Chapter 32

167 17 0
                                        

"Ibahin mo ko Jinron... Wala akong kinakatakutan kahit pa ang buong Black Raven Tribe. Kung hindi lamang magkaibigan ang aking ama at ang iyong ama ay siguradong noon pa sa Arnigon Continent pa kita pinaslang kaya maging good boy ka muna bago kita iharap sa pamilya mo!" Sambit ni Kai habang makikitang seryoso ito sa sinasabi niya.

Halos mapasinghap naman si Jinron sa sinabing ito ni Kai. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang kasalukuyang katayuan o estado ni Kai sa labas ng White Raven Tribe o kung saan ito namamalagi at kung ano ang ipinagkakaabalahan nito. Kung sakaling hindi ito takot sa Black Raven Tribe ay mas malaking grupong nasa likod ng taong ito.

Hindi naman nakaimik agad si Jinron sa labis na gulat dahil sa sinabi nito. Halata nga na hindi nito kinatatakutan ang Black Raven Tribe maging ang batas ng White Raven Tribe kaya masasabi niyang maraming itinatagong sikreto ang isang Kai ng White Raven Tribe at hindi niya ito nagugustuhan. Ngunit mapapasindak ba siya sa isang Kai na mahilig lamang manakot at ipamukha sa kaniya na isa lamang siyang basura at bastardong anak ng isang opisyales ng Black Raven Tribe?! Pwes hindi siya papayag.

"Hehehehe... Paano kung sabihin kong dahil sa pagdakip niyo sakin ay sisiguraduhin kong magbabayad kayo dahil kasabay ko ang malalaking sakuna at delubyo. Kaya humanda na kayo sa pagdanak ng dugo hindi man  sa ngayon ngunit isang araw ay magugulat lamang kayo na nasa akin kayong mga paanan at hawak ko ang inyong walang kwentang buhay hahahahaha!!!!" Malademonyong sambit ni Jinron habang makikita ang magkahalong tuwa at saya rito.

Imbes na masindak ay napatawa pa ng malakas si Kai sa mga sinabing ito ni Jinron.

"Hahahaha... Malamang ay nakapili ka na ng iyong papanigan at hindi ko alam kong maaatim mong pati ang ama mo ay mapaslang. Talagang akala mo ay wala akong kaalam-alam sa sekretong organisasyon sa Arnigon Continent lalo na sa Northern Region?! Iyon ang inaakala mo Jinron o mas magandang sabihin na Commander Jinron!!!!" Malakas na sambit ni Kai habang mabilis nitong pinuni ang kapirasong tela na nasa leeg ni Jinron. Tumambad doon ang isang itim na tattoo na mayroong kalahating tao na imahe at kalahating halimaw na animo'y isag demonyo.

Nagimbal naman si Jinron sa isinawalat ni Kai sa kaniya halatang nito alam kung paano nito nalaman ang sikretong kaniyang itinatago. Ngunit hindi siya papaapekto rito at total ay alam naman nito na alam na nito ang sikreto niya, mahihiya pa ba siya o itatago pa?! Bagkus ay ikinagagalak niya pa to.

"Hmmmp! Kahit ano'ng sabihin mo ay wala kang magagawa pa roon Kai. Isa ka lamang mahinang nilalang. Sa oras na malaman nilang nangingialam ka ay siguradong mabubura sa kasalukuyang mapa ang White Raven Tribe kaya kung ako sa'yo ay itikom mo ang madaldal mong kung ayaw mong wakasan ang maliligayang araw mo!" Nakangising sambit ni Jinron habang makikitang hindi siya papayag na kontrolin nito ang kaniyang sitwasyong nararanasan ngayon. Hindi niya magagawang palampasin ang pangmamaliit ng isang Kai ng isang hamak na White Raven Tribe ang kaniyang pagkakakilanlan. Sisiguraduhin niyang ibabangon ang kaniyang sarili at siya pa rin ang magwawagi.

...

Ilang oras din ang nagtagal at nawala na rin ang kakaibang dambuhalang bula na ginawa ng kanilang Boss Kai. Nagtataka sila kung bakit nakatayo lamang ang kanilang Bossing ngunit ang suwail at tusong si Jinron ay nakahandusay na sa lapag.

"Boss Kai, bakit siya nakahandusay?! Patay na po ba siya?!" Sambit ni Felipe habang animo'y nagtataka sa kanilang nasaksihan sa ngayon.

"Poookkkk!"

Isang malakas na batok ang ibinigay ni Leah sa nagtatakang si Felipe.

