Ba-baguhin ang mundong ito?! Kung gayon ay totoo ang sinabi ng isang masamang orakulo noon, ang pagkawasak ng mundong ito noon dahil sa digmaan ay mangyayaring muli pero sa oras na mangyari ito ay mas malala at mas malawak. Mayroong dalawang nilalang ang lilitaw, ang isa'y katiwasayan, ang isang kawakasan. Isa laban sa sarili nito. Isa ang mananalo at isa ang matatalo. Hindi kaya ikaw ang tinutukoy niyon Lord Valc?!" Sambit ni Veno habang makikita ang labis na gulat at mangha sa kanyang mukha.
"Hmmm... Hindi ko aakalaing mayroong masamang orakulo sa mundong ito ang nakaligtas sa digmaan. Ayon sa binasa ko noong nakaraan ay wala ng masamang orakulo ang natira upang ipagpatuloy ang pagpractice ng evil divinity. Kung gayon ay may nakaligtas sa naunang propesiya." Sambit ni Valc habang makikita ang sobrang pagkagulat at pagkamangha. Hindi niya aakalaing mayroong gustong tuklasin ang mangyayari sa hinaharap. Kung gayon ay isa itong nakakamanghang pangyayari. Isa pa namang taboo at ipinagbabawal ng kalangitan ang sinumang nagpa-practice ng Black Magic upang alamin ang hinaharap na mangyayari.
"Hahaha... Siya ang pinakabihasa at pinakatusong Orakulo sa mundong ito. Pinaniniwalaang malapit niya ng makamit ang isang World Truth sa mundong ito." Sambit ni Veno habang makikita ang sobrang paghanga sa nasabing masamang orakulo. Hindi niya aakalaing mayroong nasa panig nila ang patuloy na sinasalungat ang kagustuhan ng kalangitan.
"Ngunit hindi rin magtatagal ang buhay nito. Pero pwede ko siyang maging kakampi hehehe... Ngayon ay ipapadala ko ang Darkness Fruit of Will sa kaloob-looban ng iyomg dantian. Humanda kang indahin ang nakakapasong init mula sa prutas." Sambit ni Valc habang makikita ang kakaibang paggalaw ng kaniyang kamay habang animo'y unti-unting nabalutan ng napakaitim na enerhiya ang katawan ni Veno.
"Ano ito?! Bakit ganito? Napakainit!" Daing ni Veno ng maramdaman niya ang biglang pag-init na animo'y nililiyaban àng kaniyang sariling katawan ng nagbabagang enerhiya mula sa loob ng kaniyang dantian. Ramdam niya ang animo'y bumubulusok na bagay na tatama mismo sa kaniyang dantian.
"Tiisin mo aking alipin. Kung gusto mong mas lumakas pang lalo!" Sambit ni Valc habang animo'y natutuwa pang nakikitang nahihirapan si Veno mula sa hagupit ng paghanap ng lugar ng Darkness Fruit of Will sa loob ng dantian nito.
"AHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" Sigaw sa sakit ni Veno dahil sa hagupit ng kakaibang init mula sa nasabing Darkness Fruit of Will. Hindi nito lubos maisip na napakainit pala ng nasabing prutas na ito.
Napuno ng sigaw ang buong kweba ngunit ilang minuto lamang ang nakakalipas ay biglang nagbago ang buong kulay ng Mutated Giant Black Bear sa napakaitim na balahibo nito na mayroong itim na enerhiyang nakapalibot rito. Ang mata ng nasabing halimaw na si Veno ay naging purong itim katulad ng gabi habang nababalot ng mga hindi mabilang na mga ugat.
"Sa wakas ay lumitaw ka na Dark 1 hehehe..." Sambit ni Valc habang makikita ang sobrang galak ng makita ang bagong katauhan na meron ito.
"Hmmmp! Sino ka?! Hindi ko aakalaing napakaswerte ko sa iyong piniling linlangin at napakswerte ko rin dahil magiging permanenteng katawan ko na ito hehehe..." Sambit ng nilalang na nasa katawan na ni Veno na si Dark 1.
"Ako si Lord Valc, ang tagahatid ng kawakasan sa mundong ito na tinatawag na Valoria. Iyong-iyo na iyang katawan na iyan bilang iyong pansamantalang katawan. Hindi ko aakalaing mayroong nilalang na maswerteng nakaencounter ng pambihirang Blue Luan. Ikaw ang nilagay ko diyan upang tulungan akong sakupin ang mundong ito. Ikaw ng unang binuhay ko sapagkat ikaw lamang ang makakatulong sa akin upang buhayin at bigyan ng pansamantalang katawan ang labing-isang kapwa mo Dark Lords. Ang labindalawang Dark Lords ay sisiguraduhin kong magiging pinakamalakas na nilalang sa mundong ito. Ang limang natitirang Region Emperors kasama ng natitirang walong Guardian Beast ay sisiguraduhin kong mamamatay na sa oras na mangyari ang malawakang digmaan sa mundong ito hehehe...!" Malademonyong sambit ni Valc habang makikita ang labis na kasiyahan sa kaniyang mukha.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...