Chapter 28

173 21 0
                                        

Mabilis nitong iniwan si Jinron na nakaupo sa sahig habang nagpapadyak ng kaniyang paa habang sinusubukan nitong tanggalin ang Nullifying Tie.

Pumunta siya sa pwesto ng nakahigang binata na si Van Grego. Nalaman nito ang pangalan kanina ng tanungin niya si Jinron habang naglalakbay sila papunta sa tabing-dagat.

Mabilis nitong pinalabas ang kaniyang sariling enerhiya papunta sa binatang si Van Grego na hanggang ngayon ay wala pa itong malay. Nilalapatan niya kasi ng paunang lunas ang binata upang ma-cleanse ang enerhiya ng kadiliman na humahalo sa dugo ng binatang ito. Hindi niya kasi lubos maisip  na animo'y sobrang lala pala ng natamo nito lalo pa't ang Moon Qi na patuloy na pumapasok sa katawan nito ay nagsasalpukan pa sa Dark Qi ni Jinron. Hindi man masyadong malala ito yun nga lang ay dalawang magkaibang dominanteng enerhiya ang pumasok sa katawan ng binata idagdag pang halos na-deplete din ang enerhiya nito noong nakikipaglaban ito kay Jinron.

"Ewan ko lang sayo Jinron kung matatakpan ko pa ang kabulastugsng ginagawa mo. Siguradong hindi lang simpleng parusa ang matatanggap mo sa iyong ama. Kung simpleng Moon Qi lamang ang pumapasok sa katawan ng binatang ito kundi napakapurong Moon Qi kaya hindi ko kayang balansehin ang enerhiya nito. Hindi rin masyadong gamay ang Dark Qi ni Jinron kaya hindi ko siya maaaring ipa-dispell ito  dahil baka makombulsiyon pa at mas malala pa ang mangyari sa binatang ito at magself-destruct. May iba ring enerhiya sa loob ng binatang ito na nakakapangingilabot na hindi ko matukoy kaya hindi ko siya maaaring pakialaman at magself-medication." Sambit ni Kai habang nagulat siya sa kaniyang mga nadiskubre. Hindi maaaring makialam siya dito dahil napakakonti lamang ang alam niya patungkol sa panggagamot at medisina. Tanging ang mga paglapat ng paunang lunas lamang ang maaari niyang gamitin sa ngayon.

"Hindi ko aakalaing na darating ang araw na ipapamukha sa akin na wala akong magagawa kahit gusto kong tulungan itong taong ito." Tanging nasambit ni Kai sa kaniyang isipan habang mistulang laglag ang balikat nito.

"Hahahaha... Tingnan mo nga naman dahil naaayon ang aking ginawa para makita ang ganyan mong mukha. Hahahaha... Priceless!" Sambit ni Jinron habang animo'y natutuwa sa ekspresyon ng mukha ni Kai. Hindi niya aakalain na darating ang naaayon sa kaniya ang kaganapang ito.

"Hindi ka talaga titigil Jinron?! Nakikita mo ba nakikita ang ginawa mo?! Tatawa-tawa ka diyan ay baka mamaya lang ay sasabog ang katawan ng binatang iyan. Dibale dahil mayroon naman akong escaping talisman na diretso akong dadalhin nito sa Central Region. Eh ikaw?! Baka nga abo mo ay wala na hahahahaha!!!!" Sambit ni Kai habang humahalakhak sabay pakita ng isang pambihirang talisman sa kaniyang kamay.

Nagulantang naman si Jinron sa kaniyang nakita. Matalim naman nitong tiningnan si Kai na tumatawa pa rin hanggang ngayon na siyang kinaiinisan niya. Yung tipong siya ang nang-asar pero siya pa ang naasar kaya hindi ito matatanggap ni Jinron.

"Hmmmp! Paano naman ang kasamahan mong nagpapahinga ngayon?! Baka sumabog lamang sila kasama ko. Mukhang okay na rin hahahaha!!!!" sambit ni Jinron habang natutuwa ito. Alam niyang hindi naman ugali ni Kai na ito na iwan ang kaniyang mga kasamahan. Hindi katulad niya na kabaliktaran ang pag-uugali nila.

"At sinong nagsabi sa iyo na wala sila nitong pambihirang Escaping Talisman dahil meron ang bawat isa sa amin. At ang pinaka nakakamangha pa rito ay sagot lahat ito ng iyong ama gamit ang sariling bulsa nito hahahaha... Mahal na mahal ka talaga ng iyong ama to think na Escaping Talisman na ito ay sobrang napakamahal na kahit ako ay hindi ito mabibili ng sariling ipon ko lamang hahaha!!!!" Sambit ni Kai habang humahalakhak pa ito ng malakas.

Halos umusok sa galit si Jinron sa kaniyang narinig mula sa bibig pa mismo ng kinaiinisan niya ngayon na si Kai. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig na animo'y isa itong bombang paulit-ulit na sumasabog sa kaniyang tenga.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now