Chapter 54.1

164 20 0
                                        

"Kaya ko to at kakayanin ko. Hindi ako magpapatalo!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang nilulon ang isa pang Perfect Tiger Eye Pill. Talagang nakakamangha talaga ang perfect pill na ito. Sa texture pa lamang nito ay wala kang maipipintas dito. Talagang kahanga-hanga kahit saan mo anggulo tingnan.

Nag-aalinlangan pa nga nag binatang si Van Grego kung kakainin niya ba ito o hindi. This is really a great pill which defy the heaven. It surely will benefit him a lot greater than a normal Tiger Eye Pill.

Mabilis na natunaw ang Tiger Eye Pill sa dantian ng binatang si Van Grego at isinama ito ni Van Grego sa mga susunod niyang pag-atake sa naka-blocked na bagay upang mabuksan ang acupoints niya sa bandang likod ng kaniyang kaliwang Eyeball.

"BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!"

Mistulang nakakabinging bagay ang nag-uumpugan at nagkikiskisan sa loob ng katawan ni Van Grego lalo na sa kanyang mata. Mistulang walang ingay sa labas ngunit ang kaloob-loobang parte ng likod ng left eyeball ni Van Grego ay myroong pwersang pilit pumapasok at sinisira ang bagay na nakabara sa nasabing acupoints sa likod ng kaliwang mata nito. Animo'y isang matibay na depensa ang pilit na sinisira ng enerhiyang mula sa Tiger Eye Pill. Hindi maipagkakailang kahit na layunin nitong sirain ang harang ay hindi naman ito naninira ng mga muscle at tissues na malapit sa mata ng binata kundi sa nakabara lamang.

BANG! BANG! BANG! ...!

Mas naging malakas at marahas ang pagbundol ng enerhiya mula sa datian na direktang papunta sa mismong kaliwang mata ni Van Grego.

"Hmmmp! Talagang nanghihina na talaga ako at malapit ng madeplete ang aking Essence Energies upang kontrolin ang enerhiyang mula sa Tiger Eye Pill. Ang tanging magagawa ko lamang ay dagdagan muli ang Pill. Ramdam kong malapit ng maalis ang bara mula sa daluyan ng acupoints. Konting-konti nalang." Determinadong sambit ni Van Grego. Naiinis siya sa kaniyang sarili sapagkat medyo ina-understimate niya ang bara sa kaniyang likod ng eyeball at inaamin niyang nagkamali siya. Ang kaniyang sarili ang mayroong pagkukulang at hindi ang sasabing Tiger Eye Pill.

Nilunok muli ng binatang si Van Grego ang isa pang Tiger Eye Pill na siyang tunay na pangalan ng Level 1 Eye of God Pill. Ang totoo niyan ay sinamantala niya ang bagay na ito sa Smokey Laccolith upang kumolekta ng mga Beast Cores na maaaring magamit niya sa paggawa ng mga susunod na mga pambihirang Martial Pill pangunahin na rito ang paggawa mga pambihirang Pill na may kinalaman sa pagbukas niya ng mga acupoints partikular na ng 5 senses niya. Hinanay niya ang mahigit isang daang Beast Core ng mga namatay na Martial Beasts sa klasipikasyon kung saan nararapat amg mga ito. Malakas ba ang paningin nito, o kung ang pang-amoy nito ang malakas. May abilidad ba itong makadinig o hindi at marami pang iba.

Maya-maya pa ay nag-concentrate si Van Grego at sonubukang muling sirain o tanggalin ang nakabarang bagay mula sa acupoints mismo.

BANG! BANG! BANG! ...!

Hindi mabilang na Sunod-sunod na pagbunggo ng enerhiya sa nasabing bara sa acupoints hanggang sa isang malakas na pagbunggo ang ginawa ni Van Grego.

BAAAAANNNNNNGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!

Mas malakas nag pagtalsik ng dugo sa mata ni Van Grego parikular na rito sa piring niya. Dalawang mata niya ang naapektuhan ng pag-open niya ng acupoints mula sa backside ng kaniyang pares na eyeballs.

Nagcultivate si Van Grego upang gamutin àng kanyang sugat mula sa kaniyang mata at ipanumbalik ang kaniyang nawalang enerhiya sa pamamagitan ng pagcucultivate ng maigi upang komulekta ang kaniyang katawan ng Heaven and Earth Qi sa kapaligiran.

Animo'y nagkaroon ng pagdistort ng hangin habang animo'y may namumuong isang suction force sa bandang tiyan ni Van Grego at hinihigop nito ang mga enerhiya sa paligid.

...

Ilang oras din ang ginawang pag-cultivate ni Van Grego hanggang sa maramdaman niyang gumagabi na iba sa inaakala niya. Sa paggawa pa lamang ng Level 1 Eye of God Pill o Tiger Eye Pill ay inaabot na ng mga anim hanggang pitong oras lalo pa't medyo matagal ang proseso lalo na ang nasabing highlight upang makamit ang Perfection Stage ng nasabing pambihirang Ancient Martial Pill.

Ngayon ay biglang tinanggal ni Van Grego ang piring ng kaniyang mata. Ang mga dugo kanina sa piring ay naging kulay itim nang natuyo. Nakapikit pa rin siya pero sinuri niya ang kapirasong telang ginawa niyang piring.

"Hmmm... Hindi ko aakalaing napakaraming impurities ang naipon sa aking pares ng eyeballs. Hindi pala purong dugo ang lumabas sa aking mata kundi mga purong dumi na naipon sa parteng iyon ng nabuksang acupoints. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit limitado lamang ang nakikita ko mula sa malayo." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Talagang maging siya ay nagulat rin dito. Parang mistulang nabunutan siya ng dalawang malaking tinik sa kanyang pares na mata habang makikita ang sobrang kaginhawaan lalo na ang kaniyang sarili paningin partikular na ang kaniyang mata. Mayroong sumilay na matamis na ngiti sa kaniyang mapulang labi.

Pagkatapos noyang sabihin ito ay bigla niyang iminulat ang kanyang mata. Nang masilayan ni Van Grego ang kapaligiran ay halos nagalak siya sa kaniyang nakita at natuklasan.

"Kamangha-mangha, ang aking mata ay mas dumoble ang linaw na kagaya mismo ng isang tigre. Ang pambihirang Ancient Pill na Tiger Eye Pill lives up its name. Parang mata mismo ng tigre ang aking mata. Talagang nakakamangha ito. Mayroon pa akong limang piraso pwede ko itong pambayad sa lalaking Hybrid na iyon ngunit alam kong walang silbi ito. Mas matalas ang mata ng White Raven kaysa sa mga Tigre lalo pa't nakakakita sila sa kadiliman ng gabi o sa likas na madidilim na lugar." Sambit ni Van Grego habang animo'y nalulungkot ito sa kaniyang pagiging mahina sa mga oras na ito. Napakalaki ng kanyang responsibilidad at ang mga kaaway niya ay dumadami lalo na si Valc Grego na mapagpanggap at napakasama. Hindi niya alam kung ang White Raven at Black Raven Tribe ay kaaway o kakampi sa malawakang digmaan. Siguradong may gagampanan din ang mga ito. Kung nandito lamang si Master Vulcarian ay sana ay mayroon siyang kaide-ideya sa manguayaring labanan. Tanda niya ang nakasulat sa pinakailalim ng wall carvings at yun ay Trust No One.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon