At iyon na nga ang nangyari...
Tila nagsusukatan na ng lakas ang halimaw na Ironplate Snake Lizard at ang binatang martial artists na si Van Grego habang nakikiramdam ang bawat isa sa kanila kung sino ang gagawa ng unang atake.
Sa obserbasyon pa lamang ng binatang si Van Grego ay nakakatakot talaga ang anyo sa malapitan ng halimaw na Ironplate Snake Lizard. Tila ba may kung anong klaseng awrang nakapalibot rito.
Nagulat ang binatang si Van Grego ng biglang umangat ng mabilis ang buntot ng halimaw at mabilis itong humaba papunta sa direksyon niya.
Whooosh!
Bago pa man matamaan ang binatang martial artists na si Van Grego ay mabilis itong tumalon pa atras.
Kitang-kita ni Van Grego ng malapitan ang patulis na buntot nitong mabilis na bumaon sa lupa kung saan ay...
BANGGGGG!
Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay nabutas ang parte ng lupang tinamaan ng atake nito habang nagmistula itong maliit na crater. Nakakasindak panoorin ang ganitong tagpo sapagkat hindi aakalain ng binatang si Van Grego na mapamuksa ang nasabing atake ng halimaw.
Ang nakakaalarma pa para sa binatang si Van Grego na ang buntot ng halimaw na Ironplate Snake Lizard ay napakaflexible.
Bago pa man mahatak ng halimaw ang buntot nito ay mabilisang gumalaw si Van Grego sa kaniyang kinaroroonan at biglang naglaho ito sa kawalan.
HYAAHHHHH!!!!
sambit ng binatang si Van Grego at mabilis na lumitaw ito sa kinaroroonan mismo ng buntot ng halimaw.
SLASH! SLASH! SLASH!
Gamit ang Seax ng binatang si Van Grego ay mabilis nitong pinagtataga ang halimaw ngunit wala man lang naging epekto ito sa buntot ng halimaw na Ironplate Snake Lizard lalo na nang mapansin nitong kahit maliit lamang ang mga kaliskis na naroroon ay tila ba napakatibay nito.
Parang hindi naman nakakaramdam ng kiliti ang halimaw subalit nahirapan pa rin itong bunutin ang buntot nito sa ilalim. Malaking factors rin ang involved rito lalo na ang Ground Composition lalo na ang mga malalaking batong nasa ilalim ng lupa.
Agad na nagsagawa si Van Grego nang isang Cutting Style niya. Bilang Martial Chef ay siguradong maaaring masaktan niya o paslangin ang kaniyang sariling kalaban na isang Martial Beast.
"Cutting Style: Burning Doom!"
Biglang hinigop ng Seax ang nasa paligid nitong ang natural na enerhiya (Heaven and Earth Qi) sa paligid kung saan ay mistulang pumasok ito at tumipon sa dulong bahagi ng maliit na espada (Seax) na pagmamay-ari nito.
Sa isang iglap lamang ay mabilis na pinadapo ito sa mismong buntot ng halimaw sa dulo nito.
"BANNNNGGGGG!!!!!!"
Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay nagkaroon ng tila pagliwanag ng paligid kasabay nito ang isang pangyayari.
PWAAAHHHHHH!!!
Isang malakas na pagsirit ng dugo sa paligid lalo na sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego.
GRRROOOOAARRR!!!!!!!!!!
Isang malakas na atungal ng halimaw na Ironplate Snake Lizard ang bigla na lamang umalingawngaw sa paligid kung saan ay nagkaroon ng nakakatakot na pag-uga ng lupa.
BRRRRRRR!!!!!!
Biglang nabunot ang buntot ng halimaw na Ironplate Snake Lizard kung saan ay makikita ng binatang si Van Grego ang kalagayan ng buntot ng halimaw na Ironplate Snake Lizard.
Kitang-kita niya kasi kung paano nagkaroon ng malaking pagkahiwa sa buntot ng nasabing halimaw kung saan ay halos napunit ang buntot nito sa halos kalahating parte ng nasabing buntot nito. Tila ba nagkaroon ng nagkaroon ng kakaibang kasiyahan ang binatang si Van Grego.
"Hmmm... Hindi ko aakalaing napakadali namang makita ang kahinaan ng halimaw na ito."
