Sa katauhan ng binatang maglalabing-anim pa lamang ang edad nito base sa Skeletal Age o Bone Structure nito ay imposibleng nasa Martial Sacred Realm Expert ito o isang Martial Ancestor Realm Expert. Para sa kanila ay napakapatpatin at lampa ang datingan ng binata na parang kulang sa sustansya ang katawan nito. Magiging katawa-tawa sila kung hindi pa nila ito mapaslang o mahuli man lang. Bandido sila na may prinsipyo st dignidad na ayaw magpatalo sa mga bagong henerasyon. Mas matanda sila sa binatang ito at ang pag-atras ay hindi nila gagawin. Parang tingin nila sa kanilang sarili ay napakataas at ang binatang ito ay walang noble aura silang nararamdaman. Napakaordinaryo, walang awrang makikita sa katawan nito at hindi pa beterano sa pagpatay dahil walang kahit aning savage auras sa paligid ng katawan nito. Isang payatot at mahinang nilalang lamang ang binatang ito na nagpapansin lamang sa kanila. Hindi nila nakikita ang isang talentadong personalidad sa binatang ito o galing man lang ito sa isang malaking sect o organisasyon.
Pinaulanan nga nila ng napakaraming bala na palaso ang kinaroroonan ng binatang si Van Grego at maya-maya pa ay unti-unti itong lumalapit sa kanila sa pamagitan ng paghakbang paisa-isa. Ang ibang mga bandido na mahigit tatlumpo ang bilang ay nanonood lamang sa nangyayaring kaganapan kung saan ay inaabangan nila ang mangyayari pagbagsak ng binatang estranghero na si Van Grego. Ang mahigit tatlumpong mga bandido ay pawang mga short range weapon martial artists kung saan ay pawang malapitan o close combat ang expertise nila. Ang mga gamit nila ay mga palakol, espada, hammer, long knife at bracers na mayroong iba't-ibang hugis, laki at talim na kung saan ay maaaring makapatay o pumaslang ng mga intruders o gumagalang nilalang na maaaring magbalak na pumasok o gumawa ng gulo sa paligid ng kaniyang teritoryo.
Ang mga kakaibang simbolo na nakalutang sa ere ay biglang nawala at tanging ang binatang si Van Grego lamang ang nakakaalam kung saan ito.
Gamit ang kaniyang Spiritual Qi ay ginawa niya itong pambalot sa mga ginawa niyang mga handseals kaya hindi makikita ng sinuman ito at walang aura na nararamdaman ang mga napakaraming miyembro ng Cane Bandits sa mga handseals dahil nasa ilalim pa rin ng epekto ng Deathless Pill ang katawan ng binatang si Van Grego kaya ganon na lamang ang pagtataka ng karamihan sa mga bandido. Pinabulusok niya na ang mga handseals na nakabalot sa Spiritual Qi sa katawan mismo ng mga bandidong nakikita niya sa lugar na ito na abot ng kaniyang mata. Wala siyang pinalampas ni isa sa mga ito at nilagyan niya ng mga maliliit na mga seals ang mga ito nang hindi man lang nalalaman ng mga ito.
"Hindi ko aakalaing isang blessings in disguise itong aking pambihirang Deathless Pill dahil nagamit ko ito hanggang sa mga oras na ito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili lamang habang makikita ang kaniyang saya sa mga oras na ito.
Maya-maya pa ay ramdam ni Van Grego na biglang nag-burst out ang kaniyang nasabing awra habang nagkaroon ng shockwave ng kaniyang awra sa paligid.
"Poooohhhh!"
Biglang naramdaman ang napakabigat na awra ng binatang si Van Grego sa paligid na siyang nagpagulantang sa lahat at nagpaluwa ng mga pares na mata ng mga bandido.
"Is-isang Ma-martial Ancestor Re-realm Expert ang bi-binatang estranghero na iyan?!" Gulat na gulat na sambit ng isang bandido. Halatang pinipigilan nitong wag mautal sa sinasabi nito ngunit nabigo pa rin siya dulot ng sobrang pagkagulat sa kaniyang natuklasan.
"Hi-hindi maaari ito, talagang na-napaka- unfair ng mundong ito!" Sambit naman ng isa pa habang makikita ang labis na inggit at pagkamuhi sa binatang estranghero na si Van Grego. Hindi niya matanggap na mas pinagpala ito sa talento sa napakamurang edad nito.
"Totoo ba ang nakikita kong ito, isang 1-Star Martial Ancestor Realm Expert ang binatang iyan?!" Sambit naman ng isang bandido matapos niyang maka-recover sa nalaman nitong Cultivation Level ng binata. Sa maglalabing-anim nitong edad ay nakamit nito ang ganitong lebel ng Cultivation?! Talagang nakakamangha dahil tanging ang mga anak ng mga opisyales ng mga tribo, piling talentadong mga martial artists lamang sa mga Sect, isang malaking pamilya at iba pa ang maaaring makaabot ng ganitong lebel ng Cultivation. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang binatang ito.
Marami pang mga pahayag patungkol sa pagkagulat at pagkabigla ang hindi mapigilang ng ibang mga bandido na isatinig o isalita ang mga ito. Pawang pagkainggit, panlulumo, pagkaawa sa kanilang sariling kakayahan ang kanilang nararamdaman ngunit hindi rin nila mapigilang makaramdam ng galit, poot at pagkamuhi sa binatang estranghero na si Van Grego kung saan ay parang pinapatay na nilacsa kanilang isip ang katauhan ng binata.
"Magtigil-tigil nga kayo, paslangin na ang binatang iyan. Lakasan at damihan niyo pa ang mga palasong patamaan siya. Wag kayong tumigil hangga't hindi siya napapaslang!" Sambit ng bandidong tumatayo na pansamantalang lider na bagong dating kani-kanina lamang.
Nabuhayan naman ng loob ang mga bandido at sinunod nga ang utos kahit na nakikita nila na malaking banta ang binatang estranghero na si Van Grego sa kanilang buhay. Wala silang ibang pagpipilian kundi ang lumaban hanggang sa dumating ang kanilang boss.
Nabuhayan naman ng loob ang lahat ng mga miyembro ng mga bandido. Hindi nila dapat maramdaman na mahina sila at napag-isip-isip nilang napakarami nila kumpara sa isa lamang binatang estrangherong maglalabing-anim na taong gulang pa lamang na hindi nila alam ang pagkakakinlanlan ng mga ito.
"Tama ang sinabi ng Captain namin. Isang binata lamang ang kalaban namin!"
"Walang kwentang binata lamang ang kalaban namin. Mas magaling at beterano kami sapagkat alam namin na mas marami kaming karanasan kumpara sa kaniya pagdating sa pakikipaglaban."
"Hindi ko aakalaing matatalo ang damdamin namin ngunit sa dami namin at pagtutulungan ay mapapaslang namin ang isang estrangherong binatang ito na mayroon lamang Cultivation Level na 1-Star Martial Ancestor Realm Expert na ito hehehe...!"
"Kung pag-aaralang mabuti ang enerhiyang inilalabas nito ay masasabi kong bago pa lamang nakatungtong sa pagiging Màrtial Ancestor Realm Expert ang binatang iyon hmmmp!"
"Pagkakataon ko na ito upang magpalakas kay Bossing. Sa oras na dumating ito at napaslang ko ay makikilala niya ako sa aking nagawang malaking kontribusyon sa grupo hehehe..."

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...