BAAAAANNNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!
Isang malaking pagsabog ng napakalakas na dragon aura ang nasa paligid kung saan ay lumaganap ito sa napakalawak na lugar ng Tombstone Battlefield.
Naglikha ito ng pagkakagulo at pagwawala ng mga halimaw na Martial Beasts sa buong mga paligid maging ang lahat ng nilalang ay nakaramdam ng suppressing aura na siyang nagdulot ng pagsusuka at pagsabog ng mga katawan ng mga nilalang na siyang natural nemesis ng mga dragon. Ang Green Snake Tribe at iba pang mga trubo ay nakaramdam ng ibayong takot at panganib na nagmumula sa kanilang bloodline at tila ba'y halos nahintatakutan ang lahat.
"Ano'ng klaseng aura ito, bakit napakalakas?!"
"Hindi maaari, bakit nararamdaman ko ang nakakatakot na aura ng isang napakalakas na nilalang!"
"Paano'ng nangyari mayroong dragon aura akong nararamdaman?! Hindi kaya mayroong totoong dragon sa mundong ito?!"
"Bakit parang pinipiga ang puso ko dulot ng kakaibang enerhiyang nararamdaman ko?!"
"Pesteng awra ito bakit hindi ako makatayo!"
"Hmmmp! Kung sinuman ang may kagagawan nito ay papaslangin ko ito bago pa ito makapaminsala pa!"
"Kung sino man ang nilalang na ito ay nakakatakot ang suppressing aura nito ay tiyak akong napakalakas ng nilalang na ito!"
Nagsasalita lamang ang mga ito sa kanilang isipan. Hindi nila ito maisalita sapagkat ramdam na ramdam ng mga ito ang kakaibang enerhiya na nakapaligid sa kanila. Tila ba'y habang tumatagal ay sumasakit ang kanilang mga nararamdamang suppressing aura.
Samantala...
Nagulat naman ang mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya sa kanilang nasaksihang pagbabago sa binata. Tila ba ay ibang-iba na ito kumpara sa kaninang binata. Ramdam na ramdam nila ang binatang sa kasalukuyan ay nag-uumapaw sa lakas at tila ba kakaiba rin ang awrang mayroon ito. Mabuti na lamang at hindi na sila ganoong apektado ng dragon awra ng isang dragon. Kung totoong dragon ito ay maaaring matakot pa sila ngunit hindi eh.
"Binata, kumalma ka... Hindi namin aakalaing hindi ka isang ordinaryong martial artists lamang na mayroong Cultivation Level na Martial Ancestor Realm at isa ka na ngayong Stardust Envoy na kahalili ng dating Stardust Envoy Silent Walker." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila ba'y sinusubukan niyang maging kalmado. Tama nga siya ng hinala, hindi ito basta-bastang nilalang lamang. Ang makaligtas sa panganib sa loob ng Tombstone Battlefield ay isa ng napakapambihirang bagay idagdag pa ngayon na isa na siyang ganap na Stardust Envoy, ang titulong ito ay isang patunay lamang na isang napakatalentadong martial artists nito sa ibang aspeto at hindi isang mahinang nilalang lamang. Nabasa niya rin noon na tanging ang Emperor Level Martial artists o Cultivators lamang ang maaaring sumubok ng kanilang swerte para maging Successor. Nagpapatunay lamang na espesyal ang binatang ito.
"Patawarin niyo po ako, bagong Stardust Envoy. Hindi ko po sinasadya ang aking ginawang kalapastanganan. Walang kapatawaran ang aking ginawa sa inyo!" Malakas na saad ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang bigla itong lumuhod at humingi ng kapatawaran.
"May kasalanan rin po ako sa inyo bagong Stardust Envoy, hindi ko natukoy na kayo ang humalili sa pwesto ng dating magiting na pinuno na si Stardust Envoy Silent Walker. Kung alam ko lamang ay napigilan ko sana ang kawalang-hiyaan at kalapastanganan ng aking asawa!" Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya habang makikita ang malumanay at buong paggalang na pagkakasabi nito. Hindi niya lubos aakalaing magagawa ng kaniyang asawa ang bagay na ito at sa bagong Stardust Envoy na siyang pinakamalakas na nilalang sa kasaysayan ng mundong ito. Kung sa gampanin at tungkulin lamang ay wala silang binatbat kahit sa kuko ng gampaning dapat gampanan ng isang Kataas-taasang Stardust Envoy.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...