Chapter 83

137 22 0
                                        

Kahit nakahanda ang binatang si Van Grego sa mabilisan at hindi inaasahang pangyayari kung saan tumama ang pangalawang dambuhalang boltahe ng kidlat na iyon ay masasabing nagkaroon ito ng malakas na impact sa binata. Dumaloy pa rin sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryenteng naglalaman ng Violent energy mula sa natural na hagupit ng kalangitan.

"Arrcckkkkkkk!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na nanginig ang kalamnan nito saka napasukang muli ng sariwang dugo. Kahit magkanon man ay hindi pa rin ibinababa ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling kamay upang ayusin ang pinsalang natamo ng Ancient Thunder Absorbing Shield. Likas na nakapangingilabot man ang atakeng iyon ay hindi pa rin maiwan-iwan sa isip ni Van Grego na kailangan niyang maging matatag at saluhin ang maaaring atake ng kalangitan.

"Hindi maaaring maging ganito lamang ang maaaring mangyari sa akin. Kung magiging mahina ako sa ganitong klaseng suliranin ay mauuwi lamang sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan." Sambit ni Van Grego hàbang makikita ang bagabag sa mukha nito na ngayon ay halos hindi na makilala ang mukha nito. Bakas rin sa mukha nito ang iba't ibang negatibong emosyon at paghihirap. Hindi rin maitatangging natuyo na ang sariling dugo nito na dumaloy gilid ng labi nito. Nakakaawang pagmasdan ang senaryong ito na hindi lubos maiisip ng iba lalo na ng mga kaibigan niya ang pangyayaring ito. Tama nga ang sabi ng iba, mas mabuting mamatay ka ng agaran kumpara sa magdusa ka at pasakitan ang iyong sarili habang nabubuhay ka ngunit para sa binatang ito ay gagawin niya ang lahat upang mabuhay makamit ang hustisya sa mundong ito. Akala niya ay kaya niya ngunit kalunos-lunos ang sinapit nito. Kahit sino ay hindi maiisip na iba ang prinsipyo nito at adhikain. Nakakalungkot lang isipin na palagi lamang nasasangkot sa iba't ibang klaseng gulo ang binata o yung masasabing lapitin talaga ito ng gulo o kapitin ng malas.

Magkagayon man ay patuloy lamang ang binatang si Van Grego sa pag-ayos ng pinsala ng Ancient Talisman na Ancient Thunder Absorbing Shield. Hindi nito alintana ang malalang kalagayan nito. Mistulang mas tinuon pa ng binata ang kaniyang atensyon sa pagsaayos ng mga nasirang pinsala ng kaniyang pambihirang panangga upang hindi maapektuhan ang pill na kaniyang ginawa.

Ang kaniyang lakas ay halos pasaid na rin. Sa napakadungis na anyo ng binatang si Van Grego sa kasalukuyan ay mistulang maaawa ang sinuman rito ngunit sa napaka-remote place na ito na pinamumugaran ng mga malalakas na Martial Ancestor Realm Beasts ay walang siyang maaaring hingan ng tulong o paggabay sapagkat ang tanging kailangan niyang asahan ay ang kaniyang sarili lamang. Isa pa ay kung meron mang gumagalang nilalang rito ay hindi niya naman kilala ang mga ito or worst ay baka ito pa ang pumaslang sa kaniya. Alinman sa mga choices na naiisip niya ay walang magandang dulot sa kaniya. Tiyak siyang namomroblema din ang Martial Monarch Realm Expert na si Rain sa kung saan man ito napadpad maging ang Martial God Realm Expert na si Princess Nova Celestine. Kahit na isa itong prinsesa ay sa lugar na ito ay hindi siya prinsesa kung maituturing kundi isa lamang ring pataba sa napakaraming malalakas na nilalang na mga Martial Beast na malalakas na mayroong lebel na Martial God Realm Expert pataas. Maaaring mapaslang ang sinuman rito kahit pa ang isang Martial God Realm Expert.

Maaayos na sana ni Van Grego ang huling pinsalang natamo ng Ancient Talisman na Ancient Thunder Absorbing Shield ngunit nagulat na lamang siyang mayroong dalawang naglalakasang boltaheng muli ng kidlat ang biglang tumama sa pambihirang panangga na kaniyang inaayos.

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"Sjjjttttsss...!!!!"

"Sjjjttttsss...!!!!"

Agad na naramdaman ni Van Grego ang pagdaloy ng nakakapanginig laman na bayolenteng enerhiya mula sa boltahe ng kidlat na dumaloy papunta mismo sa kaniyang katawan.

"ARRRGGGGHHHHHHHHH!!!!!!!!"

Malakas na daing ni Van Grego habang mistulang napakuyom pa sana ang kamao nito ngunit pinigilan niya lamang ang kaniyang sariling gawin ito. Napabuka pa ang bibig ng binata habang malakas na sigaw ang binitiwan nito. Lumitaw ang mistulang pool of blood ang bibig nito. Napaluha pa ang binatang si Van Grego habang bakas sa  ekspresyon ng mukha nito ang labis na sakit at paghihirap na naramdaman nito. Kalunos-lunos ang sinapit nito sa kasalukuyang atake ng Heavenly Dao Tribulation. Walang pakundangan at walang kasingsakit ang naramdaman nito sa tanang buhay niya.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon