Chapter 110

148 18 0
                                        

Nang araw na ring iyon ay nagsimula ng magcultivate ang binatang si Van Grego habang makikita ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Hindi niya sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kaniya ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python habang naririto siya at hindi pa siya nakakapagbreakthrough sa susunod na boundary ng kaniyang Cultivation na walang iba kundi ang Martial Sacred Realm.

...

Ang Martial Sacred Realm ay isang boundary kung saan ang iyong depensa at opensa (attack power) ay magcocondense at gagawing balanse ang iyong enerhiya lalo na kung isang kang defense and offensive Martial Artists ay magiging benepisyal ang Cultivation Level na ito para sa mga ito pero makakatulong rin ito ng malaki sa purong opensa kagaya ng mga Assassins, Samurai Expert at iba pang may propesyon o kakayahan makapaglabas ng napakalakas na enerhiya at mga atake sapagkat magkakaroon sila ng tinatawag na Energy Balance at maaaring mapalakas o mapatibay nila ang kanilang protective essence. Hindi naman kasi puro opensa lamang ang maaaring mga factors na involved sa labanan kundi maging ang pagdepensa ay nagkakaroon rin malaking factors sa magiging resulta ng labanan lalo pa kung pagbabatayan ay ang kalaban o mga kalaban mo ay malakas ang endurance at toughness ng kanilang katawan ay napakataas. Siguradong kahit anong opensa ang gawin mo ay matatalo o ma-eexhaust kung tatagal ang labanan. Kung ang Martial Ancestor Realm ay boundary kung saan tataas ang depensa at opensa mo pero ang Martial Sacred Realm ay mas mataas na boundary kung saan ay magkakaroon ka ng abilidad na magkaroon ng Energy Balmce kung saan ay makokontrol mo ng maaayos ang iyong enerhiya na siyang isa sa pinapangarap ng lahat ng mga nasa Martial Ancestor Realm Experts na gustong makatuntong rito xahil maging ang binatang si Van Grego ay pinangarap ding makamit ang titulong ito sa kaniyang sarili.

Sa mga purong depensang mga martial artists o Cultivators ay isa rin itong maalking benepisyo sa kanila. Hindi lamang kasi depensa ang maaaring mangyari sa labanan kundi malaki rin ang factors ng pag-opensa. Kung makakamit nila ang ganitong boundary ng Cultivation sa Essence Gathering System ay siguradong malaki ang posibilidad na manalo sila kahit na sa sarili nilang pamamaraan. Hindi nila kinatatakutan ang opensa ng kalaban ngunit kailangan rin nilang umatake kung sakaling wala silang kasamahan. Ang Martial Sacred Realm Expert ay nagkakaroon ng abilidad sa opensa ang mga pure defensive Martial Arts Cultivators. Isa iyong malaking biyaya para sa mga mahihina ang opensa at malalakas ang depensa sapagkat wala namang nananalo at maliit lamang ang porsyentong manalo ka sa laban kung puro depensa lang ang gagawin Kung sakaling makaatake ka sa iyong kalaban ng malakas na atake ay siguradong maitataob ang sitwasyon ng labanan. Ito ang pinakahinihintay ng mga purong defensive Martial Arts Cultivators. Siguradong sila ay makikitang malaking threat ng mga purong offensive Martial Arts Cultivators.

...

Masigasig at dobleng sipag ang inilalaan ni Van Grego sa kaniyang pagpapataas ng kaniyang Cultivation Level kung saan ay nakikita niyang nagkaroon siya ng ibayong sigla at pag-asang maaari siyang makahabol sa isang buwan nitong pagsasanay.

Hindi naman siya ginugulo o pinapakialaman ng mag-asawang King Level Beasts na sa lahi ng One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya habang nagcu-cultivate ito o maging sa kaniyang pagsasanay. Hindi aakalaing Aquatic Type o mga Water Attribute ang One-Horned White Tiger Python dahil karaniwan niyang nakikitang ang mga Tigre o mga sawa sa kagubatan o sa bahagi ng mga kalupaan ngunit naalala niyang espesyal ang mga Martial Beasts at hindi maikukumpara ang mga ito sa mga ordinaryong nilalang o mga hayop kagaya ng Tigre at mga sawa dahil mayroon silang espesyal na katangian. Siguro ay malaking factors rin ito na talagang nakakamangha ang mundong ito. Naiisip nga ng binata kung gaano kalaki ang itaas ng mundo o ang iba pang mga matataas na mundo. Tiyak siyang hindi masusukat iyon ng salitang malawak at sigurado siyang mga ekstraordinaryo at makapangyarihang mga nilalang ang naroroon kung saan ay napakatalentado rin. Ngunit iwinaglit lamang nito ang ganoong kaisipan.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang