Chapter 9: Update

11.8K 354 9
                                    

z/n: Fact: Kapag UPDATE ang title ng isa kong chapter it means napaka lame ng part na to haha. Kungbaga, may mapost lang xD so yeah? Haha <3

Anyways, mas sisipagin ako mag update kung magcocomment kayo *pout* tsaka tanong lang guys. GUSTO NIYO BA NA MAY NAG EEXIST NA CHARACTER KO SA FB? JUST ASKING ;)

-----------------------------


Chapter 9


Update


[Tanica]


Nagkanda leche leche na tsk. Bakit kasi nauso pa ang mga kontrabida sa storya at ang mga kaawa-awang supporting actress ang laging nagkukwento kapag nalilito na sila. Hayy.



Ang babaeng epal kanina ay si Farra. Farra Jenner na galing sa teritoryo ng mga Arconado. Ang lugar kasi na ito ay lugar ng mga Torino.


Bawat lugar kasi ay may kanya-kanyang pinuno at sa lugar na to. Ang kamag-anak ng principal ang pinuno namin.



Kilala ko sina Clyde simula pagkabata or should I say noong bata ako dahil hindi naman tumatanda ang itsura ni Clyde. He's already 500 years old and yet mukha lang syang 19.



May dalawang uri ang bampira. Yung bampirang tumatanda at bampirang hindi.



Yung mga tumatanda sila yung mga katulad ko. Tumatanda kami pero pagdating ng edad na 25 ay hindi na. Kung baga trap na kami sa edad na yon at pangalawa naman ay yung mga bampirang hindi tumatanda. Sila yung mga dating tao na naging bampira lang at oras na ganun ang nangyari sayo hindi ka na tatanda. Habang buhay na ganun na ang edad mo.



Napaismid ako nang makitang hindi pa tapos magchikahan ang dalawang atrimitida. Nagsama na naman ang isang merced at isang jenner. Kala mo naman ikakaganda nila yan like duh? Wala pa ring tatalo sa isang Crimson na maganda na matalino pa.



Nang mapansin ni Selena'ng nakatingin ako sa kanya ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Gumanti rin naman ako agad. Heh!



Tumunog ang bell kaya agad akong lumabas. Didiretso sana ako sa cafeteria ng makita ko ang naglalakad na si Kaido. Sinundan ko sya ng hindi niya napapansin. Mahina kasi ang pakiramdam ng isang to kaya komportable sundan.



Tumigil sya sa lugar na maraming puno. Magandang tumambay dito pero in-off limits na ito dahil para lang daw ang lugar na to sa tinatawag nilang 'Three Prince'. Eh ang tagal na nilang graduate di pa nila magawang ipamana ang simpleng tagong garden na to sa amin.



Naningkit ang mata ko ng nakitang lumabas si Brix. Isang Kendrie? Anong ginagawa niyan dito? Kala ko ba may emergency sila?

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now