Chapter 56

162 20 0
                                        

Nagpadala na din ng Sound Transmitting Talisman ang ibang mga bandidong nagbabantay sa area na ito  na siyang border ng Pangalawang ruta at ng kanilang ruta na ginawa nilang tirahan ng kanilang grupo ng mga bandidong tinatawag na Cane Bandits. Nakakabahala ang pangyayaring ito lalo na sa sitwasyon ng binatsng si Van Grego sapagkat ang isang malaking grupo ang Cane Bandits at mas malawak ang sakop nito lalo pa't kuta nila o teritoryo nila ito kumpara sa Green Bandits na nakalaban ni Van Grego ay pawang watak-watak ang mga ito at hindi masasabing nasa permanente silang lugar. Parang samahan lamang ng mga Rogue Cultivators na mga bandido kumpara sa Cane Bandits na isang grupo talaga ang mga ito sa pagkilos at paggawa.

Nakatayo lamang si Van Grego habang nakatingin lamang sa malayo. Wala kang makikitao mababasang emosyon sa mukha nito maging ang kaniyang sandatang pana ay nakatutok sa lupa.

Nagkaroon ng pag-uusap-usap ang mga grupo ng bantay na nakatoka dito gamit ang kanilang divine sense.

"Nasisiraan na ba siya ng bait. Talagang balak pa nitong dito pumunta dito. At bakit pa siya nananatili sa lugar na ito upang mamatay?!" Sambit ng isang bandido. Talagang ang lakas ng loob ng binatang estranghero para manatili pa rito. Nahihibang na siguro ito sapagkat iisa lamang siyang nagpunta rito at talagang sarili lamang siya? Isa itong suicidal act para sa lahat lalo na sa mga Martial Artists. Kahit sino naman ay aakalaing wala sa katinuan ang binatang si Van Grego ngunit ganon na lamang siguro ang kanilang sariling pag-iisip patungkol sa binatang estranghero na si Van Grego dahil hindi nila ito kilala pang lubusan. Kung alam lamang nila ang nangyari sa isang Grupo na tinatawag maGreen Bandits ay luluwa ang mata nila sa kung paano naubos patayin ito ng estrangherong nasa harapan nila na si Van Grego sa hindi kalayuan.

Mistulang natahimik ang lahat ng maririnig silang ingay na paparating sa kanilang kinaroroonan.

"Whoosh! Whooosh! Whoosh! ...!"

Mayroong bagong dating na mga kasamahan ng grupo ng mga bandido sa lugar malapit mismo sa border ng Pangalawang ruta at ng Pangatlong ruta. Ang Kanilang kabuuang mga bilang ay nasa mahigit isang daan. Ang lahat ng ito ay nakatoka sa nasabing lugar na ito kung saan ay sila ang nagbabantay sa sinumang intruders dito.

"Mabuti at nandito kayo, napaslang ang ating isang kasamahan dahil sa kagagawan ng lalaking iyan. Ano ang maaari nating gawin?!" Sambit ng isang lalaki sa isang kasamahan nito na bagong dating.

"Sumusunod na ang iba pang grupo natin at ipinaalam na kay Boss ang pangyayaring ito. Ang dapat nating gawin ay paslangin ang binatang ito na gumagawa ng gulo!" Sambit ng lalaking bandido habang makikita ang labis na awtoridad sa boses nito.

"Mabuti pa nga Captain. Dapat na nating patayin ang binatang lalaking iyan dahil nakakahiya kay Boss." Sambit ng isang bandidong kumausap sa bagong dating.

"Ano pa ang ginagawa niyo. Paulanan niyo ng palaso ang binatang iyan hanggang sa matadtad ang buong katawan nito ng mga palaso!" Sambit muli ng bandido habang inuutusan ang mga kapwa bandido nito.

Nagkatinginan ang iba at nagpatango-tango tanda na sumang-ayon ang lahat ng kapwa nito bandido sa kaniyang gustong mangyari, ang paslangin ang binatang estranghero na bagong sulpot lamang sa lugar na ito.

