Chapter 117

144 15 0
                                        

Agad na tiningnan ng binatang si Van Grego ang nasabing kumikinang na bagay. Tila ba isa na namang misteryo ito para sa kaniya.

Nawala na rin ang kaniyang sariling napakaraming pigura matapos mawalan ng bisa ang kaniyang pambihirang Auxiliary Skill na tinawag na Myriad of Million Images

Agad niyang pinalitaw ang kaniyang Book Artifact na siya namang mabilis na lumitaw sa kaniyang harapan.

"Suriin mo nga kung ano ang bagay na yan." Sambit ng binatang si Van Grego sa nasabing Book Artifact habang nakatingin ito sa kumikinang na bagay.

"Scanning... Processing... Analyzing... Completed! That thing are very valuable item. It is called Metal Pieces which based on its name origin. This can increase your understanding about metal. Once you absorb it, spiritual attacks will reduce depending on how much you consume this item." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.

Agad namang napayukot ang mukha ng binatang si Van Grego tila namomroblema.

"Bakit naman ganitong item agad ang nakuha ko. Ni hindi pa nga ako nakakatuntong sa level 1 ng Concept of Earth pero ang item na ito ay para sa Concept of Metal, na sub-concept ng Earth. Sayang!" Sambit ng Binatang si Van Grego habang hindi nito mapigilang manghinayang. Tila ba hindi siya natuwa sa nakuha niya sanang item na ito. Isa pala itong valuable item at hindi isang totoong Martial Beasts.

Kung narinig lamang ng mga Elders o ng ibang mga tao ang sinabi ng binatang si Van Grego ay luluwa ang mata ng mga ito sa sinabi nito. Hindi nito siguro alam ang halaga ng Metal Pieces na ito. Irregular shapes man ang nga ito at medyo pangit ang pagkakahulma ng mga ito ay isa pa rin itong mahalagang kayamanan para sa mga martial artists lalo na sa mga Metal Attribute Martial Artists na hindi na kailangang pagtuunan ng halaga ang pag-aaral sa mga konsepto ng Earth at iba pa dahil likas ang attribute na meron sila.

"Bakit ba naman ako maghihinayang eh magagamit ko naman ito sa hinaharap hehehe..." Sambit ng binatang si Van Grego habang mabilis nitong dinampot sa tumpok ng lupa ang limang piraso ng Metal Pieces.

Plano ng binatang si Van Grego na mangolekta ng mga pambihirang kayamanan habang nasa loob siya ng bulubunduking lugar na ito kung saan ay hahanap siya ng pamamaraan kung paano magkaroon ng mga bagay na maaaring makatulong sa kaniya sa pagpapalakas sa anumang mataas na lebel nang sa ganon ay hindi na siya mahihirapan pa ngunit hindi lahat ng kailangan niya ay mahahanap niya rito. Isang buwan lamang ang maaaring ilaan sa loob ng lugar na ito na mainam para makahabol siya sa susunod pang mga matataas na lebel ng Cultivation sa Essence Gathering System.

Agad na naglakbay muli ang binatang si Van Grego kung saan ay tinahak niya ang daan. Masasabi niyang halos wala namang kakaibang nangyari sa mga panahong naglalakbay siya saapgkat purpng mahihinang mga martial beasts lamang ang nasasagupa niya ngunit mayroong mga pasaway na mga halimaw ngunit tinatakot niya ang mga ito para hindi sila makaaksaya ng oras ng binatang si Van Grego.

Maya-maya pa ay nagtaka si Van Grego na mayroong apat na paguhit na daanan. Napakalawak naman ng bawat isang daanan kung saan ay nagkakaroon ng iba't ibang parte o direksyon ang patutunguhan ng mga ito.

Nahirapan ang binatang si Van Grego na maghanap ng daraanan sapagkat wala siyang kaide-ideya kung saan patungo ang mga ito. Nakita niyang walang clue kung saan patungo ang mga daanang ito sapagkat ay hindi niya aakalaing mayroong ganitong klaseng daanan. Hindi rin makikita ang duluhan ng mga ito sapagkat napapaligiran ng kakaibang hamog at masusukal na gubat kung saan ay hindi masagap o makita ng binatang si Van Grego ang nasabing lugar na ito. Naalala niyang kahit ang Martial God Realm Expert dito ay manganganib ang buhay sapagkat hindi lamang pangkaraniwang lugar ito dahil lahat ng mga bagay rito ay mga pambihira. Ang mayayabong na puno na sobrang tayog ay masasabing matagal ng nakatanim sa buong lugar na ito.

Hindi maipagkakailang medyo nakaramdam ng kaba sa puso't isipan ng binatang si Van Grego sapagkat ang kaniyang paglalakbay rito ay sobrang napakadelikado. Ang Martial God Realm Expert nga ay nanganganib pa rin ang buhay ng mga ito, paano pa kaya siya na isa lamang hamak na 1-star Martial Ancestor Realm Expert. Masyado ng stabilize ang kaniyang sariling Cultivation ngunit kulang pa rin enerhiyang kinakailangan upang mapuno muli ang kaniyang sariling Cultivation Kung saan ay kailangan niyang maghanap ng bagay upang magtrigger ng kaniyang sariling Cultivation foundation na mas tumibay pa at maging solido. Kung babalakin niyang magpadalos-dalos lamang sa kaniyang sariling Cultivation ay maaaring mag-corrode o magkaroon ng setback sa hinaharap niyang pagbreakthrough.

"Sana ay tama ang mapili kong daan at hindi ako makasagupa ng napakalakas na nilalang." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili lamang habang makikitang unti-unting hinakbang nito ang kaniyang sariling paa sa pangalawang ruta ng daan. Kung bakit niya ito napili ay wlaa siyang dahilan. Mahirap na kunv magtagal pa siya rito at hindi siya maaaring bumalik pa sa Entrance dahil hindi niya naman ito mabubuksan gamit lamang ang sarili niyang kakayahan sapagkat nasa labas mismo nv entrance ang nasabing pag-unlock. Sa lakas niya sa kasalukuyan ay baka kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya ito mabubuksan kaagad sa madaling panahon. Isa lamang siyang hamak na Martial Ancestor Realm Expert. Alam at inaalam niya rin ang limitasyon niya. Kahit Martial God Realm Expert ay hindi kayang pwersahang alisin ang harang na nakapalibot sa nasabing entrance. Useless rin at  mag-aaksaya pa siya ng oras given na sa ugali ng binatang si Van Grego na suungin ang mga panganib upang lumakas ang kaniyang sariling Cultivation Level anuman ang mangyari. Kung isa lamang siguro siyang ordinaryong martial artists ay hindi niya gagawin ito ngunit hindi maaari ang kaniyang nais. Hindi niya nakakalimutan ang curse o sumpa na dumadaloy sa dugo nito na kung babagal-bagal at kukupad-kupad siya ay siguradong magiging katatawanan siya sa oras na mangyari ang kinakatakutan ng lahat ng nilalang na mangyari sa mundong ito sa oras na lumitaw ang misteryosong pwersa na kakalabanin niya o nila.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now