Chapter 49

173 23 0
                                        

Nagising na lamang si Veno sa isang hindi pamilyar na lugar kung saan ay wala siyang matandaan kung anumang senaryo. Ang huling natandaan niya ay nasa lugar siya kung saan nilalabanan niya ang binatang si Van Grego na nagmula sa lahi ng mga tao at nasunog niya ang kaniyang buong blood essence.

"Gising ka na pala halimaw na Mutated Giant Black Bear. Hindi ko aakalaing bibiktimahin mo ang binatang nagngangalang Van Grego hehehe..." Sambit ng isang misteryosong nilalang na nakakubli sa dilim.

Mistulang nagulat naman si Veno sa nilalang na nakakubli sa dilim. Hindi niya alam kung sino ito o kung anong klaseng nilalang ito. Hindi niya kasi maramdaman ang enerhiyang inilalabas ng katawan ng nilalang na ito o kung gumagamit ba ito ng kapangyarihan o abilidad nito upang ikubli ang sariling aura nito. Sinubukan niyang eksaminin ang misteryosong nilalang na nakakubli sa dilim.

Maya-maya pa ay nagsalitang muli ang misteryosong nilalang na siyang kaniyang ikinagulat.

"Wag mo ng subukan pa halimaw, dahil kung hindi ka kayang patayin ng binatang iyon ay kayang-kaya kitang paslangin sa paraang gusto ko. Sa kaunting panahon lamang ay mabilis kong napalakas ang aking lebel ng kapangyarihan ngunit nang dahil sa'yo ay masyado siyang mahina dahil sa pagpigil mo sa kaniyang paglalakbay papunta sa Martial Beasts Cultivators Territory. Medyo natuwa ako sa iyong ipinakitang katapangan ngunit hindi mo inaakalang malakas ang insektong binatang iyon. Tama ba ko?!" Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang na nakakubli pa rin sa dilim.

Agad namang nagulat si Veno sa kaniyang narinig. Yung tipong pinamukha talaga sa kaniya na isa siyang mahina. Yung tipong naapakan ang kaniyang dignidad kung saan ay paulit-ulit pa talagang ipinapaalala sa kaniya ito.

"Grrrrr... Akong si Veno na isang makapangyarihang nilalang ay hindi makakapayag na hindi ko mapatay ang binatang iyon. Hindi ko matatanggap na apakan at patuloy niyang tapakan ang aking dignidad. Sa oras na lumakas ako ay ako mismo ang papaslang sa kaniya. Hindi na siya dapat pang mabuhay sapagkat hangga't buhay pa siya ay mananatili siyang bara sa aking lalamunan at tinik sa aking puso. Nang dahil sa kaniya ay magkakaroon ako ng heart demon. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya napapatay sa paraang gusto ko!!!!!" Nagpupuyos sa galit na sambit ni Veno, hindi niya aakalaing darating ang araw na magkakaroon pa siya ng Heart Demon sa anyo ng binatang taong nagngangalang Van Grego. Hindi niya papayagang mabuhay pa ito ng matagal.

"Gusto mo siyang paslangin?! Nahihibang ka na ata... Maging ako ay gustong-gusto ko na siyang paslangin ngunit hindi pa pwede. Alam mong walang sinuman sa nakalaban ng binata ang nabuhay pa dahil sa paghadlang sa dinaraanan niya, lahat ay brutal niyang pinatay. Pasalamat ka at niligtas kita kaya kumalma ka muna hehehe..." Sambit ng misteryosong nilalang na nasa madilim na parte ng lugar ng kweba.

"Hmmmp! Paano ako kakalma kung nabubuhay pa ang binatang iyon. Sige nga, sabihin mo, kapag nagkaroon ako ng Heart Demons ay siguradong babagal ang bilis ng aking Cultivation at sa paraan ng aking pagcucultivate. Habang lumalaki ng lumalaki ang aking Heart Demons ay siguradong lalakas din ito. Ayokong maghintay!!!!!!" Sambit ni Veno habang makikita ang labis nitong pagkamuhi at gustong agad na mapaslang ang binatang si Van Grego.

"Hahaha... Ano'ng akala mo ganon-ganon lamang ang gusto mong mangyari?! Niligtas kita upang maging kasangga kita sa paglaban sa binatang iyon. Ngunit dahil sa kapalpakan at padalos-dalos mong desisyon ay siguradong magiging mahirap na ang paghunting o pagpaslang mo sa binatang iyon. Nakakatawa ka hahahahaha!!!!" Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang sa dilim.

"Hmmp! Nagsabi ang mayroong nagawa sa binatang iyon. Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan dahil baka isunod kita sa kaniya o mas mabuting unahin kitang p--------!" Galit na sambit ni Veno ngunit naramdaman niya lamang na biglang may pumulupot sa kaniyang leeg na bagay at mahigpit itong sumasakal sa kaniyang leeg.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now