"Ano ba ang pinagsasabi mo Triper, anong pinagpalit diyan na sinasabi mo?! Gusto mong isa-isahin ko ang mga naging babae mo ha?! Talagang ikaw na lalaki ka!!!!!!" Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na animo'y mababakas ang inis sa boses nito. Tila tumataas-taas pa ang Snake Gills nito sa bandang leeg nito.
Medyo nahintatakutan naman ang binatang si Van Grego.
Agad namang naagaw ang atensyon ng tila nagkakatampuhang mag-asawang One-Horned White Tiger Python kung saan ay naramdaman nila ang uneasiness ng binatang tao na kanina pa nakatayo sa kinaroroonan nito.
"Magtigil ka nga Triper, umayos ka. Ramdam kong mayroong espesyal sa binatang ito na hindi ko alam kung ano." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Vernaya.
"At ano namang espesyal sa binatang estranghero na mula sa lahi ng tao na ito para pag-aksayahan mo ng oras ito. Isa pa ay isang hamak lamang na masuwerteng nakatapak sa Martial Ancestor Realm lamang ang binatang ito." Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Triper. Hindi niya maintindihan ang asawa niya at tila gumagana naman ang women's instinct nito na hindi niya maintindihan. Minsan ay nakakaramdam siya ng selos sa tuwing may pumupukaw ng interes sa asawa niyang si Vernaya. Kahit ultimo'y mga bagay na nagustuhan o natitipuhan ng kaniyang asawa ay pinagseselosan nito.
"Hindi ko matukoy eh, nakakaramdam ako ng familiarity at nakakaramdam ako ng panganib sa katauhan ng binatang ito. Yun nga lang ay tila hindi ko ma-figure out kung ano talaga ito." Seryosong sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Vernaya. Nakakaramdam kasi siya ng kakaiba sa binatang ito. Tila mayroong espesyal na katangian ito o bagay na tinataglay na nagkakaroon siya ng tila hindi kanais-nais na pakiramdam. Yung tilang espesyal ito ngunit may panganib na dala lalo na sa kaniyang bloodline.
Nang marinig ito ng asawa nitong One-Horned White Tiger Python na si Triper ay tila nanghihimutok ang kaniyang puso't isipan. Tila nakaramdam siya ng matinding selos. Yung tipong akala niya ay nawawalan na ng interes ang asawa niya sa kaniya. Aaminin niyang ngayon lamang siya naging ganito sapagkat hindi niya alam kung ano ang espesyal sa binatang isa lamang 1-Star Màrtial Ancestor Realm ang Cultivation Level nito maging ang kaniyang napapansin rito ay walang kakaiba. Maayos at average lamang ang nakikita niyang martial talent ng binata para sa edad nito ngunit hindi niya makikita ang pangambang sinasabi ng kaniyang asawa kaya mabilis siyang nagwika.
"Hmmp! Ang binatang ito?! Mayroong espesyal sa katauhan nito? Hindi kaya nagkakamali ka lamang sa iyong inaakala o instinct aking asawa?!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na siyang asawa ni Vernaya. Puno ng katanungan at pagdududa ang kaniyang winika sapagkat hindi man lamang nito malaman kung ano ang ipinapahiwatig ng kaniyang sariling asawa na si Vernaya. Kahit saang anggulo niya kasi tingnan ay napakalampa at napakahina ng binatang ito. Ayaw man niyang sabihin ngunit nag-uumpisa na siyang mainis sa kutong-lupang estrangherong binata na isang lahing tao. Naiinis siya sa presensys nito at ang instinct na nararamdaman nito. Tila ba hindi siya satisfied sa sinasabi ng kaniyang asawa. Naniniwala siyang kapag inatake niya ito kahit isa ay mapapaslang niya ang biantang estranghero na ito na isang hamak lamang na mahinang lahi ng tao. Tiyak na ang matinding sugat o agarang kamatayan nito ay siyang malaking kasiyahan niya. Hindi niya matanggap na magkakainteres ang kaniyang asawa sa maliit na insektong Martial Ancestor Realm Expert lamang? Seriously?! Isa silang Blood Awakening Realm Expert at ang naoakababang lebel ng binatang ito ay parang maliit na langaw lamang na kayang-kaya ng pitikin anumang oras niya gugustuhin.
"Oo, naniniwala akong tama ako. Mayroong espesyal sa binatang ito. Kahit tayo ay siguradong hindi makakapantay sa kaniya. Espesyal na nilalang siya. Sa oras pa lamang ng pagtapak nito ay inaasahan ko ng may kakaiba rito, yan ang aking pinanghahawakan." Seryosong sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Vernaya. Ramdam niyang hindi lamang simpleng binatang tao lamang ang binatang ito kundi higit pa. Hindi niya alam ngunit hindi siya maaaring magkamali. Hindi niya maipagkakailang mayroon siyang espesyal na abilidad na siyang itinago niya sa kaniyang asawa. Tiyak siyang sa oras na ito ay tama ang lahat ng kaniyang hinala ngunit hindi na abot ng kaniyang kakayahan kung anong klaseng bagay ang kaniyang kinatatakutan mula sa binatang estranghero na ito na siyang gustong-gusto niyang alamin.

VOUS LISEZ
Ancestal God's Artifacts [Volume 4]
FantasyPagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag-alis sa Hyno Continent dahil nakipagsapalaran siyang dumaan sa isang lumang Space Channels kung saan...