Hindi aakalain ng binatang si Van Grego na nakarating na siya sa lugar na kinatatayuan niya. Makikita niyang mas sumusukal at napakatahimik ng lugar na ito. Hindi niya aakalaing hindi niya namalayang nakarating siya sa lugar na ito.
Namangha ang binatang si Van Grego dahil ang lugar na ito ay walang limitasyon o restrictions na mayroon ang Tombstone Battlefield. Nangangahulugan lamang na malaya niyang magagamit ang mga konseptong natutunan niya hindi katulad sa mismong Tombstone Battlefield na mayroong limitasyon lalo pa't kakaiba ang space sa labas ng lugar na kinaroroonan ng binatang si Van Grego.
Namangha siya sa kakayahan na meron ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya lalo pa't may pambihirang kaalaman ito sa mga Ancient Symbols.
Maya-maya pa ay nakaramdam ang binatang si Van Grego ng kakaibang pangyayari sa paligid.
Whooosh! Whooosh! Whooosh!
Bigla na lamang umihip ng malakas ang hangin na tila ba mayroong kakaibang babala ito sa binatang si Van Grego.
Ang mga matataas na damuhan ay tila ba marahas na nililipad ng hangin maging ang mga maliliit na sanga at mga dahon ay tinatangay ng hangin. Mistulang napako naman ang binatang si Van Grego sa gnaitong klaseng pangyayari.
"Hindi ko aakalaing nasundan pala ako ng mga halimaw na ito. Sa aking palagay ay halos naitago ko naman ang aking sarili laban sa mga nilalang na ito ngunit nasundan pa rin talaga ako ng mga ito. Ang maaari kong gawin ay labanan ko ang mga ito ng harapan at pisikalan!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang pagtagis ng mga ngipin nito. Hindi siya makapaniwala na pambihira pala ang pandama ng halimaw na ito, ang akala niya ay hindi siya ng mga ito na mahahabol sapagkat napakalakas rin naman niya at naitago ang halos 80% ng enerhiya niya ngunit nagawa pa rin siyang makita ng mga halimaw na ito sa malayuan at sundan sa lugar na ito.
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!!
AWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!!!!! ...!
Napakalakas na tunog ang narinig ng binatang si Van Grego sa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan niya. Tila ba sa boses ng mga halimaw na ito ay tila ba gutom na gutom ang mga ito at animo'y galit na galit. Nakakatakot ang ganitong klaseng tunog na maririnig sa paligid, kung ordinaryong martial artists lamang siguro ito ay tila ba matatakot ang mga ito lalo pa't nag-iisa lamang ang mga ito ngunit sa kalagayan ng binatang si Van Grego ay nakatayo lamang siya sa kinaroroonan niya habang kalmadong nakatingin sa pinagmumulan ng ingay.
Maya-maya pa ay bigla na lamang nakarinig ng malakas na ingay ng mga nagtatakbuhang mga nilalang na papalapit sa kinaroroonan niya mismo.
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH! ...!
"Hmmmm... Masama ito! Nasundan ako ng mga nilalang na iyon." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang kaseryosohan sa boses nito. Alam niya kung ano ang nilalang na nakasunod sa kaniya.
Maya-maya pa ay nakita ng binatang si Van Grego ang mga nilalang na iyon at walang iba kundi ang mga Hunger Dark Wolves.
[Ang Hunger Dark Wolves ay isang uri ng Martial Beast/ mabangis na halimaw na kayang-kayang sundan ang sinumang bibiktimahin nila. Kilala ang hayop na ito sa pagiging gutom nito sa sariwang karne at dugo lalong-lalo na sa mga buhay na nilalang kagaya ng mga tao. Ang kanilang kakayahan ay hindi rin basta-basta sapagkat may kakayahan ang mga ito na patayin ka lamang gamit ng mga kuko nito. Bibihira ang ganitong klaseng halimaw na lobo. May kapayatan rin ang katawan ng mga ito lalo na ang parteng tiyan ng mga ito ngunit hindi mo maaaring maliitin ang mga ito. May kakayahan ang mga itong paslangin ang bibiktimahin ng mga ito sa brutal na pamamaraan, liban na lamang kung makakatakas ka pero imposibleng mangyari iyon sapagkat mayroon itong mga kasamahan na sa pagkakahulugan ng librong nabasa ng binatang si Van Grego ay mga kapatid ng kapwa-halimaw na lobo ito. Bloodthirsty rin ang halimaw na ito na maikukumpara sa mga bloodsucking martial beasts o mga nilalang. Siguradong mamamatay ka rin sa kawalan ng dugo kung maco-corner ka ng mga halimaw na Hunger Dark Wolves.]
Mabilis na tumakbo ang halimaw at maya-maya pa ay tumigil ang mga ito dahil nakita nila ang binatang si Van Grego na bibiktimahin pa lamang nila sa oras na ito. Halos papalubog na ang araw at imposibleng magiging simpleng paggabi lamang ang mangyayari sapagkat ang halimaw na ito ay nanlilisik ang pares ng mata ng mga ito tila ba parang isang masarap na putahe o pagkain ang binatang tao na si Van Grego. Mayroong walong bilang lamang ang Hunger Dark Wolves kung saan ay nagkaroon ng kakaibang enerhiyang itim ang nakapalibot sa mga ito.
Hindi naman nagpatinag ang binatang si Van Grego habang makikitang napahigpit ang kamao nito. Inobserbahan niya ang mga halimaw at hindi nga siya nagkamali sa pagkilatis sa halimaw na ito. Mayroon palang dark attribute ang halimaw na ito. Tiyak siyang hindi ito basta-bastang nilalang lamang. Siguradong siya sa kaniyang hinalang ang mga Hunger Dark Wolves ay mayroong Cultivation Level na 6 Star Martial Emperor Realm hanggang 9- Star Martial Emperor Realm.
"Hindi ako maaaring makampante, kung mayroong kakayahan ang halimaw sa pag-atake gamit ang Dark Attribute o Dark Elements ay siguradong malaki ang tsansang malagay ako sa panganib. Walo pa naman ang mga ito, tiyak akong mayroong nakuha ang mga ito ng pambihirang kayamanan." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang inaanalisa niya ang mga bagay-bagay na maaaring maging disadvantages niya at ang maaaring mangyari o inaasahang malakas na nilalang ito. Kung magiging padalos-dalos siya ay siguradong matatalo at mamamatay siya sa lugar na ito. Isa pa ay lamang sa dami ng kasamahan ang halimaw na ito at hindi maaaring balewalain ang factor na ito.
Nagulat ang binatang si Van Grego nang nagsimulang maglakad papunta sa kaniya ang mga halimaw na Hunger Dark Wolves ilang daang metro mula sa kaniya at maya-maya pa ay mabilis ang mga itong sumugod papunta sa kaniya. Hindi maipagkakailang nagulat ang binatang si Van Grego sa naging kilos ng mga ito. Makikitang hindi ito maaaring magkamali sa kaniyang nakikita. Nakaramdam siya ng kaba sa oras na ito. Halatang gutom na gutom ito at gusto na siyang sakmalin ng mga ito.
End of Volume 4

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...