Chapter 61

173 23 1
                                        

"Talagang gusto nila akong paslangin. Porket nakikita nila na masyadong hindi epektibo na atakehin ako sa malapitan ay gagamitin nila itong pagkakataon na ito na malayo sa akin hmmp!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita na i-divert ang kaniyang atensyon sa kanilang atake.

Mabilis na lumitaw ang kaniyang limang palaso  sa pana habang hinahawakan niya ito.

Nag-inject siya ng kaniyang enerhiya at mistulang nagbabagang apoy at nagbabagang yelo ang dulo ng palaso. Kakaiba ito sapagkat hindi ito naging matalim kundi lumubo ang dulo ng kaninang matalim na pana. Naging pabilog ito na animo'y kahit sinong matamaan nito ay hindi mamamatay sa talim nito. Sa dulo kasi mismo ibinuhos ni Van Grego ang enerhiya.

Nang makita nila ang itsura ng palaso na nagmaterialize sa mismong pana ng estranghero binata ay nagulat sila at napuno ng panghahamak ang kanilang mga mata. Napahalakhak pa ang halos lahat ng mga bandido sa kanilang isipan. Nag-uusap ang mga ito sa kanilang isip.

"Kung di ba naman tanga ang binatang ito. Ano ang ginagawa niya?!"

"Kaya nga eh, ang palaso na siyang lumitaw sa kaniyang panang hinahawakan ay nakakatawa!"

"Sang-ayon ako sa iyo. Kung sino ba naman kasi ang tanga at palubuhin ang dulong talim ng kaniyang palaso. This is completely insane!"

"Sinabi mo pa, ang talim ng sandata lalo na ng mga palaso ang nagdidikta sa kalalabasan ng laban kaya masasabi kong ang kaniyang kapalaluan ay siyang magdadala sa kaniya sa kaniyang kamatayan!"

Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap ngunit mas nagulat sila ng bitiwan ng estrangherong binata ang kaniyang palasong nasa kaniyang pana. Makikita na nayroong mapanghamak na tingin ang mga bandido habang tinitingnan ang binata.

WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!

Biglang sinalubong ng limang palasong galing sa pana ni Van Grego papunta sa magkakaibang direksyon na  nasa kaniyang harapan ang mga hindi mabilang na mga paparatinv na mga umuulang palaso. Ang kaniyang atake na limang pirasong pala lamang ay nagmukhang kawawa at napakaliit sa mabilis na bumulusok na mga pana sa direksyon niya.

"EXPLODE!"

Biglang sigaw ng binatang si Van Grego habang makikitang bigla na lamang nagliwanag ang kaniyang limang palaso.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Nang magtagpo ang atake niyang palaso at ng napakaraming palasong galing sa kaniyang kalaban na halos matakpan na ang kaniyang mata sa napakaraming mga palasong may iba't-ibang kulay at lebel ng lakas ang bumulusok sa kaniya ay bigla na lamang sumabog ng malakas ang mga palaso ni Van Grego kung saan ay nagkaroon ng pagkawasak, pagsabog at pagtalsik ng mga palaso palayo sa kaniyang direksyon. Ang debris ng mga nangapinsala at sirang mga palaso ay umulan sa direksyon ng kaniyang kalaban.

Biglang nagpaulan si Van Grego ng limang mga palaso paulit-ulit hanggang sa halos matapatan niya na ang palaso mula sa kalaban at pasabugin sa ere na karamihan ay bumubulusok pabalik sa direksyon ng kaniyang kalaban ang mga debris.

"Hmmmp! Wag kayong tumigil, paulanan pa ng marami ang binatang iyan!" Sambit ng nagmistulang lider ng mga tagapana. Sila na lamang kasi ang lumalaban dahil ang mga close combat na mga kasamahan nilang kapwa-bandido ay nasugatan at napuruhan.

Mistulang nagchange tactic ang mga tagapana habang mas bumilis pa ang kanilang mga atake na animo'y naging higante silang muli at hindi mapipigilan ang kanilang mga pag-atake sa estranghero binata na si Van Grego.

"Hmmm... Masama ito, ginagamit nila ang kanilang bilang upang i-corner ako at pwersahan akong pasukuin. Hindi ako papayag!" Sambit ng binatang si Van Grego habang nagpapana pa at sumasabog sa ere ang kaniyang palaso. Pana sa magkaibang direksyon ang ginawa niyan gunit sa napakaraming mga Martial Emperor na ito ay kukulangin ang kaniyang sariling lakas lalo pa't nag-iisa lamang siya. Sino ba naman siya na nag-iisa lamang kumpara sa bilang ng grupo ng mga masasama at halang na kaluluwa na mga bandido. Kung ipagpapatuloy niya ang kaniyang paglapit sa mga ito ng hindi nag-iingat ay baka mapuruhan siya. Isa pa ay baguhan lamang siya sa paggamit ng FLOOD DRAGON ULTIMATE DEFENSE kaya hindi niya pa alam kung hanggang saan ang maaaring limitasyon nito kung sakaling paulanan siya ng mga bala. Hindi siya invincible na nilalang na kayang sanggain ang atake ng mga pangahas na mga bandido. Isang mataas at whole boundary man ang lamang niya sa mga ito o kaya ay kaya niyang makipaglaban sa talentadong 6-Star Martial Ancestor Realm ay hindi niya pa rin nakakalimutan na isa lamang siyang 1-Star Martial Ancestor Realm. Ang mga kalaban niya ay halos Martial Emperor Realm Expert at mayroong mga 8-star, 9 Star at Peak Martial Emperor Realm Expert kung kaya't hindi ganon kalaki ang tsansang mapaslang niya kaagad-agad ang mga ito.

"Tikman mo to bata, katapusan mo na!"

Sambit ng bandidong tumatayong lider ng mga tagapanang bandido na makikita na biglang pumunta sa likuran niya ang apat na tagapana na hindi pa kilala ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Biglang namuo ang nagliliwanag na limang palaso na mayroong nagbabagang apoy sa mga kamay ng animo'y lider at ang apat na nasa likod nitong kasamahan na naka-V shaped formation. Tila hindi matinag ang namumuong mga inilalabas nilang enerhiya sa kanilang mga katawan. Hindi maipagkakailang mayroong nakapaskil na pagiging domineering as well as ang pagiging arogante nila sa kitang-kita sa kanilang mga mukha. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang sa oras na ito ay sama-sama at tulong-tulong silang paslangin ang kanilang kalaban na walang iba kundi ang estrangherong binatang si Van Grego na nakatayo lamang ilang mga metro lamang sa kanila.

Sabay nilang inirelease ang kanilang arrow sa himpapawid. Napakaliwanag at nagbabaga ito sa kalangitan. Kapansin-pansin ang nakakakilabot na enerhiya ng nagbabagang apoy rito. Bumubulusok ang pana sa direksyon ni Van Grego kasama nito ang mga hindi mabilang na mga palaso sa mga kasamahan nito ng mga kalaban. Tila hindi papahuli ang bilis ng paglapit ng distansya ng mga nagbabagang apoy na palaso na kung saan ay tila naglalaman ng nakakakilabot na apoy na siyang tutupukin ang sinumang maaaring matamaan nito.

"Hmmmp! Hindi ko aakalaing napakadesperado pala ng tumatayong lider ng mga tagapana na ito na paslangin ako Hmmmp!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang labis na inis at galit sa mga kalaban niyang mga bandido. Ni hindi man lang siya pinagsalita ng mga ito o kung may lugar ba ang mga tenga ng mga ito sa pakikinig ng kaniyang sasabihin.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now