Chapter 58

153 19 0
                                        

Kung mapapaslang ko ang binatang ito ay malamang ay mas maraming luho ko ang mapagbibigyan ni bossing lalo na sa mga babaeng gusto kong maangkin at magustuhan hehehe..."

Ito lamang ang ilan sa mga tumatakbo sa mga isipan ng mga miyembro ng mga bandido. Lahat ay mayroong isang layuning paslangin ang binatang estranghero na si Van Grego na kakatungtong pa lamang sa pagiging Martial Ancestor Realm Expert ngunit iba-iba ang inaasam ng lahat sa mga ito. Mayroong gusto lamang subukan ang galing ng binata at meron ding gustong-gusto subukang makapatay ng isang Martial Ancestor Realm Expert kahit na halos lahat sila ay mga Martial Emperor Realm Expert pa lamang at layunin jilang maging isang Màrtial Ancestor Realm Expert sa hinaharap kagaya ng binatang estranghero na si Van Grego.

Agad na makikitang naging seryoso ang ekspresyon at umaksyon na ang mga bandidong eksperto sa close combat habang papunta mismo sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego.

Whooosh! Whoosh! Whooosh!

Tunog ng mga mahigit tatlumpong bandidong papadugod na sa kinaroroonan ni Van Grego na malapit sa mismong border ng kanilang teritoryo na walang iba kundi sng pangatlong ruta.

"Hmmm... Masyadong matagal ang ginawa kong ito at papasugod na sa direksyon ko ang mahigit tatlumpong bandido. Kailangan ko ng magseryoso." Seryosong sambit ni Van Grego habang makikita ang nakaambang panganib sa kaniya. Siguradong hindi siya makakatakas sa lugar na ito at dalawa laanng ang kaniyang pagpipilian, ang pumaslang o magpapaslang sa kalaban, mamatay o pumatay. Sa labanan, walang tinatawag na third option o yung middle option na hati ka, walang ganon sa Martial World. Sa labanan ay kailangan mong pumatay dahil kung hindi ka lalaban ay kahindik-hindik na kamatayan lamang ang maaari mong kakahantungan.

Agad na mistulang nagliwanag ang hawak ni Van Grego na panang gawa sa apoy at parsng may nangyayaring kakaiba rito tanda na nagsagawa muli si Van Grego ng isang Skill.

Maya-maya pa ay biglang nawala sa kamay ni Van Grego ang maliit na pana. Maya-maya pa ay lumabas sa kanang kamay ni Van Grego ang tubig at sa kaliwang kamay naman niya ang nagbabagang apoy. Masasabi niyang ito ang pinakamalakas na armas niya na gawa sa magkasalungat na konsepto at sa magkasalungat na nilalang na mayroong magkasalungat na attribute, ang dalawang pambihirang Saint Beasts na walang iba kundi ang Blue Luan at ang Vermillion Bird.

Nagmaterialize ang isang panibagong pana ngunit ibang-iba na ang itsura nito at anyo maging ang disenyo ng nasabing higanteng pana na hawak-hawak ng kamay ni Van Grego na unti-unting nakikita ang kabuuang itsuura ng nasabng dambuhalang pana. Halos kasing sukat ito ni Van Grego mula sa kaniyang uluhan papunta sa kaniyang tuhod. Parang pinagsamang bersyon ng Blue Luan Bow at Vermillion Bow na siyang pinakamalakas na armas niya sa konspeto ng Apoy at Tubig.

"Sa wakas ay magagamit ko rin ang Fusion Creation Technique kong ito. Ang nakakamangha pa rito ay mayroon akong pambihirang Skill na gagamitin ko sa mga masasamang bandidong ito hehe...!" Sambit ni Van Grego habang nakapaskil ang kakaibang ngisi nito sa kaniyang mukha.

Bago pa man makatapak sa nasabing border ang mga grupo ng mga bandidong papasugod sa kaniya gamit ang flying sword o sariling estilo ng iba't-ibang klase ng  movement Technique ay mabilis niyang inihanda ang kaniyang sarili upang isagawa ang kaniyang fusion skill.

Biglang nagmaterialize ang limang palaso sa pagitan ng String ng nasabing dambuhalang Fire-Water Bow. Halos magkatulad lamang ang disenyo ng nasabing bow sa palaso.

Agad na lumitaw sa nasabing Giant Bow ang limang naglalaking palaso. Agad na nag-inject o nag-insert ng mga Spiritual Qi, Moon Qi at Essence Energies papunta mismo sa loob ng palaso na hawak-hawak ni Van Grego.

"Delikado kung makakalapit silang lahat sa akin. Mabuti nga at hindi nila ako malapitang inambush dahil baka nahuli pa ko nila sa sobrang dami nila." Sambit ni Van Grego  habang inaalam ang Hypothesis. Hindi kasi ibig sabihin na mataas ang Cultivation Level niya ay invincible na siya dahil kapag na-outnumbered ka at napakaraming mga Màrtial Artists o mga nilalang ang susugod sa kinaroroonan mo ay siguradong may posibilidad na matalo ka. Diyan nagkakaroon ng seatback lalo na sa Quantity Vs. Quality. Kahit na napakatalentado mo ay mayroong posibilidad na mamatay ka o mapaslang ka kung hindi ka mag-ingat. Isa pa ay maliit lamang o bilang lamang sa kamay ang mga talentadong indibidwal sa isang lugar katulad ng mga Sect at mga paaralan kung saan ay pinapahalagahan ng nasabing institusyon at napakarami ang mga ordinaryong martial artists at mga average martial artists na siyang may posibilidad na gumawa ng masamang habang upang balaking patayin ang sinuman sa mga talentadong Martial Artists na mayroong delikadong misyon na gagawin.

Kahit malaman pa ang pumaslang rito o ang mga salarin sa likod ng pagpatay ay wala ring mangyayari sapagkat patay o pumanaw na ang nasabing Martial Artists. Kung sakaling makaligtas ang isang talentadong Màrtial Artist na pinapahalagahan ng Sect o alinmang institusyon ay maaaring magsumbong pa ito. Doon lamang mag-iimbestiga at  aakto ang nasabing institusyon upang parusahan at ikulong ang salarin. Ganoon ang patakaran sa mundong ito, hindi porket napakatalentado mo noong ipinanganak ka ay hindi ibig sabihin nun ay ikaw na ang pinakatalentado. Napakarahas ng mundong ito at ang number one golden rule ay Survivability, o ang piliting mabuhay.

Ngayon ay nalalagay si Van Grego sa sitwasyong Quantity versus Quality. Isa siyang Martial Ancestor Realm ngunit napakarami naman at hindi mahulugang karayom naman ang mga bandido sa border na ito. Hindi porket nakikita siyang banta ng kalaban at napakatalentado ang tingin sa kaniya ngunit hindi sila aatras sa labanang ito na nagpapatunay lamang na may tiwala sila sa kakayahan nila base sa dami nila. Isa pa ay minamaliit nila ang kakayahan ni Van Grego base sa kaniyang sarili ring obserbasyon. Isa lamang siyang maglalabing-anim na taong gulang at masasabi niyang napakabata pa niya kumpara sa edad ng mga bandido na halos doble o triple ang edad na masasabi niyang mga ordinaryong Martial Artists lamang at makokonsidera ni Van Grego ang kaniyang sarili lalo na ang kaniyang Cultivation Level sa kaniyang edad bilang average Martial Artists kaya hindi nangangamba ang iba rito at nakumbinsi silang labanan ang estrangherong binata na si Van Grego.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now