hindi naman gagaling ang sugat ko sa ginagawa niya. Pinapalala lang kaya niya! Pag yan namaga at di na gumaling naku! Naku talaga!







"Lame excuse Venille" seryoso niyang sabi. Napalunok ako, tinawag niya kasi ako sa pangalan ko at medyo...nakakatakot yun.







"I have a hint kung sino ang may gawa nito sayo pero gusto ko lang manggaling yun sayo mismo. But I guess, ayaw mong malaman ko, well then Venille...hindi naman ako ang reresbak sa ginawa niya sayo eh..." inayos na niya ang gamit sa paglilinis ng sugat ko.






"Sige na, gagaling na yan the day after another" saad niya saka tumayo.







"Wow. Alam na alam kung kailan ah" I joked. Tiningnan niya lang ako ng bored look saka tuluyang umalis.







Napasandal ako sa sofa'ng kinauupuan ko. Ano kayang problema nun ni Farra? Bigla-bigla na lang susugod at mambabalibag pa. Ang lakas pa naman. Lalaki siguro yun nagpa transgender lang.








Pero mas napapaisip ako sa sinabi ni Cleo na may reresbak daw para sakin. Sino naman kaya? At tsaka alam niya kayang si Farra ang may sala ng mga galos ko? Siguro keme lang ni Cleo yun. Infairness ha napaniwala ako.








Tumayo na ko ng dahan-dahan at pumanhik na sa taas. Hanggang ngayon, minsan kinakabahan pa rin ako matulog. Pano kung totoo yung panaginip ko dati na maliban sakin ay may ibang tao pa sa kwarto ko? The thought give me chills na parang ayaw ko na talagang matulog.

*ring ring*

Agad kong kinalkal ang selpon ko. Ang tagal ko rin palang di to nagamit, naging busy ba ko netong mga nakaraang araw?







"Hello?"







[Venille...]







Ohmygod! Sya na naman?! I mean...wala na ba syang ibang mapag tripan at ako na lang lagi ang naiisip niyang tawagan?!







"Sino ka ba?!" I can't help myself but to shout para maibsan ang ilang kabang nararamdaman ko.








[Stay away from him] and with that he dropped the call.








Bakit ba lagi na lang akong kinakabahan kapag tumatawag sya? Pano niya ba nalaman ang number ko?













[Third Person]

Kinabukasan ng araw na iyon ay maagang bumangon si Venille at Cleo para makapasok.









Nang makarating sa kanyang classroom ay agad na isinalampak ni Venille ang katawan sa upuan na naglikha ng malakas ng tunog.








"Whoa easy!" nilingon niya ang nagsalita at nakita ang ngiti-ngiting si Clyde. Dahil dun ay mas lalo lang syang nabadtrip. Naalala niya kasi ang ginawang pagbalibag ng girlfriend nito kagabi maging yung ginawa nitong kanta para ialay sa kasintahan.








Alam naman niyang wala syang karapatan pero hindi niya talaga mapigilan ang sariling mainis.








"Bad mood?" tanong ni Clyde dito at umupo sa tabi niya.









"Bumalik ka nga sa upuan mo" mataray niyang sabi. Natatawa namang pinagsawalang bahala ni Clyde ang sinabi ng babae.







"Bakit ba bad mood ka? May nang-away ba sayo? Tara reresbakan ko" tiningnan lang sya ni Venille ng 'wala kang sense kausap look' napakamot na lamang ng ulo si Clyde saka nagseryoso na.








"I know what happen to you last night" muling napataas ang kilay ni Venille sa narinig.







"So nalaman mo palang nabalibag ako?" naiinis niyang sabi.






"Yeah"






"At alam mo kung sino ang may kasalanan?" tanong ulit nito.







"Yeah"







"Anong ginawa mo?" usig niya kahit alam na niya ang sagot. Kung sakali kasing malaman ni Clyde ang ginawa ng girlfriend nito sa kanya ay baka pagsabihan niya lang ito. Aasa pa ba syang pagbubuhatan ni Clyde ang sarili nitong girlfriend? Napailing na lang sya sa naisip. Sumosobra na ata ang pagiging inggitera niya sa mga bagay-bagay.






"Dont worry. I already talked to her and warned her to stay away from you" paliwanag ni Clyde.






"Stay away?"







"She's not safe Venille" sinserong sabi ni Clyde "...dont go near her" dugtong pa nito.







"Bakit ako ang lalayo? Ikaw ang lumayo" nabubuhay na naman ang inis niyang kanina ay pawala na.







"Ako? Lalayo? Bakit?" puno naman nang pagtataka ang itsura ni Clyde dahil sa binitawang salita ni Venille.










"Nagtatanong ka pa? Nagtatanong ka pa talaga?!" di na niya napigilan pa ang pagsigaw. Sobrang umaapaw ang pagkainis niya sa taong nasa harap niya ngayon at hindi niya alam kung bakit. Ang alam niya naiinis sya sa ideya na si Clyde ay may girlfriend na.







Bakit kasi hindi pa magbreak yung dalawang yun? Wala kayang forever di ba sila nainform? Tsaka, masama ang ugali nung babaeng europea na yun. Hindi porket nagagandahan ako sa kanya papalagpasin ko ang ginawa niyang pagtilapon sakin sa loob mismo ng apartment ko! Lintik lang ang walang ganti! Hintayin nila ang batas ng isang api!








Kung anu-ano nang ideya ang tumatakbo sa utak ni Venille ng mabasag ito dahil nagsalita si Clyde.







"Are you with me?" tanong nito na nakakunot pa ang noo.






Tumaas naman ang kilay ni Venille.






"Wag mo kong ma english-english lalake ha? Tsaka, bakit ba ako ang ginugulo mo? Dun ka na nga sa girlfriend mong transwoman! Magsama kayo!" bulyaw niya dito. Di naman agad nakasagot si Clyde dahil sa pagkabigla.








"But I dont have a-" natigil ang kanyang pagsasalita ng may isang babaeng sa tingin nila ay nasa 25 na ang bigla na lang pumasok sa kanilang seksyon at tingnan sila isa-isa.








Napako ang tingin ng babae kay Venille na ngayon ay naiinis pa rin kay Clyde.








"Goodmorning everyone. I'm Lalaine Kendrie and I will be your new monitoring teacher"

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now