Nakikinig lamang ng tahimik ang dalagang si Nova Celestine sa mga usap-usapan ng mga nagtutumupukang mga bantay ng lugar na ito. Malinaw niyang naririnig ang pinagsasabi ng mga ito. Kaya hindi niya napigilang magsalita ng malakas ukol rito.
"Talagang napakamangmang niyo naman. Isang Tribe Army Chief lamang ang dumating ay parang kiti-kiti o garapata kayong pinag-uusapan ito. Nakakasuka naman ang panlasa niyo hmmp!" Mapanghamak at walang prenong sambit ng dalagang si Nova Celestine habang hindi nito mapigilang mapasinghal ng malakas sa dulo ng pagsasalita nito.
Agad namang napatigil sa pagbubulung-bulungan at pag-uusap ang mga bantay sa isang pwesto habang mabilis silang lumingon sa gawi ng dalagang si Nova Celestine na makikita sa mukha ng mga to ang mga negatibong ekspresyon ng mga ito sa sinabi ng dalagang si Nova Celestine.
"Hmmmp! Hoy babae, wag kang sumabat at makisali sa usapan namin. Kayong mga babae ay wala kayong karapatang makisali sa usapan naming mga kalalakihan kaya alamin mo ang lugar mo!" Sambit ng isang lalaking bantay habang may galit na ekspresyon sa na nakapaskil sa pagmumukha nito.
"Oo nga, ayusin mo ang tabas ng dila mo! Nandito ka sa teritoryo namin. Isa pa ay isa ka lamang hamak na babaeng mula sa lahi ng tao. Kung mahal mo pa ang buhay mo ay umayos-ayos ka. Hawak ka namin sa leeg mo hmmmp!" Marahas at may diing sambit ng isang lalaking bantay habang pinukulan ng masamang tingin ang dalagang si Nova Celestine.
"Palibhasa ay mga mahihinang mga nilalang lamang sila at hindi nila alam ang maaaring kahihinatnan nila sa oras na magsalita sila ng masama sa mga Tribal Officials natin!" Sambit ng isa pang bantay habang makikita ang glait rito. Makikita galit siya sa lahi ng mga tao. Isa pa ay isa itong babae at ang mga kababaihan sa kanilang paningin ay mga mahihinang nilalang lamang na walang maaaring gawin kundi maging anakan ng kanilang mga lahi at nasa bahay lamang.
"Sabihin mo yan mga Tribal Officials at sa Tribal Army Chief Gringo namin. Tingnan lang natin kung sisikatan ka pa ng araw. Isa lamang kayong mahihinang lahi ng tao at isang paanakan lamang kaya kung pagod ka ng mabuhay ay ganyan ang sasabihin mo hahaha!!!!" Sambit ng isa pang bantay habang makikita ang saya sa pagmumukha nito.
Magsasalita na sana ang dalagang si Nova Celestine ngunit muli na namang nagsalita ang isa pang bantay.
"Ang tapang-tapang ng babaeng ito. Kung ako sayo ay mag-behave ka sa harap ng aming Tribal Army Chief Gringo baka mahumaling pa ito sa iyo at maakit mo ito hehehe." Manyakis at puno ng panghihikayat ng lalaking bantay sa dalagang si Nova Celestine habang makikitang nasisiyahan ito sa kalagayan ng dalaga.
Halos kumulo ang dugo ng dalagang si Nova Celestine sa sinabing ito ng mga kalalakihan lalo na ang bagong nagsalitang bantay. Hindi niya aakalaing ang lalakas ng loob ng mga ito na bastusin siya lalo na ang pagkatao niya. Kung alam lang nila ang sinasabi nila ay sigurado siyang pagsisisihan nila ang ginawang ito ng mga bantay na ito at mga bastos na mga kalalakihang ito.
"Oo nga naman noh kaysa mabulok ka lamang sa bilangguang ito at pagsamantalahan ng mga preso o mga kalalakihang mga bilanggo ay mas mabuting maging concubine ka ng aming Tribal Army Chief Gringo." Sambit ng isa pang lalaking bantay habang nakangisi pa ito ng makahulugan. Parang hinihikayat niya mismo ang dalagang si Nova Celestine sa mga salita nito. Base sa Bone Structure ng dalaga ay masasabing nasa labingsiyam na taong gulang lamang ito. Kaysa mabulok sa kulungan sa Green Snake Tribe ay maaari naman siyang magpasakop sa Tribal Army Chief Gringo na mayroong isang daang kababaihan sa harem nito.
Hindi na nakapagpigil pa ang dalagang si Nova Celestine at mabilis na napatayo ito at galit na tiningnan ang mga bantay na puro mga kalalakihan. Hindi niya aakalaing pati pala sa lugar na ito ay walang kapangyarihan o karapatan ang dalaga na katulad sa treatment ng mga kalalakihan. Mabilis itong nagwika.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...