Mabuti na lamang at mabilis na naramdaman ni Van Grego ang nasabing pag-atake sa kaniya dahil nakahanda siya sa atakeng iyon ng misteryosong nilalang. Nakita ni Van Grego kung paano nangabali ang dalawang malalaking puno sa kaniyang likuran at sumabog ito. Hindi niya lubos aakalain na kahit ikinukubli niyang maigi ang kaniyang sariling enerhiya sa katawan ay nasasagap pa rin ito ng dambuhalang nilalang. Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay hindi man lang gumuho ang lupang kaniyang tinatapakan.
"Hmmm... Napakatibay ng lupang aking tinatapakan ngunit naramdaman ko parin ang lakas ng impact ng atake ng halimaw na iyon." Sambit ni Van Grego habng kitang kita sa kaniya ang labis na kuryusidad lalo na at hindi ordinaryong Martial Beast ito kung tutuusin.
"Hindi maaari, nakikita ko pa rin ang bakas ng enerhiya niya. Isang Evil Martial Beast ito pero nangangamba akong mas mataas ang antas ng lebel nito sa akin." Sambit ni Van Grego habang nakikita ang labis na pangamba nito. Hindi niya aakalaing sa pagtapak pa lamang niya rito ay naramdaman na siya kaagad ng halimaw na iyon. Kung ganon ay noong oras pa lamang na pagtapak niya pa lamang rito ay pinagmamasdan na siya ng halimaw na iyon ng palihim. Isa pa ay ramdam ni Van Grego na mas concentrated ang lebel ng Cultivation ng halimaw kumpara sa kaniya.
"Paano na ito, Isang 1-Star Martial Ancestor Realm ang aking makakasagupa. Nangangamba akong baka hindi ko ito matalo man lang. Kung nasa dating kaya ko pang makipaglaban sa matataas na lebel pero ngayon ay hindi na." Sambit ni Van Grego dahil nasa last Tertiary Realm (Martial Emperor-Martial Stardust Realm) na siya kung saan ay bawat ranggo o realm ay may kaakibat na kalamangan kaysa sa una. Bawat breakthrough ay napakahirap lalo pa't ang lahat ng abilidad, techniques, skills at iba pang mga aspeto ng kakayahan ng bawat Martial Artists ay nagbabago depende sa kung paano nila pinapaunlad ang kanilang sarili. Ang Martial Emperor Realm ay isa lamang sa pinakaunang Realm na pwedeng maabot ng mga martial artist o ng mga nilalang kagaya ng mga Martial Beast ngunit ang abilidad lamang nito ay ang pagbalanse sa mga enerhiya kagaya lamang ng pagpapatangay sa agos ng hangin, tubig maging sa kaya mong makahinga sa ilalim ng lupa, matagal na pagbabad sa nagbabagang apoy at iba pa kahit wala kang natutunang konsepto sa alinmang nasabing elemento. Ngunit ang Martial Ancestor Realm ay kaya mong magmanifest ng malalakas na attack at defense ability kung saan ay mas matibay ang katawan ng mga ito upang mas maihanda pa sa susunod na pagbreakthrough. Kaya nga karamihan sa mga Martial Ancestor Realm ay mga fighters o close-combat dahil may kakkayahan ang katawan ng mga ito na i-reduce o bawasan ang maaari nilang maging pinsala sa katawan. Kaya ganon na lamang ang naging pangamba ni Van Grego, alam nito ang kakayahan ng mga Martial Ancestor Realm Experts noong nasa Black Water siya noong nasa kailaliman sila ng karagatan noong naging huwad siya na Martial Ancestor Realm Expert. Salamat sa pagiging mautak niya kung kaya nakaligtas siya mula sa mga ito.
"ROOOOAAAARRRRR!!!!!!"
Isang malakas na atungal ng nilalang ang biglang narinig ni Van Grego na siyang nagpatigil sa kaniyang pag-iisip o iniisip. Maya-maya pa ay nakita niya lamang na may biglang umalpas pataas mula sa kailaliman ng tubig at nakita niya sa ere ang dambuhalang halimaw na balot na balot ang katawan nito ng nagtitigasang balat nito na animo'y kaliskis. Napakaitim ng balat ng halimaw na ito at napakapangit ng anyo nito na siyang nakakapangilabot tingnan ang kabuuang anyo nito.
" Sword Tale Nile Crocodile?! Paanong nangyari ito?!" Sambit ni Van Grego habang nanlalaki ang kaniyang mata. Halatang hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita ngayon. Sino ba naman ang hindi magugulat dahil ang Sword Tale Nile Crocodile ay isa sa pinakamahirap hanapin at pinakakinatatakutang Evil Beast ng mga Karaniwang Martial Beast. Kaibahan sa ibang mga bloodline o lahi ng mga buwaya ay isa itong Fresh Water Beast at hindi ito nakatira sa Swamp o sa mga lake kundi sa malawak at malalim na ilog. Isa pa sa kinakatakutan ng marami ay ang napakatibay na depensa nito at ang pinakakinatatakutan ng lahat ay ang napakatalas na buntot nito na kayang humati ng napakatigas na bagay.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...