"Aray ko naman! Bakit ka ba nambabatok!" Daing ni Felipe habang hinahawakan nito ang masakit na parte ng kaniyang ulo kung saan tumama ang sadistang kamay ni Leah.

"Malamang nahimatay. Alangan namang pinatay o pinaslang ni Boss Kai yan. Mag-isip ka nga!" Sambit ni Leah na pasuplada. Kung si Jon ang pinakanakakairita pagdating sa lovelife nito ay si Felipe naman ang pinaka-slow maka-gets sa nangyayari sa paligid at ito ang pinakaayaw ni Leah sa lahat.

"Tama si Leah, Felipe... Kung pinaslang siya ni Boss Kai ay sana noon pang nasa Arnigon Continent kung saan ay walang saksi. Pinigilan nga tayo ni Boss Kai na pagbuhatan ng kamay yang suwail na si Jinron tapos dito pa niya susubukang paslangin na hindi naman gawain ng ating boss na ipakita sa publiko kung paano pumaslang ng halang ang bituka na nilalang." Mahinahong sambit ni Ronald na siyang namang magaling sa pag-eexplain o bihasa sa larangan ng eksplenasyon. Sa kanilang grupo ay ito ang may huling desisyon sapagkat mayroon itong malawak na pagpapasensya. Kahit medyo barumbado at nakakatakot ang anyo ng pangangatawan nito ngunit kagaya ng kaniyang laki ng pangangatawan ay siya namang ganon kalaki at kalawak ang kaniyang pag-unawa sa mga bagay-bagay. Bilang isang Defensive Type na kawal ay alam mo mag-analisa ng mga bagay-bagay lalo na kung sino ang iyong uunahing poprotektahan kaya nga halos kasundo niya ang lahat ng mga kawal na naririto maging sa White Raven Tribe.

"O siya, wag mo ng pag-aksayahan ng oras yang si Felipe alam naman natin na ang tagal magprocess ng utak nito. Malamang parehas din yan ng tusong binatang iyan ang uri ng pakikipaglaban nila. Patayan kung patayan at di papipigil hahahaha...!" Natatawang sambit ni Carl. Naalala niya kung paano siya ang naging suporta ni Felipe. Kung di ba naman tanga at nakipaglaban pa ma animo'y di alintana ang bilang ng kalaban. Mabuti na lamang at dumating sina Ronald upang protektahan siya at maging pansamantalang tangke nila kung hindi ay napaslang na siya. Oo, mauuna siyang mapaslang dahil hind nsmsn bobo ang kalaban nila para labanan unli buff at enhancement ni Felipe. Halos isumpa niyang siya ang na-assign rito. Hindi lang kasi slow ito ngunit may pagka-barbaric ang ugali nito kaya medyo nag-iingat na siya magmula noon. Di naman kasi siya tanga para sumama pa rito ng dalawa lamang silang lumalaban dahil alam niya na ang masamang mangyayari sa kaniya.

"Sang-ayon ako sa'yo Carl, baka kapag may napaslang sa atin ay saka lamang siya aatras eh. Mahirap pa naman awatin yan kapag nag-iinit na sa labanan. Ay mali pala, puro labanan lang rin gudto niyan sarap pag-untugin mga ulo nila ng suwail na Jinron an yan!" Sambit naman ni Leah habang makikita ang pagkapait sa kaniyang pagmumukha. Naranasan niya rin ito ng isang pagkakataon na sumama siya kay Felipe. Yung may nakasalubong sila na tatlong kalaban nila. Nilabanan ito ni Felipe mag-isa habang hini-heal naman ito ni  Leah ngunit nang huli ay napagod ito ay ipinagpalit siya nito sa tatlong kalaban nito na sabay na inaatake si Felipe. Halos umusok ang ilong nito sa sobrang galit. Mabuti na lamang at dumating si Ria at si Jake kung hindi ay namolestiya na siya ng mga ulupong at manyakis na kalaban nila. Halos kalahating taon niya ring di ito kinikibo at iniiwasan ngunit ng malaman niyang mapurol talaga ang isipan nito ay dito na niya ito napatawad. Isa sana iyong strategy na naiisip ni Felipe na kunwari ay ipagpapalit daw siya nito para sa kalayaan niya kaso nga lang ay slow nga ito mag-isip at nagahasa na siya ng mga ito bago ito maka-react. Malamang ay bokya talaga ito pagdating sa larangan ng strategy ngunit magaling sa paggamit ng espada si Felipe lalo na at isa ito sa pinakamahusay sa close combat at frontal attack kaya bawing-bawi rin. Wag lang maiwan ng dalawa lang kayo dahil isang delubyo ang babagsak sayo.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now