Chapter 114

137 19 0
                                        

Makikita pang nagkaroon ng malaking nagkalat na Black Cats sa kinaroroonang lugar kanina ng mga Black Cats dulot na rin ng mapaminsang cutting style. Hindi lamang kasi panghiwa ang gamit ng cutting style ng mga Martial Chef dahil maging sila ay maituturingna hunters. Hindi nila maaaring iasa na lamang kahit kanino ang kanilang mga lulutuin lalo na sa uri ng Karneng lulutuin nila o mga sangkap na ihahalo mismo sa lulutuin nila dahil maaaring makaramdam sila ng disappointment dahil sila mismo ang luluto nito at kapag hindi nila nagustuhan ang mga sangkap ay useless lamang ito. Sa huli ay sila pa rin ang mamomroblema.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binatang si Van Grego at mabilis na nilagpasan ang teritoryo ng mga teritoryo ng Black Cats at tinahak ang matarik na daan pupunta sa mataas na parte ng bundok. Tiyak nandirito ang totoong problema.

Kalahating minuto ang nakalilipas at napansin ni Van Grego na halos wala siyang nakakasalubong na mga halimaw (martial beasts) sa lugar na tinatahak niya maging sa direksyon pupuntahan niya.

Sinuri niya ang buong paligid at napansin niya ang katahimikan ng buong lugar. Tila ba walang humihingang nilalang ang naririto at tanging mga nagtataasang mga puno at mga ligaw na damo lamang ang nakita niyang naririto sa lugar na kaniyang nilalakaran. Wala siyang napansing mga kakaiba.

"Hmmm... Napakatahimik ng buong lugar na ito. Ano bang klaseng nilalang kaya ang naririto o naninirahan rito. Makapal naman ang natural na enerhiya (Heaven and Earth Qi) sa lugar na ito at masasabi kong hindi basta-bastang iiwan o lilisanin lamang ito ng sinumang nilalang." Sambit ng binatang si Van Grego nang mapansing kakaiba ang lugar na ito. May kung ano'ng klaseng paghihinala ang kaniyang nararamdaman sa klase ng lugar na kinaroroonan niya mismo. Tila ba hindi maaaring maging ganito lamang ang lugar na ito.

Nang lumakad ng lumakad ang binatang si Van Grego ay bigla niyang nakita sa kaniyang dinaraanan ang bakas ng paa ng isang malaking halimaw at mayroon pang nakakalat na malagkit na  laway ng isang hindi pa kilalang nilalang at mayroong bakas ng dugo. Nagtatakang pinag-aralan ni Van Grego ang bagay na ito.

Lingid sa kaalaman ng binatang si Van Grego ay mayroong isang dambulang nilalang ang bigla na lamang nagmulat ng mata tandang nagising ito sa hindi malamang dahilan. Mayroon itong nakakatakot na bilugang pares na mata. Kasabay nang pagpikit nito ay siya rin namang mabilis na paglaho nito sa kawalan.

...

Agad na pinasuri ng binatang si Van Grego ang kaniyang nakalap na ebidensiya sa kaniyang Book Artifact. Tila ba hindi siya mapakali kung ano'ng klaseng nilalang ito.

"Scanning... Processing... Data Analyzing... Complete! Based on the information that being left. These species are naturally belong to a Lizard Type Martial Beasts. The saliva is naturally a saliva of that Species. Error... Error..." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito. Tila ba hindi matukoy ng nasabing Book Artifact ang klase ng halimaw na ito ngunit napangiti ang binatang si Van Grego sa kaniyang nalaman sapagkat ganito lamang ang ebidensyang nakalap niya at hindi ganoon kalakas o katalino ang nasabing Book Artifact para malaman kung anong uri ito ng Lizard. Napakarami ng variations o sub-branches ng halimaw na Lizard. Sino ba naman kasi ang makakaalam ng specific detaild ng halimaw kundi ang makita lamang saka lamang niya malalaman jung ano talaga ito.

Napakahirap naman kasi kung aasa lamang siya sa lahat ng dapat niyang matutunan sa Book Artifact na siyang may kaunting will ng dating Stardust Envoy Silent Walker.

WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!

Maya-maya pa ay nakaramdam si Van Grego ng mabigat na enerhiyang papunta sa kaniya na alam niyang isa itong uri ng pag-atake.

Agad na napa-glide at napatagilid ang binatang si Van Grego upang iwasang dumampi sa kaniya ang paparating na bagay. Mabilis na nagback flip si Van Grego paabante.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now