Chapter 37

185 26 2
                                        

Agad na pumunta si Orville sa teritoryo na kinaroroonan ng kaniyang dating Master na isa sa 12 Supreme Lords na si Lord Leland. Hindi kasi maipagkakailang isa siya sa masuwerteng nilalang na naturuan ng isang magiting na Supreme Lord sa kasaysayan. Noon ay pangarap niya lamang maging disipulo nito ngunit natupad iyon sa kaniyang pagsusumikap. Hindi niya aakalaing darating ang araw na hihingi siya rito ng tulong. Nakatira siya sa isang napakagandang lugar ng Alliance kung saan ay isang napakalawak na teritoryong kasing lawak ng iyong maabot ng iyong mata.

Gamit ang kaniyang Flying Sword ay mabilis siyang pumunta sa mismong teritoryong kinaroroonan ng kaniyang Master. Limang minuto din siyang lumipad papunta  sa bahay nitong napakaluma ngunit napakatibay ang estraktura nito kung saan ay makikitang halos masasabi mong isa itong vintage house maging ang gate nito ay masasabi mong ganoon din ngunit sa ere pa lamang ay makikita mo na punong-puno ng mga halaman kagaya ng mga medicinal plants, bulaklak, mahiwagang mga puno at iba pa. Mayroon ding nakatanim na dragon Veins na siyang masasabi mong angkop ang lugar na ito para maging isang Cultivation Place ngunit kapansin-pansin na halos wala itong katabing mga kabahayan  at napakalawak ng teritoryong sakop nito. Nang makalapit na si Orville sa naasabing bahay ng kaniyang Master na si Lord Leland ay saka lamang niya napansin na masigasog na nagcu-cultivate ang kaniyang Master malapit sa Dragon Vein at kapansin-pansin na napakalakas ng enerhiya nitong inilalabas. Puro at napakaganda sa mata lalo pa't kulay pula ang enerhiyang nakapalibot at nagmumula sa katawan nito partikular na sa dantian nito.

"Nakakamangha talaga ang kapangyarihan at kakayahang meron si Master Leland. Hindi ko aakalaing mayroon ganitong klaseng Qi." Sambit ni Orville sa kaniyang sarili. Alam niya kung ano ito at walang iba kundi ang Moon Qi. Hindi nito aakalaing mayroong klaseng Qi na lubos na makapangyarihan sa ganitong degree. Yun nga lang ay hindi pa rin ito maikukumpara sa Heaven and Earth Qi o ang Essence Energy na napakarami at natural namumuo sa kapaligirang mayaman sa enerhiya na siyang bumubuhay sa mga pananim at sa mga nilalang na naninirahan sa mundong ito. Ang Moon Qi ay makapangyarihang enerhiya niya ngunit ang malaking setback nito ay kung gaano karaming enerhiya ang makukuha mo sa buwan. Mayroong variations sapagkat ang buwan ay mayroong mga phasing kada dumadating ang gabi at yun ay ang half Moon, Full Moon, first Quarter, Waning Crescent, Waxing Gibbous, New Moon at iba pa pero ang may pinakamalakas na Moon Qi ay ang New Moon at Full na siyang una at huling phasing ayon na rin sa kaniyang Master Leland.

"Isang araw mula ngayon ay Full Moon na at ang Moon Qi na maaaring mailabas galing sa buwan ay siguradong napakalakas kaya mali ang impormasyong naibigay nila. Siguradong nanganganib ang East Wing sa mga oras na ito." Sambit ni Orville sa kaniyang isipan. Tunay na kailangan niyang komprontahin ang kaniyang Master Leland.

Nagtaka naman si Orville ng mapansing may tumitingin sa kaniyang gawi at nakita niya lamang ang kaniyang Master Leland na tumitingin sa kaniya. Wala na rin ang nakakalat nitong enerhiya at makikita ang napakaputo nitong mahabang buhok at balbas dahil sa katandaan.

"Hmmm... Bakit ka napunta sa aking teritoryo ha Orville?! Alam mo bang bawal akong istorbuhin lalo na paggabi?! Nakikita mo kung ano ang maaaring epekto nito sa akin na naghahanap ng isang Enlightenment?!" Sambit ni Lord Leland sa dati nitong disipulo na si Orville.

"Ngunit Master, hindi ko po nais kayong isturbuhin sa inyong pagcucultivate at paghahanap ng insights lalo na ng Enlightenment ngunit ang East Wing ay nakaharap ngayon sa ibayong panganib." Sambit ni Orville habang mababakas ang labis na pagkabahala lalo na sa kaniyang nalamang mensahe kani-kanina lamang.

"Hmmmp! Ano'ng pinagsasabi mo ha?! Ibayong panganib sa West Wing?! Bakit, may sumalakay bang ulit na mga malalakas na Martial Beasts at iba pang uri ng halimaw roon?!" Patanong na pagkakasabi ni Lord Leland dahil ito lamang ang naiisip nito ngunit mayroon namang pambihirang Walls at Array Formation ang nailagay roon upang magsilbing harang sa Desolate Burial Forest na isang Forbidden Areas ng Central Region lalo na sa East Wing. Naaalala niyang sa susunod pang mga buwan ang maaaring pagkaroon ng Beast Hoarde kaya nagtataka siya sa sinabi ng kaniyang dating disipulo na si Orville.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now