Chapter 112

150 18 0
                                        

"Hindi sa ganon ang gustong ipahiwatig aking asawa. Alam mong gusto ko lamang na tuklasin ang mga bagay-bagay katulad nito. Napakalakas ng iyong abilidad at masasabi kong kapag napalakas mo o nahasa mo ang kakayahan mo sa pag-iimbestiga ay siguradong malaki ang tsansa nating malamangan ang mga tusong kalaban natin. Tiyak akong ito lamang ang magiging alas natin para mapaghandaan natin ang pagdating o pagbabalik ng mortal na kalaban natin anumang oras." Sambit ni Ginoong Triper habang makikita ang kaseryosohan sa boses nito at kung paano ito maaaring mapaghandaan nila ang muling pagbabalik ng nilalang na puminsala sa kanila ng malaki. Kapag nauna kasi itong gumaling sa kanila at matunton ang kinalalagyan nila ay tiyak na matatalo sila. Tila ba hindi gugustuhin ng mag-asawang ito ang mangyayari kapag dumating na ang araw na iyon.

Hindi kagustuhan ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper na ipamukha sa asawa niyang One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya na mahina ito. Ang sa kaniya lamang ay gusto niya itong mahasa ang abilidad o kakayahan nitong tumuklas ng mga bagay-bagay lalo pa't hindi simpleng bagay lamang ang pag-iimbestiga o paghahanap ng mga ebidensiya (clues) kung saan ay kinakailangan talaga ng malalim na analisasyon ng isang nilalang. Kung tutuusin ay ito ang pinaka-ardous na gawain sapagkat mangangalap ka ng mga ebidensiya at kung napakahirap pa sapagkat kailangan mong ilista sa papel o itatak sa mismong iyong utak o sa isipan. Hindi kasi maaaring magpadalos-dalos ka lamang ng pakuwari o yung maaaring gawin mo na lamang ang mga bagay na hindi pa nagkakaroon ng matibay na ebidensya lalo na sa mga bagay-bagay. Katulad na lamang ngayon, nakita ni Ginoong Triper na hanggang ngayon ay mahina pa rin ang kaniyang asawang si Vernaya sa pag-iimbistiga kung saan ay hindi kasi nito hilig ang napaka-ardous na gawain kagaya ng pag-iimbestiga at pahapyaw lamang ito kung magsuri sa mga lugar na maaaring mayroong mga bakas. Kung tutuusin ay napakalakas ng asawa niya sa ibang bagay lalo pa't isang eksperto ang asawa niya sa offensive attacks dahilan para maiba siya rito. Kabaliktaran ng kaniyang asawa ay isa siyang defensive type na Martial Beast Expert. Yung tipong hindi siya yung masasabing napakalakas talaga sa atake. Kung sa larangan ng depensa ay masasabi niyang napakabihasa niya rito maging sa pagsangga ng mga atake ay ekstraordinaryo na kung maituturing ito at eksperto rin siya sa paghabol o pagtrace o pagtrack ng kanilang kalaban. Yun nga lang at wala silang hukbong sandatahan at hindi talaga sila tagarito kung kaya't hindi nila inaasahan ang kanilang malakas na kalaban na hindi rin taga-rito kundi taga-labas.

Bigla namang nakaramdam ng konsenya ang babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya nang malaman nito ang nais iparating ng kaniyang sariling asawa na si Ginoong Triper. Tila parang kahapon lamang nangyari ang lahat ng ito. Wala silang maaaring gawin kundi ang magpakatatag. Hindi rin nila masisisi ang kanilang angkan at ang sarili lamang nila ang maaaring sisihin sa lahat ng desisyon na ginawa nilang paglisan sa kanilang lahing kinabibilangan. Malas lamang nila at sila ang napagdiskitahan ng malakas at napakatalentadong nilalang na iyon. Hindi kasi maaaring umatras sila at kailangan pa nila ng kaunting panahon para makaya nilang bumalik sa kanilang lahing kinabibilangan. Sa kasalukuyang lakas nila ay siguradong mabibigo lamang skla dahil napasasailalim pa rin sila sa recuperating process. Hindi maitatangging maaaring isang araw ay masurpresa na lamang sila sa maaaring mangyari sa kanila.

"Kung hindi dahil sa akin ay hindi tayo matatalo. Kung hindi lamang ako naging pabaya ay hindi ka sana masusugatan ng malubha ng napakatuso at napakasamang nilalang na iyon. Tiyak akong babalikan niya tayo anuman ang mangyari o kung saan man tayo magtago ay mahahanap at mahahanap niya tayo." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya habang makikita ang pangamba at pagsisisi nito.

"Walang may kasalanan sa nangyari aking asawa. Ang mayroong kasalanan rito ay ako sapagkat hindi ko man lang ikaw naprotektahan sa kamay ng halimaw na iyon. Ang importante ay napinsala ko rin ito ng malubha. Ang kamandag ko na nakatanim sa loob ng katawan nito ay hindi basta-basta iyon mapapagaling o baka namatay nga iyon dahil sa mapamuksang katangian ng aking kamandag sa katawan. Isa pa rin siyang lahing tao at mortal na kayang mapinsala pa rin." Sambit ni Ginoong Triper habang makikita ang kaseryosohan sa boses nito. Hindi maitatangging malakas ang kanialng kamandag na taglay sa hanay ng Lahi nilang mga One-Horned White Tiger Python. Tiyak siyang mas problemado pa ang nilalang na iyon kumpara sa kanila.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now