Nang matapos nga ang araw na iyon ay dito na napilitang mag-ensayo ang binatang si Van Grego mula sa pinakaunang training na siyang magsisimula ngayon ngunit sisimulan niya na ito sa Intermidiate Level of Physical Trainings.
Ang Intermidiate Level of Physical Trainings ay siyang pinakaunang training ng mga Martial Artists o Cultivators na gustong lumakad sa Body Transformation System na siyang isa sa pinakaimportanteng bagay na gagawin ng mga Martial Artists. Dito ay mas pukos ang trainee na gumawa ng physical training upang ihanda ang sarili sa paglakad o pagtahak ng daan nito papunta sa tuktok ng Body Transformation System. Isa itong training sa mga Martial Artists na na-cripple o kaya ay mas gusto ang ganitong klaseng training kumpara sa mga Martial Artists na halos karamihan ay nilalakaran ang Energy Gathering System. Mas malakas kasi ang attack power ng mga ito ngunit sa harap ng malalakas na Body Transformation System na mga nilalang ay siguradong mapapaslang ang sinuman sa mga ito ngunit nakadepende pa rin iyon sa kabuuang abilidad ng nasabing martial artists. Hindi kasi basehan lamang ang amount ng enerhiyang nailalabas ng mga Cultivators ang binabasehan kundi maging ang energy consumptions, malalakas na skills, ability to adapt sa environment, state of self, maging ang attainments nito sa konsepto, elementong hawak, martial soul at iba pa. Kadalasan ay nakadepende pa rin ito sa kung paano gamitin ng wasto ang kalamangan ng isang Cultivator o martial artists ang kakayahan nito hindi lamang sa pisikalan kundi sa pautakan rin.
Aanhin mo naman kung napakalakas mo sa pisikal na atake ngunit hindi mo naman natatamaan ang iyong kalaban na isang Essence Gathering System ang tinatahak o kaya ay napakalakas ng attack power mo gamit sa enerhiya ngunit hindi mo man lang masira ang pisikal na depensa ng iyong kalaban, siguradong manganganib rin ang buhay nito. Yan ang ilan sa mga kamalian ng halos lahat. Masasabing karamihan sa mga ito na Essence Gathering System nakapukos ang kanilang sariling Cultivation System ay puro pagpapataas ng ranggo o pagpapalakas ng atake ang ginagawa nila upang makamit ang ninanais nilang kakayahan o kapangyarihan.
Hindi maipagkakailang napakakonti lamang ang masasabing nakapukos sa pandepensang mga Cultivators. Kahit nga ang mga maituturing na mayroong martial soul na pandepensa ay naeengganyong gumawa ng paraan upang pataasin ang kanilang mga combat attack ability kung saan ay nagreresulta ng pagbaba ng kanilang depensa o nananatiling walang pagbabago ang kanilang defense attribute o defensive ability na siyang isang maling gawain ng karamihan sa mga ito.
Sabihin na nating given na para sa depensa ang kanilang kakayahan pero combat ability ang nasa pokus ng kanilang atensyon. Sino ba naman kasi ang gustong maging tanke o cannonfodder na nasa pinakaharap na parte ng labanan diba? Malamang sila ang sasalo ng lahat ng mga posibleng mapaminsalang atake. Nas masakit pa sa katotohanan iyon lalo na at tiyak na mapupuruhan at mapipinsala ka. Sinong gustong mangyari iyon hindi ba? Ang sagot ay wala sa kanila ang willing na i-risk ang kanilang sariling buhay upang tumangke sa labanan. Hindi sila tanga para mamatay ng ganon lamang. Uso magpakabayani diba? Pero hindi dahil ang may malakas na combat ability ang siyang mabubuhay sa huli at sila ay parang tangang nakikisapo ng mga atake para protektahan ang mga ito.
Sa pananaw ni Van Grego ay gusto niyang pagsabayin ang dalawang magkaibang Cultivation Methods na ito. Nasa Senses Unlocking Rank pa lamang siya kung saan ay bubuksan niya ang ilan sa mga nakasarang mga acupoints nito sa katawan partikular na rito ang kaniyang Mata, Tenga, Ilong, Bibig at balat na siyang basic opening nito.
Ngunit nawala ang mga iniisip ng binatang su Van Grego nang biglang nagsalita ang Book Artifact na ngayon ay nakalutang sa ere na kaharap niya.
"Are you Ready? If not then we can sing only a happy Birthday song?! Scanning Complete!" Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.
Napatawa na lamang si Van Grego ng malakas dahil sa kaniyang nakita.
"Hahahahaha...Aba aba, ano bang klaseng Book Artifact ito, talagang binabasa pa talaga ang libro ko kung saan ay sinulat ng iba't ibang mga martial artists paukol sa pilosopiyang kanilang nais isulat." Sambit ni Van Grego habang hindi alam kung anong rekasyon ang maaari niyang gawin. Ikaw ba naman makakita ng Book Artifact na binabasa ang kauri nitong libro, dito ay naalala niya ang nakakatawang bagay na nabasa niya noon na "what if a book reads another book?! That's stealing information Hahahaha!!!
"Hayst, ano bang klaseng libro ito oh. Mag-eensayo na nga ako tsk!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang papigil ng tawa sa kaniyang nasaksihan. Kung hindi siya magseseryoso sa training ay malamang sa malamang ay matatagalan pa siyang mag-adapt ng tuluyan sa ganitong klaseng environment. Gusto niyang palakasin at maging normal ang energy consumption niya sa tuwing gagamit siya ng skill dahil hindi lamang doble ang energy consumptions na nagagamit niya kundi triple talaga lalo na sa napakalakas niyang skills ngunit sa uri ng harsh environment na ito ay mukhang mahihina ang mga skills niya. Kung maisasagawa niya ng tama ang training niya at maka-adapat ang kaniyang sarili sa harsh environment na ito ay siguradong malaki ang benepisyong makukuha niya. Hindi lamang sa Essence Gathering System kundi lalo na sa Body Transformation System na siyang sabay niyang tinatahak ito.
Nakakalungkot lang isipin ngunit magiging ardous training ito para sa binatang si Van Grego. Ngunit naniniwala siyang makakaya niya ito.
...
Halos araw-araw lamang nag-eensayo ang binatang si Van Grego habang sa gabi-gabi naman ay nagcu-cultivate siya upang sa gayon ay hindi niya mapabayaang palakasin pa ang kaniyang Cultivation Level sa Energy Gathering System.
Ang kaniyang ensayo at mga trainings ay nasa balance. Wala na siyang tulog-tulog sapagkat hindi niya na kailangang kumain pa sapagkat ang kaniyang Heaven and Earth Qi na nasasagap sa paligid kapag nagcu-cultivate siya ay napakasaga at hindi na niya kinakailangan pang kumain araw-araw ng mga pagkain ngunit minsan ay kumakain rin siya lalo pa't kinakailangan niya rin ng mga pagkain upang mas pagtibayin pa ang kaniyang sariling katawan. Hindi niya maaaring baliwalain ang basic needs ng kaniyang katawan dahil hindi pa siya nakakatuntong sa Cultivation Level ng Body Transformation System kung saan ay maaari niyang gamitin ang kaniyang katawan upang sumagap ng napakaraming enerhiya upang patigasin at palakasin pa lalo ang kaniyang iba't ibang parte ng kaniyang katawan.

YOU ARE READING
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...