Agad na nagpaulan ang mga bandido ng mga palaso na mayroong naka-inject na kaniyang enerhiya. Animo'y umuulan ng iba't-ibang kulay ng palaso sa kalangitan papunta sa kinaroroonan ni Van Grego na palabas na mismo ng border ng pangalawang ruta.

Phew! Phew! Phew! ...!

Rinig na rinig ni Van Grego ang tunog ng mga bumulusok na mga iba't-ibang attribute na mga palaso na mayroong mga essence energy na naka-inject rito. Papalakas ng papalakas ang tunog ng mga palaso kung saan ay makikitang mabilis itong bumulusok papunta sa kaniya. 

Hindi na nagdalawang-isip ang binatang si Van Grego na magsagawa o isagawa ang pangalawang skill ng pambihirang Flood Dragon.

Pagkatapos maisagawa ang nasabing skill ay agad na naramdaman ni Van Grego ang pagkapal at pagtipon ng kaniyang napakasaganang enerhiya papunta sa kanyang balat. Napakakapal at napakatigas ng kaniyang balat.

Pinagana niya sa limitasyon ang kaniyang Protective Essence sa buong katawan ng sa ganon ay masiguro niyang hindi soya mapinsala ng alinman sa mga palasong bumulusok sa kaniyang mismong direksyon.

PENG! PENG! PENG! ...!

Ang mga palaso ay mistulang papunta talaga sa kaniyang dibdib at ang iba ay tumama sa iba't-ibang parte ng kabiyang katawan masasabi niyang halos walang sakit siyang nararamdaman sa mga ito.

"Hahahaha... Walang silbi ang inyong ginagawang atake sa akin. Kaya humanda kayo!" Sambit ni Van Grego habang nagsagawa siya ng mga handseals.

"Poh! Poh! Poh! ...!"

Bigla na lamang nagmaterialize ang kakaibang mga maliliit na simbolo at lumutang sa ere. Maya-maya pa ay biglang kinumpas ni Van Grego ang kaniyang kamay at pinabulusok ito sa direksyon ng mga kalaban niyang mga grupo ng Cane Bandits.

"Ano ang mga iyan!"

"Isa ba siyang Array Formation Master?!"

"Walang kwenta ang ginagawa niya. Ano ang magagawa ng maliliit na handseals na iyan sa atin?!"

"Bugok! Siguradong mapapaslang ka rin namin!"

"Parang tanga ang binatang iyan!"

"Mamamatay na lamang ang binatang iyan kaya gumagawa ito ng paraan para ma-divert ang atensyon natin!"

"Paulanan pa natin ng bala ang estrangherong binata sapagkat alam kong mapapaslang natin siya sa oras na ito!"

Ito lamang ang masasabi ng mga bandido. Kitang-kita nila kung paano tumama sa katawan ng binata ang kanilang mga palaso na may nakainject na enerhiya na mayroong iba't-ibang Attribute na meron sila. Medyo madilim pa sapagkat papasikat pa lamang ang araw ngunit ang kanilang mata ay nakikita ng medyo malinaw ang pangyayari kung saan natatamaan nila ang katawan ng binata at masasabi nilang epektibo ang kanilang ginagawa. Isa silang Martial Emperor Realm Expert at masasabi nilang napakalakas ng kanilang grupo ng mga bandido na masasabi nilang kanilang mga Sworn brothers ang bawat isa sa kanila.

Walang pwedeng mang-api o manakit sa kanila at ang kanilang boss at mga personal nitong alagad na isang daan ay puro mga malalakas at matataas na Cultivation Level na 1-star Martial Ancestor Realm hanggang 6-Star Martial Ancestor Realm. Ang kanilang boss ay isang 7-Star Martial Ancestor Realm kaya hindi sila natatakot kaninuman liban na lamang sa mga malalakas na awtoridad na gusto silang hulihin o mawala sa mundong ito liban doon ay wala na silang kiankatakutan kundi ang malalakas na eksperto na maaari nilang makalaban.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now