Chapter 101

138 18 0
                                        

Agad na inihanda ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili kung saan ay mabilis siyang umayos ng kaniyang battle stance.

Nakita naman ni Van Grego na biglang lumutang si Ginoong Triper sa Human Form nito at mabilis na lumapag sa lupang malapit sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Hindi kasi alam kung ano ang pumapasok sa isipan ng lalaking One-Horned White Tiger Python at mali naman kung aasa siyang mananalo siya rito.

Naramdaman ni Van Grego na biglang bumaba ng sobra ang lebel ng Cultivation ng Halimaw na lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper kung saan ay isa na lamang itong 1-Star Ancestor Realm Expert dahil sa pag-supressed nito ng kaniyang sariling Cultivation.

"Tutuparin ko ang aking sinabi alang-alang sa asawa ko. Pasalamat ka at hindi kita pinaslang ng agaran ngunit papatunayan kong isa ka lamang hamak na ordinaryong martial artists at yan ang itaga mo sa kukote mo!" Seryosong sambit ni Ginoong Triper habang tiningnan nito ang kaniyang asawa ngunit pinandilatan lamang ito ng nasa beasts form na anyo na si Vernaya na isang babaeng One-Horned White Tiger Python na asawa nito. Ngunit umasim ang mukha nito ng tingnan ang binatang si Van Grego.

"Kung ganon ay susubukan kong labanan kayo sa aking makakaya. Ako pala si Van Grego. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala Ginoong Triper" Sambit ng binatang si Van Grego habang pinakilala nito ang kaniyang sarili at yumukod habang inilagay nito ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang dibdib tanda ng paggalang.

"Ako si Triper, kaya humanda ka binata dahil hindi ako magpipigil na lampasuhin ka!" Sambit ni Ginoong Triper habang mabilis nitong hinawakan ng mahigpit ang kaniyang Sariling sandata na Three Clawed Trident. Makikitang handang-handa na ito sa magiging labanan.

Agad na naglaho si Ginoong Triper sa pwesto nito ng mabilis. Maging ang kaniyang bakas o enerhiya ay hindi mo masasagap ito.

"Hmmm... Hindi ko aakalaing sineryoso niya ang labanang ito. Hindi ako maaaring magpatalo." Sambit ng binatang si Van Grego at mabilis niyang naramdaman na nasa likuran niya mismo ang lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper kaya agad siyang gumawa ng paraan upang makaiwas sa pamatay na atake nito.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ng lupa ang biglang nangyari sa kinatatayuan ng binatang si Van Grego.

"Hmmp! Nakatakas siya sa aking paunang atake. Masuwerte lamang ito sapagkat hindi ko agad siya inatake hehe..." sambit ni Ginoong Triper sa kaniyang isipan lamang habang mabilis nitong kinuha ang kaniyang nakabaong Three Clawed Trident.

Ngunit ganon na lamang ang gulat niya ng bigla siyang sinipa ng biantang si Van Grego sa bandang leeg kung saan ay malakas niyang nabunot ang kaniyang sariling sandata habang nasama ito sa pagtalsik niya sa di kalayuan.

Nagpagulong-gulong pa si Ginoong Triper matapos niyang tumalsik ng ilang metro mula sa kaninang pwesto nito.

"Napakawalanghiya mo binata. Talagang sinubukan mo kong atakehin?! Naghahanap ka ba ng sakit ng katawan?!" Tila galit na sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Hindi nito nagustuhan ang ginawang ito ng binatang nagngangalang Van Grego.

"Sa pagkakaalam ko ay hindi naman nakasaad sa napagkasunduan natin na hindi ako pwedeng umatake. Ikaw na nga ang nagsabing ipakita ko ang aking kakayahan at abilidad bakit parang mali pa ko?" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang cunfusion o pag-aalinlangan sa mukha nito.

"Magtigil ka nga Triper, mukha atang hindi mo matanggap na naisahan ka ng binatang ito. Umayos ka nga diyan!" Sambit ni Vernaya na siyang asawa ni Ginoong Triper habang napaismid pa itong bahagya.

Namula naman sa hiya si Ginoong Triper at mabilis na tumayo habang agad na pumunta ang kaniyang sariling sandata na Three Clawed Trident sa kaniyang kanang kamay. Hindi niya aakalaing mapapahiya siya doon.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now