Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Van Grego ang huling destinasyon niya at yun ay ang lugar na kinaroroonan ng Mutated Giant Black Bear. Mabilis niya itong pinuntahan at nakita na lamang niya ito sa isang sulok habang hinang-hina. Ngunit nagulat siya ng naglaho ito at mabilis itong nakarating sa pwesto niya.
Whooossshhhh!!!!
Isang pamatay na atake ang biglang ipinalasap jito kay Van Grego. Nanlaki ang mata ni Van Grego ngunit napangisi pa siya sa inasta ng mabangis na halimaw na ito.
BOGSSHHH!
Isang malakas na pagsabog ang biglang nangyari sa kinaroroonan ni Van Grego habang makikita ang malaking hukay na nagsisilbing resulta ng atake ng halimaw.
"Hahaha... Hindi ko aakalaing isa kang mapanlinlang halimaw. Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon ka ng kamalayan hahaha... Ano ang ginagawa mo rito gayong isa kang Martial Beast Cultivator hahaha!!!!" Sambit ni Van Grego habang makikita na animo'y sigurado ito sa kaniyang sinasabi. Base na rin sa kaniyang obserbasyon ay malakas na nilalang ito.
"Hahaha... Hindi ko aakalaing mayroong makakapansin sa aking kinikilos. Wala ka ng pakialam kung ano ang ginagawa ko rito hehe... Sino ka para kwestiyunin ang pamamalakad at batas ng Martial Beast Cultivators Territory?! Isa ka lamang estranghero sa lugar na ito." Sambit ng Mutated Giant Black Bear habang nakatingin ng masama sa binatang si Van Grego.
"Hindi ako tanga para hindi mapansin na isa ka ng ganap na Cultivator. Isa ka ng Martial Ancestor Realm Expert kaya alam kong namuo na ang iyong kamalayan. Isa pa ay kataka-taka naman na ako ang unang pinuntirya mo hahaha!!!" Sambit ni Van Grego habang isinasalarawan ang kaniyang naging obserbasyon sa kaninang pangyayari.
"Akong si Veno at masasabi kong kahanga-hanga ang iyong obserbasyon na nagpapatunay lamang na mataas ang iyong persepsyon. Kung hindi ako nagkakamali ay gusto mong manghimasok sa teritoryo namin pero binabalaan kita na huwag ka ng pumunta sa aming teritoryo lalo na kung pupunta ka sa mismong sentral na bayan ng Martial Beast Cultivator Territory. Ngunit nakakaawa ka, sa kasalukuyan mong lakas na isang 1-Star Martial Ancestor Realm ay isa ka lamang langaw sa harap ng kapwa ko Martial Beast Cultivators hahaha!!!!" Sambit ni Veno na may mapanghamak na tingin at pangmamaliit sa binatang kaharap nito.
"Akong si Van Grego ay mula sa lahi ng mga tao ay hindi aatras sa aking paglalakbay na isinasagawa. Sa iyong inaasta ay parang sinasabi mong napakalakas ng inyong lahi. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ka lamang ordinaryong mamamayan ng Martial Beast Cultivators Territory. Mapagsamantala ka lalo pa't ang mga halimaw na naririto ay mga mahihina at wala pang kamalayan. Sinasamantala mo pa ang oportunidad na ito upang magpalakas pa lalo. Mas nakakahiya ka!" Sambit ni Van Grego. Kung pwede lang sabihin na siya ang bagong Stardust Envoy ng mundong ito ay siguradong matatakot ang sinuman sa kaniyang titulo ngunit magiging isa rin itong dahilan upang maghatid sa kaniya ng ibayong panganib. Ang mga kalaban ng dating Stardust Envoy Silent Walker ay hindi pa tukoy o kung mas dumami pa at lumakas. Tanging ang kapatid niya lamang ang pinakakatiwalaan nitong lubos.
Mistulang nagulat naman si Veno sa narinig niya lalo na sa inasta at sinabi ng binatang tao sa kaniya. Makikitang biglang tumalim ang tingin nito sa binatang si Van Grego.
"Ang lakas ng iyong loob binatang tao na nagngangalang Van Grego. Hindi mo ata nakikita ang iyong sarili na nasa teritoryo ka namin kaya ayusin mo ang tabil ng iyong dila. Ang lakas ng loob mong tawagin akong isang ordinaryong mamamayan hahaha... Sa kasalukuyang lakas mo ay siguradong hindi mo ko kakayanin hehehe..." Sambit ni Veno habang makikita ang galit nito sa sinabi ng binatang nagngangalang Van Grego. Isa itong pang-iinsulto kung tutuusin ngunit para sa kaniya ay hindi siya ordinaryo dahil mas malakas siya ng limang lebel sa binatang ito sa parehong boundary.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...