Ilang minuto lamang ay napatay na ni Van Grego ang lahat ng mga lumilipad na mga bandido sakay ng kanilang flying sword ngunit ang lider lamang nito ang natira. Halos karumal-dumal ang naging pagpatay sa mga ito yung tipong kahindik-hindik tingnan.
Sampong kilometro na ang layo ng tumatayong lider ng nasabing grupo ng bandido sa kinaroroonan nila kanina.
"Heh! Anong akala ng binatang iyon na maaabutan niya ako?! Huwag niyang mamaliitin ang aking kakayahan sapagkat ako ang pinakamabilis na magpalipad ng aking Flying Sword hehe..." Sambit nito nang mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang Flying Sword.
Poooohhhhh!!!
Ngunit nagulat at namilog ang mata ng tumatayong lider ng bandido ng makita niya ang pamilyar na pigura ng isang binata sa hindi kalayuan habang may hawak itong maliit na patalim.
"Hindi ito maaari, paano niya ako nahanap ng ganito?" Sambit ng bandidong ito habang makikita ang nahintatakutan nitong ekspresyon sa mukha.
Mabilis niyang nilihis ang kaniyang direksyon papunta sa ibang direksyon ngunit ganon na lamang ang pagkabiglaniya ng makitang muli ang binatang nag-aabang doon. Namamawis at namumutla na soya sa takot.
"Hmmmp! Isa ka lamang kutong-lupang bata. Sino ka para katakutan ka namin!" Sambit nito habang nakatingin sa binata. Naka-steady lamang siya sa isang lugar sa himpapawid kung saan ay mabilis itong nagsagawa ng skill.
"Tikman mo tong skill ko totoy na kayang-kaya gawing abo!" Sambit nito at mabilis na gumawa ng skill.
Lumabas ang kakaibang apoy sa katawan ng lider ng bandido na ito maging ang enerhiya nito.
Mistulang nagulat naman si Van Grego sapagkat hindi niya aakalain na ang isang lalaking tumatayong lider ng bandido na ito ay kayang gumamit ng konsepto ng apoy at isama ito sa kaniyang Technique.
"Isa rin pala itong eksperto. Hindi ko aakalaing ang isang bandido ay may ganito kalakas na Technique.
Napangisi naman ang kalaban ni Van Grego dahil sa naging reaksyon niya.
"Katapusan mo na!!!!!!"
Mabilis na lumabas ang Martial Soul ng bandido na isang Uri ng Fire bird at mabilis na lumakas ang enerhiya nito. Lumitaw din ang espada nito na balot na balot ng apoy.
Bigla nitong sinugod ang binatang si Van Grego sa hindi kalayuan.
"Whoosh! Whoosh! Whoosh!"
Mistulang naging linya na lamang ang espada sa bilis nitong paghagibis papunta sa katawan ng binatang si Van Grego ngunit mabilis itong naiwasan ni Van Grego.
Umatras si Van Grego ngunit mabilis siyang sinundan ng lider ng bandido at Pinabulusok nito ang espada nito sa bandang puso ng binata ngunit agad na tumagilid si Van Grego.
"Muntikan na ko doon ah. Masyadong marahas makipaglaban ang bandido na ito! Kailangan ko itong mapaslang bago pa ako nito mapaslang." Sambit ni Van Grego at mabilis na umatras ng malayo. Gamit ang kaniyang konsepto ng Hangin at Space ay nakakaya niyang bumalanse sa himpapawid at madistort ang space.
Nang sinugod siya ng bandido ay mabilis itong napatalsik sa malayo. Hindi kasi nito inaasahan na nagkaroon ng distorsyon sa space na siyang ginawa ni Van Grego.
Agad namang gumawa si Van Grego ng Fire Creation Technique.
Agad na dumaloy sa kaniyang kamay ang kakaibang apoy na walang iba kundi ang apoy ng Red Fury Dragon Seeds at mabilis na nagmaterialize at naging isang mahabang espada.
"Hahahaha... Kahanga-hanga dahil isa ka ring Fire Attribute na Martial Artists. Kayang-kaya kitang pisain anumang oras dahil papatunayan ko sa'yo na mas magaling ako!!!!!" Natatawang sambit ng lider ng bandido ngunit mabilis ding napalitan ng kakaibang ngisi ang kaniyang ekspresyon. Hindi kasi siya papayag na malamangan ng binatang ito.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...