Chapter 85

138 21 0
                                        

"Hahahaha... Sino'ng tinakot mo Van Grego?! Sa kasalukuyan mong kakayahan ay siguradong hindi mo mapi-pwersang mapalabas ang pesteng nilalang na iyon. Sigurado ka bang mako-kontrol mo iyon?! Kung masama man akong maituturing ay walang kasingsama naman ang buhay na selyong iyon." Nakangising sambit ni Valc Grego habang hindi nito pinapahalata na kinakabahan at nangilabot siya sa kaisipang balak na pakawalan ng binatang si Van Grego ang pangalawang buhay na selyo. Ang isipin pa lamang ang bagay na ito ay isang nakakatakot na pangyayari para sa kaniya. Sigurado siyang hindi siya pakakawalan ng buhay ng selyong iyon. Natatakot siya, iyon ang nais niyang iparating ngunit kinalaban niya na ang binatang ito at hindi rin naman siya kakampi rito. Lahat ng may kinalaman sa binatang ito ay kaaway niya.

"Edi hahanap rin ako ng paraan. Aba aba, alangan namang hayaan kita sa binabalak mo. Sa ngayon palang ay binabalaanan kita na hindi mo ko lubusang kilala. Ako ang nagpakawala sa'yo kaya wag mo ng balaking saktan ako dahil ikaw rin ang matatalo!" Sambit ng binatang si Van Grego habang nakangisi pa ito ng makahulugan.

Nag-init naman ang ulo ng binatang si Valc Grego. Hindi niya aakalaing mayroong ganitong katangian ang binatang mag-fight back sa kaniya. Hindi nito alam kung saan nagmumula ang napakataas na confidence sa sarili ng binatang si Van Grego. Isang hamak na mahina lamang na martial artists at napakalampa. Gusto niyang paslangin ito gamit ang sarili niyang mga abilidad ngunit alam niyang wala siyang kawala rito.

"Good... Talagang kinakalaban mo ko Van Grego, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mong to sa akin. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong ito sa akin. Tatandaan ko ang araw na ito na pinahiya mo ako. Humanda ka lang, makakaganti rin ako sa'yo!" Galit na galit na sambit ng binatang si Valc Grego habang animo'y umuusok ang ilong nito. Pagbabayarin niya ang sinumang nagpaalam sa binatang si Van Grego patungkol sa mga buhay na selyo sa katawan nito. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga ito.

"Hihintayin ko ang banta mong iyan ngunit sa ngayon ay wag kang magpakita sa akin. Naaalibadbaran ako sa presensya mo!" Sambit ng binatang si Van Grego ng pasinghal na tono ng pananalita.

"You... You! Buwiset ka! Magtutuos din tayo sa huli... Di pa tayo tapos Van Grego!" Ouno ng poot na pagkakasabi ng binatang si Valc Grego habang napapadyak pa ito ng malakas sa lupa na siyang ikinaguho ng lugar na tinapakan niya mismo.

Bigla na lamang nawala ang pigura nito maging ang awra nito sa paligid.

Nang masigurado ni Van Grego na nawala na talaga ang buhay na selyo na si Valc Grego ay napahinga siya ng maluwag kasabay nito ang pag-inda niya ng sakit ng kaniyang katawan.

"Pwahhhh!!!!" Hinayaan ni Van Grego ang kaniyang sariling isuka ang sariwang dugo na kaniya mismong dugo mula sa internal bleeding ng kaniyang katawan. Masyado talagang malala ang natamo niyang sugat. Mabuti na lamang at natapos na ng tuluyan ang Heavenly Dao Tribulation. Unti-unti nang nawala ang maiitim na ulap na siysng nagpadala at nagpabagsak ng mga bolta-boltaheng mga  kidlat s kaniyang lokasyon partikular na rito ang kaniyang sariling gawa na Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill.

Nakalutang pa rin ang nasabing Ancient Martial Pill na gawa niya mismo. Hindi maitatangging kumislap ang pares ng puting mata ni Van Grego. Hindi niya aakalaing sa wakas ay matagumpay niyang natapos ang paggawa nito sa tulong ng kaniyang sariling kakayahan at dedikasyon maging ng koleksyon ng kaniyang dating Half-master na si Master Vulcarian nawalang iba kundi ang Miracle Enhancement Liquid Pill na isang mirakulong liquid na isang maituturing na Heaven-defying. Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ng binatang si Van Grego na kailan niya kaya makakamit ang ganoong klaseng ranggo ng Alchemy na maging isang Duke Level Alchemist pero alam niyang napakaimposible nito, malamang ay kinakailangan niyang pumunta sa matataas na mundo bago makamit iyon.

Maya-maya pa ay nalipat ang atensyon ng binatang si Van Grego sa sudden occurrence ng nasabing Ancient Martial Pill niya na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill kung saan ay nakitang mistulang may nangyayaring kakaiba sa Pill.

Agad niyang pinalitaw ang Book Artifact sa kaniyang harapan sa pamamagitan ng pag-activate nito. Hindi kasi itong basta libro lamang. Agad na tinatago ito ni Van Grego kapag nakasagap siya ng mga panganib sa paligid. Isa itong pambihirang kayamanan na mayroong kapirasong kaluluwa o residual soul ng dating Stardust Envoy Silent Walker kaya iniingatan niyang walang makakakita nito lalo na ang ibang mga pambihirang artifacts na mayroon siya katulad ng pambihirang Myriad Painting at ng Myriad Maze. Isa itong sikretong kailangan niyang dalhin habang buhay. Ang ganitong bagay na maaaring kumalat ay baka hindi siya hahayaang mabuhay ng sinuman lalo na ng mga pambihirang at napakalakas na mga nilalang sa matataas na mundo. Kung magsasanib pwersa ang mga ito ay siguradong ang kapirasong lupain sa maliit na mundong ito ay magugunaw na lamang sa isang iglap na walang bakas na maaaring iwan.

Agad na nagtanong ang binatang si Van Grego sa nasabing Book Artifact.

"Sasabog ba ito? O kaya ay magkakaroon ng masamang mangyayari sa Ancient Martial Pill na gawa ko?!" Tanong ni Van Grego sa nasabing Book Artifact habang mahihimigan ang pagkatakot at pagkabalisa nito sa tono ng pananalita nito.

"It will not explode nor bad thing will happen to the Ancient Martial Pill called Olfactory Pill or Wolf Pill. This sudden occurrence is only for birth of Pill consciousness." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.

"Ganon ba, mabuti naman akala ko ay kung ano na ang nangyayari eh." Sambit ni Van Grego habang mabilis nitong pinuntahan ang lokasyon ng nakalutang sa ere na Olfactory Pill o Wolf Pill na ginawa niya bunga ng kaniyang kaalaman sa Alchemy.

Dito ay mas nakita ni Van Grego kung paano lumiwanag ang nasabing Ancient Martial Pill na Olfactory Pill o Wolf Pill.

Nakita niyang mistulang naging translucent ang pill na ito at hindi siya ganon kalaki at napakaliit niya lamang. Hindi man ito naglalaman ng ganoon kalakas na awra sa paligid ng pill.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now