"Ganon ba talaga katagal ang pagkawala ng aking malay? Parang napakatagal naman ata iyon." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang lungkot sa tono ng boses nito kung saan ay halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.
"Oo binata, sa labis na natamo mong sugat at pinsala ay matagal kang nakatulog. Talagang kasalanan ito ng aking asawa at maging ako ay inaamin kong mayroon akong malaking kasalanan sa iyo dahil di ko man lang napigilan ang kilos ng aking asawa." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila ba'y makikita ang labis na pagsisisi sa kanilang naging pagtanggap sa binatang nagngangalang Van Grego na may Cultivation Level lamang na 1-Star Martial Ancestor Realm.
"Ganon pala. Kasalanan ko rin pong talaga kasi nanghimasok ako sa lugar na ito. Hindi naging kaaya-ayang tingnan na kayo lamang ang nagkasala dahil maging ako ay mayroon ring naging kasalanan. Gusto ko na pong umalis sa lugar na at maghanap na lamang ng panibagong lugar upang palakasin ang aking lebel ng Cultivation at maging ang aking mga abilidad." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang kaniyang matinding paggalang. Naisip niya kasing hindi naman kasi siya mapipinsala kung hindi siya nanghimasok sa lugar ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya.
Agad namang nakaramdam ng pangamba ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python. Tila nag-uusap naman ang mga ito sa kanilang isipan.
"Ano'ng gagawin natin Triper, tiyak akong wala na tayong magagawa sa gustong mangyari ng binatang si Van Grego na siyang bagong Successor ng dating Stardust Envoy Silent Walker." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya habang mababakas ang pag-aalala sa boses nito.
"Kaya nga eh, ano ang maaari nating gawin para mapanatili siya sa lugar na ito?!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Tila ba hindi niya gustong umalis ang bagong Stardust Envoy.
"Ano ka ba Triper, tinanong kita ng maayos tapos tanong rin ang isasagot mo sakin?" Naiinis na sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila makikita naiirita ito sa kaniyang asawang si Ginoong Triper.
"Eh sa wala akong maisip eh. Alangan namang sagutin kita eh hindi ko din alam. Nape-presyur ako." Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang makikitang naguguluhan talaga ito at hindi makapag-isip ng maayos.
"Mayroon na akong naisip na bagay-bagay para mapanatili natin ang bagong Stardust Envoy na binatang nagngangalang Van Grego. Kahit ano'ng mangyari ay hindi natin hahayaang umalis dito ang binatang si Van Grego nang hindi man lang ito nakakatuntong sa Cultivation Level na Martial Sacred Realm." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python habang makahulugan itong ngumiti.
"Wag mong sabihing..." Tila napanganga ng bibig at napalaki ang pares ng mata ang lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper sa gulat dahil sa sinabi ng kaniyang asawa lalo pa't hindi niya nagustuhan ang makahulugang tingin at ngiti ng kaniyang sariling asawang One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya.
"Ano pa nga ba... Hehehe..." Simpleng tugon lamang ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila ba alam na ng kaniyang sariling asawa ang patungkol sa pinaplano niya.
"Hindiiii!!!!!!!" Malakas na sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang asawa.
Marami pa silang pinag-usapan at sa huli ay mayroon silang napagkasunduan. Kahit labag man sa lob niya sa mga napagkasunduan at napag-usapan nila ay tila ba ay pakiramdam niya ay naagrabyado siya ngunit wala siyang pagpipilian at magagawa pa.
...
"Wag kang mag-alala binatang Van Grego, hindi mo na kailangan pang umalis, pwede namang dito ka lamang magsanay. Hindi rin kasi namin mapapakinabangan ang mga lupain rito. Nas tubig o katubigan ang natural naming tahanan att dito kami nagpapagaling at nagpapalakas. Malaya kang gawin ang bagay na narito." Malumanay na sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Alam niyang likas na mabuti at mabait ang binatang nagngangalang Van Grego at hindi mapagtanim ng galit. Kaya masasabi niyang nararapat lamang na galangin o respetuhin ang binatang ito at idagdag pang isa itong bagong Stardust Envoy.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...