"Drago, ano ang inyong natagpuan malapit sa puso ng kagubatan?! Ano ba ang nangyayaring doon?!" Sambit ng lalaking nakaupo sa trono. Nakasuot ng mamahaling tela ng damit maging ang mga lahas nito ay nagkikislapan at nagkakalansingan sa oras na masagi o gumalaw man lang ang lalaking ito. Siya ang maituturing na Tribe Chief ng lugar na ito na nagngangalang Arbron o Tribe Chief Arbron. Matalim ang facial features nito ngunit hindi bakas ang edad niya sa kaniyang kasalukuyang anyo. Naglalabas din ng malakas na aura ang katawan nito na masasabing isa ito sa maituturing na Martial Expert ng lugar na ito.
Tahimik lamang ang dalawang matandang nasa gilid ng Tribe Chief. Sila ay mga personal na tagapayo ng Tribe Chief maging ng buong tribo. Sa edad nilang ito ay malakas pa sila sa kalabaw ngunit hindi maitatangging nalipasan sila ng oras dulot ng personal nilang rason sa buhay na isang pribadong bagay na sila lamang ang nakakaalam.
"Pasensya na po Tribe Chief. Nakikialam naman ang Green Snake Tribe sa ating mga ginagawang hakbang. Sa ngayon ay mas marami ang pagala-galang miyembro nila Tribr Chief. Hindi pa rin maresolba ang kakaibang pangyayari sa pagkawala ng ilang mga martial artists lalo na ng mga Rogue Cultivators at ng mga Wandering Cultivators sa lugar na ito master. Nangialam sila noong nakaraang dalawang araw nang halos ilang daang kilometro na lamang ang layo namin sa kakaibang pinangyarihan ng pinapahanap mo at sa punto pong iyon ay wala kaming pagpiilian kundi lumaban ngunit halos nalagas ang kalahating mga kasamahan Chief Arbron dahil sa dami nila kaya napilitan kaming umatras para maiwasan ang mas marami pang casualties sa ating panig." Sambit ng binatang si Drago habang makikita ang lungkot sa tono ng boses at sa mukha nito. Siya naman kasi ang naatasang maging lider ng paggalugad sa lugar na iyon upang alamin ang pangyayaring iyon. Kung hindi ba naman sila in-ambush ng karatig na tribo na tinatawag na Green Snake Tribe ay malamang sa malamang ay hindi sila nabigo ngayon. Galit na galit si Drago sa mga kalaban na tribo nilang ito maging sa kaniyang sariling kapalpakan. Guilt and disappointment in his self greatly clouded his own mind. He felt so useless in the past two days prior to the unexpected incident happen in that place.
Halos magkaedaran lamang ang binatang si Van Grego at si Drago ngunit ang antas ng Cultivation Levels nito ay ilang margin ang agwat nila lalo na sa abilidad lalo na sa harsh environment ito lumaki, nagsanay at namuhay. Maituturing na isang napakatalentadong martial artists o Cultivator si Drago sa kaniyang angkan na kinabibilangan na walang iba kundi ang Golden Fenrir Tribo. Kung bakit ganito ang pangalan ng kanilang angkan ay dahil na rin sa Spirit Beast nababase ang kanilang mga pangalan ng angkan nila sa Tombstone Battlefield. Law of Jungle ang sinusunod nila. Pinaniniwalaan ng kanilang angkan na ang Golden Fenrir ay isang sagradong Spirit Beast na siyang nagligtas sa kanila sa mga nagdaang unos. Napakatagal ng nakatayo ang malaking tribo nila rito at masasabing ang Golden Fenrir ay hawak ng mismong Tribe Chief ng kanilang tribo na si Tribe Chief Arbron ngunit wala itong patunay sapagkat hindi niya minsan itong nakitang ginamit ng Tribe Chief ngunit kung totoo man ito ay siguradong napakalakas nito. Gusto niyang tularan ang Tribe Chief nila at maging kasinglakas katulad nito ngunit sa ginawa niyang ito ay siguradong malaki ang tsansang mawalan ng tiwala ang Tribe Chief Arbron sa kaniya maging ng mga kasamahan nito.
