Chapter 54.2

166 21 0
                                        

Sinubukan ni Van Grego tingnan ang napakalayong lugar na maaabot ng kaniyang mata at masasabi niyang napakaepektibo ng abilidad ng Level 1 Eye of God Pill o Tiger Eye Pill upang buksan ang nakasaradong acupoints niya sa likod ng kanyang parte ng mata. Sinubukan niya rin tingnan mismo ang mga maliliit na bagay at suriin ang mga ito ay napakalabo.

"Nakakamangha sapagkat Level 1 Eye of God Pill pa lamang ito, paano pa kaya kung mas mataas na lebel hehehe..." Sambit ni Van Grego habang makikita na animo'y nangangarap ito ng gising. Sino ba namang nilalang ang ayaw lumakas sa mundong ito at mangarap ng mataas. Libre lang naman ang mangarap kaya wala namang nagpipigil o pumipigil sa'yo ngunit wag naman yung nangangarap ka nga tapos madami kang nilalabag o labag sa Heavenly Dao Laws.

Agad na ipinikit muli ng binatang si Van Grego ang kaniyang pares na mata na may ngiti sa labi at ipinagpatuloy ang kaniyang pagko-cultivate upang maging maayos at stable ang kaniyang sariling enerhiya sa katawan lalo na sa loob ng kaniyang dantian.

...

Mag-uumaga na kaya nagdesisyon ang binatang si Van Grego na umalis o lisanin na ang lugar na ito. Alam niya kasing mas delikado kapag hihintayin niya pang magbukang liwayway sapagkat kung ligtas kung gabi ay umaga naman ang delikado. Isa ito sa nalaman niya patungkol sa mga Martial Beasts. Hindi rin siya magpakampante dahil nasa border siya ng pangalawang ruta na tinatawag na Desert of Beasts. Sa labas pa lamang si Van Grego ng nasabing ruta ay makikita ang natural na hamog tuwing umaga o mag-uumaga. Napakadense ng lugar at masasabi niyang medyo malamig ang nararamdaman niyang temperatura dulot na rin na ang usual na mabato at desolated na lugar kagaya ng desyerto ay masasabi niyang napakalamig kung gabi at napakainit kung umaga lalo na pag tirik na tirik ang araw.

This a normal phenomenon. Talagang ang init ay naaabsorb ng mga kabatuhan maging ng buhanginan kaya hindi na rin nakakapagtaka na marami ang tila naaaliw sa kakayahan ng nasabing katangian ng disyerto. It will be a perfect place for a martial arts that wanted to hone their Earth Skill or Fire Skill to a greater heights.

"Ano kayang maaari kong masagupa ritong malakas na nilalang. Sana hindi naman sobrang lakas o kaya isang napakalaking grupo." Sambit ni Van Grego habang may alanganing boses. Alam niyang sa lugar na ito ay grupo-grupo ang mga mababangis na Martial Beasts at kumpara sa naunang ruta na katatapos niyang lakbayin ay mas delikado ang lugar na ito. Kung bakit ba naman kasi na ang lugar na ito ay animo'y naging sanktuwaryo o sanctuary ng mga Martial Beasts hindi katulad sa Hybrid Territory at lalong-lalo na sa Human Teritory na konti lamang o wala kang makikitang mababangis na Martial Beasts sa parteng ruta na daraanan ng sinuman. Hindi kataka-taka na halos siya lamang ang naglalakbay rito. Yung tipong mag-isa lamang siyang naglalakbay rito hàbang gumagala lamang ang hindi mabilang na mga malalakas na Martial Beasts at naka-lurk lamang at pagala-gala ang mga mababangis at grupo-grupong mga halimaw na maaaring atakihin siya a5 gawing hapunan ng mga ito ngunit tiwala siyang malalampasan niya ito sapagkat mayroon pa siyang Pangatlo at pinakamalakas na Flood Dragon Skill na walang iba kundi ang Flood Dragon Transformation Skill. Maaari niyang gamitin ang flood dragon aura o kaya ay ang kakayahan niyang lumipad upang gumawa ng isang mabilis na rutang papunta doon ngunit makakaagaw siya ng pansin lalo na sa mga Martial Beast Cultivators o sa ibang mga nilalang sa lugar na ito.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang binatang si Van Grego at mabilis niyang tinahak ang rutang ito. Ramdam niyang konti pa lamang na halimaw ang gumagala sa paligid at isa itong magandang senyales pero buong ingat pa rin siya sa paglalakbay lalo na sa pagtahak ng daan papunta sa pangatlong ruta. Isa pa sa nakakabahala ay may dalawa pang ruta siyang tatahakin matapos ang pangalawang ruta na hindi niya pa alam kung ano ang mga ito.

Nag-concentrate pa siya sa pagtahak ng lugar. Hindi siya naglilikha ng anumang tunog o anumang ingay kung saan ay napapahinga siya ng maluwag sa tuwing nakakalampas siya ng limang daang metro ng ligtas. Parang Assassin siya sa lugar na ito at ramdam niya ang papadami na papadami ng mga gumagalang mga Martial Beasts sa lugar na ito.

"Hmmm... Napakadelikado talaga ng lugar na ito, kung bakit ba naman ganito ang lugar na ito at napakaraming mga Màrtial Beasts ang gumagala. Talagang mamamatay o mapapaslang ang sinuman kapag dumaan at tinahak ang rutang ito." Sambit ni Van Grego habang makikita na animo'y hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak sa kaniyang natuklasan.

Uminom si Van Grego ng isang pambihirang pill na kilala sa tawag na Deathless Pill. Isa itong Màrtial Pill na may kakayahang pawalain ang amoy ng sinuman ng limang minuto maging ang aura at Cultivation Level nito ay nawala. Maya-maya ay umepekto na ang nasabing Martial Pill kung saan ay wala ng Martial Beasts ang sinusundan ang amoy niya ngunit limitado lamang ito ng limang minuto dahil kapag matapos ang limang minuto ay babalik ang kaniyang natural na amoy at kapag nangyari iyon ay parang mag-aalburuto ang amoy niya sa paligid na napakatapang na halos lahat ng mababangis na halimaw ay maaattract niya na siyang seatback ng nasabing Martial Pill.

Tatlong minuto lamang ang nakakalipas at malapit na si Van Grego sa nasabing border ng pangatlong ruta na hindi niya alam kung ano ito. Talagang instinct niya lang talaga ang pinapagana niya at minsan ay wala din siyang sense of direction which is really a bad thing for himself.

Ngunit ganon na lamang ang pagtataka ni Van Grego nang makita niya sa di kalayuan ang pigura ng mga grupo ng mga nilalang na di kilala ang pagkakakinlanlan habang animo'y nagbabantay ang mga ito sa kaniyang pagdating?

"Hmmm... Bakit para atang may pa-welcome party sila sa akin? Inaasahan ba nila ang aking pagdating?!" Sambit ni Van Grego na may labis na pagtataka. Medyo hindi maganda ang pakiramdam niya sa bagay na ito lalo na sa magaganap mamaya.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now