Chapter 24: Journal

8.1K 216 16
                                    

Chapter 24

Journal



"What are you waiting for?"

Love me like you do? I-I mean...bakit nandito si Calix? Si Cleo ang tinxt ko a. Lumabas na ko ng bodega pero tumingin-tingin muna ko sa paligid. Magandang ng handa baka mahuli ako ng wala sa oras e.

Pumunta ako sa harapan niya.

"A-ano...s-salamat" nahihiya kong sabi. This is the first time na nakita ko sya sa malapitan, actually maging yung kay Brix noon sa likod ng puno. I dunno pero sa kanilang tatlo mas sa kanya ako interesado. Siguro kasi lagi syang missing in action? Yun bang minsan ko lang sya makita. Mga isang beses sa loob ng isang linggo tsaka walang nakukwento sakin si Cleo about sa kanya. Basta ang alam ko gustung-gusto sya ni Cleo that's all.


"What are you doing to a place like this?" malamig niyang tanong. Kung nasa antartica lang kami baka nagyelo na ko sa lamig ng boses niya. Tiningnan ko sya sa mata and all I can see is...darkness. Walang buhay.

"Y-yung k-kapatid m-mo kasi..." I stammered. Nakakanginig naman kausap to si Calix.

"Who?"

"S-Si Brix..."

"What about him?" kunot noo niyang tanong.

I bit my lip. Sasabihin ko ba ang ginawang pang molestiya sakin ng kapatid niya? Di kaya mas lalo lang magalit sakin yun? Yumuko na lang ako dahil nakakatakot tumingin si Calix.

"What did he do Venille?" may pagbabanta niyang sabi. Mabilis kong itinaas ang ulo ko habang nanlalaki ang mata.

"You know me?" gulat kong tanong. Wow. Di ko akalaing kilala niya ko.

Umiwas sya ng tingin bago sumagot "Yeah"

OMG.

"Kinukwento ba ko ni Cleo sayo?" humarap na sya sakin pero nakakunot noo pa rin.

"Yeah I guess..." napangiti ako. Kinukwento pala ko ni Cleo sa kanya yiee~ na-touch naman daw ako.

"Anong sinasabi niya tungkol sakin? Sinasabi niya bang humihilik ako sa gabi? O di naman kaya'y  naglalaway? OMG Cleo! I'm going to kill you!"

"Pfft"

Eh?

Pinakatitigan ko si Calix. Am I imagining things or I really heard him laugh?

"She didnt tell me any of those" he said. Na-amaze ako sa pagngiti niya. Calix Kendrie just smiled at me! Huwaaah! Heaven.

"Ang gwapo mo pala pag nag-smile no?" wala sa ulirat kong sabi at huli na dahil narinig na niya. Shit!

Bumalik sa pagkaka-poker face ang mukha niya. Aww. Ang cute niya kaya pag nakasmile. Badtrip naman to. Ngayon di na ko magtataka kung bakit baliw na baliw si Cleo sa kanya. May tinatago naman pala kasi talagang charms to si Calix.

-*-

Sabay kaming naglalakad pauwi ng apart at wala ni isa samin ang bumasag ng katahimikan. I feel awkward tuloy.

He insist na ihatid ako tutal wala naman na daw kaming klase. Nagulat nga ko dahil dala niya rin ang bag ko.

"Ahm..ano...Calix" parang ewan yung pakiramdam ko habang tinatawag ko sya sa pangalan niya. Hindi naman sya lumingon at nagpatuloy lang ang paglalakad pero nakita kong tinaas niya ang kilay niya un a manly way na nakakadagdag ng kagwapuhan niya.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now