Napatayo naman ng biglaan si Tribe Chief Arbron dahil sa kaniyang narinig. Bigla itong nagpalabas ng napakabigat na awra na siyang halos makikita ang pagkakaroon ng kulay pulang enerhiya sa paligid.
"Lapastangan! Hindi ko aakalaing aabot sa ganito ang kasamaan ng Green Snake Tribe. Sisiguraduhin kong hihingiin ko ang panig ng Green Snake Tribe patungkol rito. Hindi porket nananahimik lang tayo ay magpapaapi lamang tayo!" Seryosong sambit ni Tribe Chief Arbron dahil sa narinig nitong nalita mula sa binatang si Drago. Isa lamang binata si Drago at kahit kailanman ay hindi nito sinisi ang binata dahil malaki ang potensyal nito ngunit sigurado siyang pinaghandaang mabuti ito ng kanilang kalabang karatig na tribo na walang iba kundi ang Green Snake Tribe.
"Kumalma ka Arbron, walang patutunguhan ang galit na nararamdaman mo kung pinapalabas mo ng ganon na lamang ang awra mo sa harap nila!" Malakas na saad ng lalaking nasa kaliwang gilid lamang ni Tribe Chief Arbron na si Tribe Counselor Morrin.
Agad namang nakaramdam ng guilt si Tribe Chief Arbron nang ilibot niya ang kaniyang paningin sa siyam na kataong nasa harapan niya at si Drago na hirap na hirap sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon. Halos bumaon ang mga paa ng mga ito sa lupa sa napakabigat na presyur na nagpu-push down sa kanila pailalim.
Pinawala kaagad ni Tribe Chief Arbron ang nakakapangilabot na presyur na lumabas sa kaniyang katawan. Tila nagsisi siya sa kaniyang nagawa. Minsan kasi ay nawawala siya sa kaniyang sariling katinuan kapag galit na galit siya o nakakaramdam ng sobrang galit.
Napaupo na lamang si Tribe Chief Arbron dahil sa kahihiyan at mabilis na nag-wika.
"Makakaalis na kayo." Simpleng utos ni Tribe Chief Arbron nang hindi tinitingnan ang sampong nilalang na nasa harapan niya sa labis na kahihiyan.
"Masusunod po!" Sabay na saad ng mga ito matapos ma-compose ang kaniyang sarili nang mawala ang nasabing kakaiba ngunit nakakatakot na presyur sa kaniyang paligid sa lugar na ito.
...
Samantala...
Maya-maya pa ay gumalaw ang kamay ng binatang si Van Grego kasabay nito ang pagmulat ng kaniyang mata. Mistulang napahinga pa ito ng malalim at mabilis na napabagon sa kaniyang pagkakahandusay kanina.
Agad niyang hinanap ang Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill na siyang gawa niya mismo. Nang makita niya ito ilang metro lamang ang layo niya rito ay napahinga siya ng maluwag. Gamit ang kaniyang divine sense ay pinalutang niya ito sa ere at mabilis na itinago sa kaniyang personal na Interspatial ring.
Pahhhh!
Hinayaan lamang ni Van Grego na mapasalampak siyang muli sa lupa at ipinikit muli ang kaniyang mga mata. Hindi niya lubos aakalaing napakaraming nangyari na bagay sa kaniya sa mundong ginagalawan niya ngayon na hindi niya matukoy kung paano siya makakalabas sa mundong ito.
"Kailangan kong baguhin ang sarili kong routine upang i-adjust ang sarili ko rito." Sambit ni Van Grego habang makikita ang pagkislap ng kaniyang mata tandang tanggap niya na ang pangyayaring ito sa kaniya. Ang kailangan niyang gawin ay sumabay lamang sa agos ng buhay kung saan man siya dalhin nito.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...