Chapter 69

138 19 0
                                        

Patuloy pa rin ang labanan ng dalawang magkapatid na pawang mga Martial God Realm Expert na sina Nova Celestine at ang nakakatandang kapatid nito na si Loon. Dito ay walang nagawa ang sampong mga kasamahan ni Loon kundi ang maghintay sa labas ng harang. Hindi rin gumagana ang kanilang Divine Sense papasok ng harang kung kaya't pinanood lamang nila ang labanan ng dalawa. Sa kabilang banda naman ay patuloy sa pag-oobserba ang binatang si Van Grego upang magkaroon ng malawak na battle insights at kung paano lumaban ang mga Martial God Realm Expert. Hindi sa palakasan ng mga Skill ang basehan ng mga ito kung hindi ay sa actual fighting  combat sila bumabase at sa attack power.

Nakikita ng binata kung paano ginawa mismong sandata ang katawan ng mismong martial artists ang sarili nito na siyang tinatawag na Body Skills o tinatawag na Blood Skill. Hindi siya makapaniwala sa kasalukuyang labanan ng dalawang Martial God Realm Expert at magkapatid mismo.

Pawang lumayo sina Loon at Nova Celestine sa isa't-isa kung saan ay makikitang nagiging kulay asul ang katawan ng dalagang si Nova Celestine habang si Loon naman ay kulay dilaw naman ang inilalabas ng katawan nito.

"Hindi ko aakalaing lumakas ng hindi hamak ang iyong Blood Skill. Tunay na kamangha-mangha at pambihira ang iyong Blood Skill na kung di ako nagkakamali ay isang Golden Wolf Blood Skill na siyang galing sa konseho hindi ba?!" Sarkastikong sambit ng dalagang si Nova Celestine dahil sa kaniyang natuklasan. Hindi niya aakalaing ang isa sa limang malalakas na Blood Skill ay itinuro nila mismo sa kaniyang kuya upang gamitin laban sa kaniya?! Mga hangal ang tingin niya rito at napakamasariling layunin lamang ang nais nila. Hindi niya aakalaing nagawang bilugin ng mga konseho ang sarili niyang kuya.

"Hahahaha... Ano ang laban ko sa iyo kung noon pa lamang ay suportado ka ni Ina. Palibhasa ay sunod ka sa luho, kung ano ang gusto mong hingin o hilingin ay naibibigay na sa iyo pero ako ha? Ni minsan ay hindi ko naramdamang naging madali ang lahat sa akin. Ang iba nating kapatid, tinanong mo ba sila kung ano ang kalagayan nila ha?!" Sambit ni Loon na may halong paninisi sa kaniyang kapatid na si Nova Celestine.

Medyo nagulat naman si Nova Celestine sa sinabi ng kaniyang Kuya Loon. Hindi niya aakalaing gagamitin niya ang bagay na may kinalaman sa iba niyang kapatid ngunit mabilis na gumuhit sa kaniyang magandang pagmumukha ang galit patungkol sa sinabi ng kaniyang kuya.

"Talaga bang maging ang mga kapatid natin ay idadamay mo para konsensyahin ako sa sinabi mo?! Hindi mo ba alam na una pa lamang ay batas sa ating kaharian ay batas nating lahat. Walang exception sa atin, walang paborito. Ang pinakamalakas lamang ang maaaring mamuno at ipinapaalaala ko lamang sayo Kuya na ang pinakatalentadong anak lamang ang exception sa lahat. How dare you to say that words at sa pagmumukha ko pa mismo. Tinuruan mo lamang akong magrebelde pero may utak akong nag-iisip kong ano ang dapat gawin. Sisiguraduhin kong uubusin ang mga lapastangang mga masasamang konseho maging ikaw sa oras na bumalik ako sa kaharian. Kahit nasa iyo pa ang Korona ay sisiguraduhin kong babalikan ko kayo!!!!" Sambit ni Nova Celestine habang may diin sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya aakalaing napakawalanghiya pala ng itinuturing niyang kuya, kapatid at taga-gabay niya noon pero ngayon ay naging mortal niya ng kaaway. Dahil lamang sa pesteng trono ay hindi niya aakalaing maging ang mga konseho ay hindi sang-ayon na siya ang papalit, how absurd. Hindi niya alam na aabot sa puntong gagamitin niya ang mismong kanilang pamilya maging ang kaniyang kapatid upang sabihan o sapilitan siyang pasukuin. Para ano? Maging katawa-tawa sa harap ng konseho at maging alipin o sunod-sunuran sa walang kwentang kapatid niyang nasa harapan. Hindi siya sumuko noon kaya mas lalong hindi ngayon. Yan ang prinsipyong nakatatak sa isipan ni Nova Celestine at hindi magbabago

"Hahaha... Kahit ano'ng sabihin mo ay wala ka ng magagawa pa. Malakas ka mang tunay dahil sa Blue Luan Blood Skill mo ay kayang-kaya pa rin kitang tapatan aking kapatid. Kung sumuko ka na lamang ay hindi mo na kailangan pang gumawa ng alinmang bagay na ikasasama ng loob mo hehe...!" Sambit ni Loon habang makahulugan itong ngumisi.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now