Kahit napakatalentado pa ng binatang si Van Grego ay kapag napatay nila ito ay isang karangalan na makapaslang sila ng Martial Ancestor Realm Expert. Base na rin sa kanilang aksyon ay hindi lamang si Van Grego ang kauna-unahang Martial Ancestor Realm Expert na pumunta rito. Kagaya rin niya ay malamang ay bilib rin sa sarili ang isang Martial Ancestor Realm Expert na iyon upang paslangin ang mga bandido kaya nasapit nito ang kanilang malagim at kalunos-lunos na kamatayan.
Kung paano maliitin ng ilan ang Martial Ancestor Realm Expert na katulad niya na mag-isang pumunta rito ay talagang naniniwala silang mapapaslang siya ng mga ito at ginawang parang isang malaking tipak ng kayamanan si Van Grego na siyang nakakainis at nakakainsulto para sa binata. Ikaw ba naman ang ikumpara sa materyal na bagay at ituring ang buhay mo na parang wala lang ay napakasakit isipin. Kung ang iba siguro ay baka manginig sa sobrang pagkagalit ngunit kamangha-manghang nagawa pa rin ni Van Grego na kumalma sa mga oras na ito kung saan ay halos lahat ng bandidong ito ay siya ang target. Parang sinasabing ang unang makapatay sa binata ay kaniya ang premyo which is very insulting sa parte ng binatang si Van Grego na gusto lang dumaan sa lugar na ito. Ang kaniyang pagpipilian laamng ay ipagtanggol ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikipaglaba sa napakaraming bandidong martial artists o magpapaslang na lamang sa mga ito sa pamamagitan ng hindi pag-iwas sa mga atake ng kaniyang hindi mahulugang karayom na mga kalaban sa isang sulok kung saan siya dadaan. No option na rin siya kung aatras pa siya sapagkat sa kaniyang bandang likurang parte ilang daang metro lamang ang pagitan sa kaniya ay nandoon ang mga gising na mga Martial Beasts na hindi man kalakasan ngunit grupo-grupo rin ang mga ito sa pakikipaglaban o sumagupa ng mga halimaw. Dito ay tinimbang ni Van Grego ang bagay at ito ang ipagpatuloy ang kaniyang paglalakbay.
Narito siya sa isang sitwasyon kung saan naiipit siya ng dalawang malalakas na pwersa. Narito naman siya sa sitwasyong wala siyang pagpipilian kundi ang lumaban ng patayan. Parang bumalik ang mga alaalang nangyari sa kaniya noon sa mga paglalakbay niya kung saan ay wala siyang pagpipilian kundi lumaban ng lumaban at gumamit ng isang institusyon para makaiwas sa mga banta ng kalaban.
Agad niyang ipinatamaan ang naunang limang paparating na bandido ng kaniyang higanteng palaso. Kitang kita kung paano kumislap ang mga nagtatalimang dulo ng palaso at mabilis itong bumulusok sa kinaroroonan ng limang naunang kalaban.
"Whoosh! Whoosh! Whoosh!"
Makikita ang napakabilis na pagbulusok ng mga higanteng palaso kung saan ay animo'y nahahati ang hangin sa dinaraan nito na kung saan ay parang maging ang hangin ay nakaramdam ng ibayong panganib.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
Ang limang palaso ay biglang tumama sa parteng dibdib ng limang naunang mga papasugod na mga bandidong martial artists. Bigla na lamang sumabog ang katawan ng mga ito.
Hmmmp! Wag tayong aatras. Gawin natin ang Battle Formation!" Sambit ng isa sa mga bandidong nagsisilbing lider ng nasabing mga close combat Bandits Martial Artists. Animo'y nagkaroon ng pormasyon ang nabawasang mahigit tatlumpong bandido. Nasa gitna mismo ang nasabing lider na siyang may namuong enerhiya sa lahat. Unti-unting lumitaw ang isang turtle Shell na animo'y isang uri ng martial beast na walang iba kundi ang Armored Tortoise na mayroong napakalakas na depensa.
"Hmmp! Talagang gumawa pa sila ng Battle Formation dahil nakikita nila akong malaking banta sa kanila sa oras na gumawa ako ng panibagong atake. Kung di ba naman tanga, mga walang armor, ganon na ba kahirap ang grupo ng bandidong ito eh napakarami nila Hahahaha... Nice try! Hindi nila siguro alam kung bakit unstoppable Arrows ang pangalan ng skills na ito dahil the name itself says it all! Humanda na kayo sa inyong nalalapit na kamatayan dahil uunahin ko kayo!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang mabilis niyang hinawakan ang gitnang bahagi ng Bow String ng higanteng pana na ito na gawa sa Fusion Creation Technique ng konsepto ng apoy and tubig. Lumitaw at nagmaterialize muli panibagong limang malalaking palaso.
"Hmmmp! Nangagamba akong ang iyong atake ay hindi tatalab sa amin. Ang aming battle formation ay napakalakas na kayang harangan ang atake ng isang Martial Ancestor Realm Expert hehehe...!" Malademonyong sambit ng tumatayong lider habang ngumisi pa ito na animo'y nang-iinis.
"Tangang binata, hindi mo kami kaya at ang isang 1-Star Ancestor Realm Expert na katulad ay mamamatay na sa lugar na ito hehehe...!" Sambit naman ng isang bandido na nasa bandang unahan. Nakangisi ito ng malademonyo. Halatang minamaliit niya ang binatang ito. Kung sila ang tatanungin ay marami na silang napaslang na mga indibiduwal na Martial Ancestor Realm Expert na mas mataas ang Cultivation Level kumpara sa binatang ito. Haaltang mayabang ang mga iyon at tiwalang-tiwala sa sarili. Talagang mag-isa rin pumunta ang mga iyon upang tugisin at paslangin sila ngunit pareho lamang ang kanilang kinahahantungan at iyon ay ang malagim at kalunos-lunos na kamatayan na sila mismo ang may gawa. Nakikita kasi nila na ganon rin ang binatang ito, tiwalang-tiwala upang patayin silang lahat na napakaimposible para sa kanilang isipan maging sa imahinasyon man lang.
"Pag di mo kaya, sumuko ka na lamang bago pa kami umatake sa'yo. Walang magagawa ang isang katulad mo sa napakalakas na Battle Formation namin hahahahaha!" Sambit naman ng isa pang bandidong nasa gilid na parte kung saan ay malademonyo rin itong ngumisi habang makikita na tiwalang-tiwala sila sa Battle Formation na ito.
Lihim namang napangisi rin si Van Grego sa naging turan ng mga bandidong Martial Artists na mga ito. Napakamangmang at mali ang kanilang ideolohiya patungkol sa Battle Formation.
"Kahit napakatibay ng Battle Formation niyo ay hindi nangangahulugan na wala itong butas o kahinaan man lang. Ipapakita ko sa inyo ang kamalian ng Battle Formation na ito hehehe...!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili lamang habang makikita ang nag-aalab nitong determinasyon na makadaan sa lugar na ito. Kung hindi ba naman kasi tanga ang mga ito at atakehin ba naman siya eh pupunta lang siya at makikidaan ngunit sa inaasta ng mga ito ay parang nanghihimasok siya.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...