Chapter 32: To reveal her

5.9K 159 9
                                    

Chapter 32

To reveal her



[Cleonaira]

Matapos ang isang oras ay bumalik ang mga umalis, nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi nila kasama si Farra. I must congratulate her for being good in hiding.

"We cant find her, what will we do now?" saad ni Euhence. Sandaling nanahimik ang paligid hanggang sa bigla na lamang sugurin ni Clyde ang tahimik na si Helix.

"Whoah Clyde anong ginagawa mo?" pigil ni Kaido sa kanya. Hindi umimik si Clyde, sa halip ay mas lalo niyang diniinan ang pagkakakwelyo kay Helix na ng mga oras na yun ay parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya.

"What was really your plan?" mahina pero medyo galit na tono ng boses ni Clyde. Walang kahit na aning emosyon kang mababasa sa mukha ni Helix, he grab Clyde's hand and sweep it away.

"I dont know what you're talking about" walang emosyon na sabi nito.

Ngumisi si Clyde at umatras ng konti saka ito hinarap.

"First, your fucking brother Calix kidnapped my Venille next, you goddamn brother again named Brix helped Farra to escape. So tell me now Helix, what was your plan?" nanghahamon na tanong nito.

Napatakip ako ng bibig. What the?! Bakit yun ginawa ni Brix?

"Wait, where's Tanica?" basag ni Kaido sa lumalalang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Mas nadagdagan ang kaba ko ng tumingin sakin si Clyde.

"Your helping them" it's not a question, it's a sentence na kung saan siguradong-sigurado sya na tama ang sinasabi niya.

"Kaido" he said in authorative tone or let's say more on...a prince tone.

Hindi ko agad na-gets kung anong gustong mangyari ni Clyde pero ng makita ang pagtango ni Kaido ay nagulat na lang ako dahil sa mabilis niyang ibinagsak sa lupa si Helix.

Napangiwi naman ito sa sakit ng pagkaka-impact ng half ng kanyang mukha sa lupa. Tinangka niyang magpumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ni Kaido pero masyado itong malakas.

"Hindi pa sapat. Mahina ka pa" ngisi ni Kaido sa kanya.

Nanlalaking matang napatingin akonsa harap ng makitang dahan-dahan akong nilalapitan ni Clyde.

"A-anong ginagawa m-mo?" napapaatras ako sa bawat hakbang na ginagawa niya and when I already felt na wala na kong ibang aatrasan ay mabilis na syang nakalapit sakin at napunta sa harap ko.

"C-Clyde..." I stuttered when he touch my hair, hindi pa sya nakuntento dun at inilapit ang mukha sakin "...vervain" he softly whispered.

*Blam!*

"Run!" nakita ko si Euhence na bigla na lamang sinugod si Clyde, inalis ni Kaido ang pagkakahawak kay Helix upang tulungan sana si Clyde pero mabilis na naharangan ni Helix ang daan.

"Run! Now!" muling sigaw ni Euhence ng mapansing hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"The fuck Cleo! Do what he said!" si Helix naman ngayon ang sumigaw, ngayon ko lang sya narinig na sumigaw ng ganyan. Mabilis akong tumalima pero bago ako umalis ay sinigurado kong hindi nila makikita kung nasan si Tanica. Babalikan ko na lang sya.

[Farra]

Hindi ako makapaniwala sa kinwento ni Brix sakin tungkol kay Clyde. Alam kong ako lagi ang nagpapahirap sa buhay ni Venille simula ng dumating ako dito sa BU. Kung hindi ko sana naalala ang lahat, baka natuwa pa ko sa balitang iyon, pero hindi. Simula't-sapul walang ibang ginawa si Venille sakin kundi iparamdam na kahit isa akong bampira ay may silbi pa rin ako sa mundo.

Noon pa lang saksi na ko kung gaano kahalaga si Venille sa buhay ni Clyde. Simula nga ng makita niya ito noon ay hindi na niya ito tinigilan pa, pero laging humaharang sa mga balak niya si Euhence kaya napagpasyahan niyang lumayo muna pero nawala si Venille. Nawala ng tuluyan at hindi na babalik pa. Yun yung mga oras na nag-usap usap kaming lahat kung pano namin aalamin kung sino ang pumatay dito pero hindi na nagawa.

"Sigurado ka ba sa nakita mo?" isang ulit ko pang tanong kay Brix. May doubt ako na kaya iyong gawin ni Clyde, mahal niya si Venille kaya bakit niya papatayin ang babaeng magpapasaya sa buhay niya hindi ba?

"You know I cant give false information in a serious matter" seryoso nitong saad sakin.

Shit naman! Bakit sya pa? Bakit niya gagawin yun?! Hindi ko talaga maisip kung bakit.

"Sandali"

"Huh?" napatingin ako sa paligid ng makitang naging makulit ang mata ni Brix. Animo'y parang may kung sino sa paligid namin na hindi nakikita.

"It's Cleo" saad niya.

"What-" bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay nakita na namin si Cleo.

"Farra, Brix" sabi niya.

"Bakit ka nandito? Nasan si Helix?" tanong ni Brix.

"Kasama niya si Euhence at...kinakalaban nila ngayon sina Kaido at Clyde"

"What?!" sigaw ko "...bakit? Anong nangyari?"

"They thought tayo ang kumuha kay Venille at kasabwat tayo ni Calix"

"It cant be I mean, pano sya napunta sa ganyang conclusion?"

Nagbuntong hininga muna si Cleo bago nagsalita.

"We tied Tanica"

"Ano?!" si Brix naman ang nag-react sa sinabi ni Cleo.

"We have to, akala namin baka ng dahil sa kanya masira ang plano pero hindi"

"We have to go back and untie her, hindi natin sya pwedeng iwan na lang ng basta-basta" sabi ko. Kahit hindi ko gusto ang ugali ng babaeng yon, hindi ko naman maatim na malaman na nag-iisa sya and worst nakatali pa.

"Mahihirapan tayo kapag bumalik pa tayo dun and other than that, ginamit ko sya ng vervain"

"The fuck Cleo?! Si Clyde ang kalaban dito hindi si Tanica!" hindi na napigilan pa ni Brix na mag-burst out. Para saming mga bampira, hindi lang basta pampahinang gamot ang vervain, kapag sumobra ay pwede rin namin itong ikamatay.

"I'm sorry Brix" hinging tawad nito. Sandali kaming nanahimik at kung ano man ang tumatakbo sa isip ng isa't-isa ay mga sarili lang namin ang nakakaalam.

"Here..." sabay kaming napatingin kay Brix ni Cleo ng bigla itong magsalita "...I'll go back to get Tanica and help Helix and Euhence too. You two will find where the hell is Calix and Venille"

"Hindi pwede yang iniisip mo, isa ring hindi mapagkakatiwalaan ang kapatid mo" saad ni Cleo.

"Mas hindi katiwa-tiwala si Clyde kumpara sa kapatid ko" pagtatanggol naman ni Brux dito.

"Napapaisip ako sa sinasabi mo, bakit ba parang si Clyde ang lumalabas na masama?"

"Because he really is. He killed Venille" I said. Mabilis kong kinwento kay Cleo ang mga nakita ni Brix sa apartment niya. Mga ebidensyang sa kanya mismo tinuturo.

"No..." hindi makapaniwalang sabi niya. Ganyan din ako kanina, hindi rin ako makapaniwalang magagawa niya yon "Kaya pala..." she said.

"Kaya pala?" tanong ko.

"Kaya pala laging pinapabantay sakin ni Euhence si Venille ng mapunta sya sa BU"

"Wait, nalilito ako..." I said.

"Diba patay na si Venille? Sino si Venille ngayon?" nagkatinginan langbkaming tatlo na parang iisa lang ang makakasagot sa tanong namin na yon.

"Si Euhence"

The Vampire Prince's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon