Chapter 52

182 21 0
                                        

Complete Tags
Chapter 52
Ilang oras din ang ginugol ni Van Grego ay natunaw na rin ng tuluyan ang Violet Beast Core ng Two-Striped Tiger habang makikita na nalulusaw ito at nagiging kulay ubeng likido kung saan ay nararamdaman mo ang nag-uumapaw at napakapurong enerhiya mula rito. Talagang nakakamangha ang Beast Core lalo ng Yin Energy na kayang i-freeze ang Beast Core kung saan ay unti-unti nitong sinisira ang nasabing bagay at gamit ang temperaturang galing sa Alchemy Sacred Fire ay siyang ginamit upang tunawin ang excess ng Yin Energy kung saan ay kinokontrol nito ang Yin Energy at i-dispel ito. Kung ang Alchemy Sacred Fire lamang ang gagamitin niya ay maaaring masunog nito ang mga important properties na nasa loob ng Beast Core na siyang magbabawas ng Succession Rate ng paggawa ng Ancient Martial Pill na tinatawag na Eye of God Pill Level 1.

"Hooo! Sa wakas ay natapos ko rin ang unang proseso sa paggawa ng Level 1 ng Eye of God Pill. Talagang kailangan ko ng ibayong konsentrasyon lalo na sa eksaktong temperaturang kailangan kong ilagay upang mag-stabilize ang mga sangkap at wasto ang pamamaraan ng aking pagproseso ng mga ito. Maling galaw ko lamang ay siguradong mababasura lamang ang aking pinaghirapan." Sambit ni Van Grego habang inaalala kung paano siya nag-ensayo muna ng gabundok na mga materyales na siyang masakit isipin kung magkano ang halaga ng mga ito. Ito rin ang dahilan kung bakit tatlo na lamang ang natirang Blue Larvae Saliva sa kaniya na siyang last resort niya. Para matutunan ang isang pambihirang pill ay kailangan niyang maglaan ng napakaraming panahon at napakaraming resources. Yun rin ang seatback ng pagiging Alchemist at marami ka pang dapat isakripisyo para lamang mas umunlad at maging magaling talentadong Alchemist. Ang pagiging huli sa Cultivation Level ng mga kaedaran mo ay isang normal na phenomenon na lamang para sa mga Alchemist. Hindi lamang isang araw ang dapat nilang ilaan rito pero halos lahat ng Alchemist ay buong buhay nila ang inilalaan rito para maging maunlad na Alchemist hindi lamang sa kaalaman kundi maging sa kung paano sila gumawa ng mga pambihirang Martial Pills.

Maya-maya pa ay sinunod niya ang limang piraso ng 100-year old Golden Roots ng tanim na tinatawag na Golden Herb/s sa loob ng Ice Fire Cauldron para sa susunod na proseso. Isa ito sa sangkap kung saan ay paghahaluin nito ang Pure Essence Energies mula sa Beast Core at ang pure Yin Energy na mula sa Blue Larvae Saliva.

"Isa ito sa pinakamahirap na parte ng paggawa ng Ancient Martial Pill na Level 1 Eye of God Pill. Kapag nagkamali ako ay siguradong maghahanap akong muli ng sangkap. Wag naman sana." Sambit ni Van Grego while gritting his teeth. Alam niyang ito ang pinakamahirap na parte ng paggawa ng Eye of God Pill. Kung mayroon lamang kayang gumawa nito ay hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ito. Ito ang kauna-unahang pinaka-aktuwal na paggawa niya ng Martial Pill na ito matapos ng mga pagpractice niya at masasabi niyang ang bawat step ay papahirap ng papahirap.  Talagang kinakailangan niya ng ibayong konsentrasyon lalo na sa prosesong ito na kung saan ay tatlong mahahalagang sangkap ang dapat na pagsamahin at magblend ng tama upang maging successful ang paggawa niya ng pill.

Nakita na ni Van Grego na unti-unting natunaw ang Hundred Year old Golden Roots. Mabuti na lamang at tamang temperatura lamang ng kaniyang Alchemy Sacred Fire ang inilagay niya. Isa din sa pinakasimpleng katangian ng Golden Roots ng isang Golden Herb ay madali lamang itong malusaw pero kung nasobrahan ito sa pagluto sa loob ng Cauldron ay siguradong sunog na ito at hindi lamang iyon dahil magiging mababa ang kalidad ng Martial Pill na magagawa nito.

"Hooo! Muntikan na ako doon ah. Mabuti na lamang at maayos ang temperaturang nai-apply ko sa pagluto ng Hundred Year old Golden Roots. Kung hindi ay magiging basura ang lahat ng mga naunang sangkap ngunit hindi dapat ako maging kampante, dapat pag-igihan kong mabuti para hindi mauwi ang lahat sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang tinutukoy niya ang kaniyang ginawa. Isa rin sa importeng bagay ay ang ebalwasyon mo sa iyong sariling paggawa. Mahalaga iyon upang sa susunod ay magiging aware ka na sa maaaring gawin mo at ang hindi mo dapat gawin para sa mas mataas na succession rate mo sa paggawa ng ganitong pill.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now