Ngunit nagulat si Van Grego kung saan ay nakontrol pa rin ng halimaw Ironplate Snake Lizard ang matulis na buntot nito kung saan ay umatake ito ng umatake sa kaniyang kinaroroonan.
Whooosh!
Huh?! Sambit ng binatang si Van Grego kung saan ay makikita nito na napakabilis ng pangyayari na siyang hindi niya aakalain kung kaya't ang ginawa na lamang niya ay mabilis niyang hinigpitang mabuti ang kaniyang sariling maliit na espada (Seax).
Bago pa mataan ang binatang si Van Grego sa kahit ano'ng parte ng katawan nito ay mabilis niyang iniwas ang kaniyang sariling at pinalihis gamit ang hawak nitong Seax.
BANG!
Isang malakas na pagsabog muli ang nangyari.
Aatake pa sana ang binatang si Van ngunit mabilis na umalpas muli sa lupa ang nasabing buntot ng halimaw at mabilis na sinugod ang binatang si Van Grego gamit ang buntot nito.
Whooosh! Whooosh!
Iniwasan ito ng binatang si Van Grego sa pamamagitan ng kaniyang flexible moves ngunit isang hindi inaasahang pangyayari muli ang kaniyang nasaksihan.
Nang sumugod ng mabilis ang halimaw ay saka naman gumawa ng paraan si Van Grego para hindi siya direktang matamaan ng halimaw.
Gamit ang kaniyang sariling sandata (Seax) ay mabilis siyang sumugod sa kinaroonan ng halimaw na Ironplate Snake Lizard.
Tzzzzz.. tzzz... Tzzz... !
Tila nagkaroon ng pagkiskisan ng dalawang matulis na bagay na napakasakit pakinggan ang tunog ng pagkiskisan ng dalawang metal.
Walang duda, nagkatagpo mismo ang sandatang hawak ng binatang si Van Grego na walang iba kundi ang nasabing Seax at ang misming matulis na buntot ng halimaw na Ironplate Snake Lizard.
Tila ba nagkaramdam si Van Grego ng napakasakit at napakalakas na pwersa.
"AHHHHHHHHHHH!!!!!"
Bigla na lamang yumukot ang mukha ng binatang si Van Grego kung saan ay bigla na lamang itong tumalsik sa malayo at napahiyaw dulot ng kakaibang pwersang nagtulak sa kaniya pataas sa kinaroroonan niya at tumilapon sa malayong parte.
Ilang beses na umikot ang katawan ng binatang si Van Grego hanggang sa naramdaman nitong tumama siya sa isang matigas na parte ng lupa.
BANG!
Sumabog ang lupang pinagbagsakan ng binatang si Van Grego kung saan ay tumama ang likod ng parte ng binata.
Mabilis namang bumangon si Van Grego at nag-levitate sa ere.
Agad nitong winala ang kaniyang sandata (Seax) sa kaniyang kamay at mabilis na lumitaw ang isang kakaibang bagay na bumabalot sa kamay nito.
"Matagal ko ng hindi ako nakakapagtraining at nagagamit ito. Wala akong pagpipilian kundi ang ilabas ang isa sa mga kakaibang armas ko!" Sambit ng binatang si Van Grego kung saan ay makikitang napakuyom ang kaliwang kamao nito ng itinapat niya mismo sa kaniyang mukha habang tinitingnan ang nasabing bagay sa kamay nito. Tinatawag ang armas na ito na God Slaying Gauntlet. Sa kasalukuyang lebel niya at lakas ng kaniyang suntok ay isa pa lamang na lebel ang kaniyang antas ng lakas na maaaring irelease ng God Slaying Gauntlet.
Nagkaroon ng kakaibang enerhiya sa katawan ng binata at bigla na lamang nagliwanag ang buong katawan nito maging ang God Slaying Gauntlet na nasa kaliwang kamao nito.
Naglaho ang pigura ng binatang si Van Grego sa kinaroroonan nito nang subukan itong patamaan muli ng matulis na buntot ng halimaw na Ironplate Snake Lizard.
Walang natamaan ang nasabing halimaw. Tila ba hindi nito nakita ang binata dahil tanging ang Afterimage nito ang natamaan nito.
BANG!
Sumabog muli ang lupang tinamaan nito. Tila ba hindi makapaniwala naman ang halimaw. Naglinga-linga pa ito sa paligid at tila sinisinghot pa nito ang hangin at lumilinga-linga sa paligid.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...