Chapter 118

155 17 0
                                        

Ayaw niya ring maging pabigat sa kahit na sinuman sa kasamahan o magiging kakampi niya dahil hindi niya gustong umabot sa puntong pati ang mga ito ay madamay sa kapalpakan o pagiging mahina niya.

Hindi namalayan ng binatang si Van Grego na naglalakad na siya sa pangalawang ruta o daanang napili niya. Hindi naman kasi siya yung taong mamimili ng sitwasyon. Alam niyang delikado ang bawat lugar rito at wala siyang pagpipilian kundi ang mabuhay at makalabas ng buhay sa bulubunduking lugar na ito.

Kasalukuyang tumatakip silim na ngayon at naramdaman ni Van Grego na kakaiba ang lugar na ito dahil mayroon pala itong sariling araw at gabi na siyang nakakamangha para sa binatang si Van Grego.

"Hmmm... Masama ito, sabi sa akin ng mag-asawang One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya na ang lugar na ito ay hindi ligtas mapagabi man o umaga, ngunit ang gabi talaga ay lubhang napakadelikado sapagkat karamihan daw sa separate na mundong ito ay masasama at mababangis na halimaw, tiyak akong tama ang sinasabi ng mag-asawang One-Horned White Tiger Python na iyon." Sambit ng binatang si Van Grego nang mapansin niya ang isang kakaibang nilalang na naglalakad papunta sa direksyon niya. Dalawang buhay na nilalang ito at masasabi ng binatang si Van Grego na hindi ito ilusyon o nagkatawang nilalang lamang kundi masasabi niyang tunay amg mga ito.

"Human Face Black Monkey?!" Sambit ng binatang si Van Grego nang mapansin nito ang nakaitim na nilalang na mayroong mukha ng tao ngunit ang katawan nito ay tila ba hindi nabibilang sa katawan ng tao kundi sa mabalahibong hayop na katulad ng sa unggoy ngunit napaitim ng balahibo nito.

Ang Human Face Black Monkey ay isang uri ng Martial Beasts na mapanlinlang at napakatuso. Ang mukha kasi nito ay maoang-akit at kayang-kaya nitong linlangin ang sinuman. Malakas ang uri ng halimaw na ito sapagkat ang ulo mismo ng halimaw na ito ay kayang-kayang magbago ng anyo sa kahit ano'ng imahe kapag nakatungtong itong Martial Sacred Realm. Kilala ang halimaw na Human Face Black Monkey dahil malakas din ito sa Conjuration at  sa paggawa ng Illusion Technique. Kinatatakutan ang klase ng halimaw na ito at masasabing kapag marunong na itong maglakad ng katulad ng tao at magpalit ng mukha ay siguradong senyales na malakas talaga ang halimaw na ito.

Aksidenteng natingnan ng binatang si Van Grego ang mata ng halimaw na Human Face Black Monkey kung saan ay nakita ni Van Grego na biglang nagbago ang kulay ng mata ng halimaw at unti-unting nagbabago ang anyo nito sa pagiging isang nilalang na sa pagkakaalam ng binatang si Van Grego ay isang tao.

"Hindi maaari ito, napakalakas ng halimaw na ito!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan matapos bawiin nito ang kaniyang sariling paningin sa pagtingin nito sa pares na mata ng halimaw. Natitiyak niyang napakalakas ng halimaw na ito at hindi niya maaaring sabihing nagkamali lamang siya ng pagsukat sa lakas ng halimaw.

Gamit ang kaniyang Fiery Hawk Movement Technique ay mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa direksyong patutunguhan niya. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakawala sa kakaibang enerhiyang humihigop sa kaniyang pares na mata na tingnan ito.

Nang makalayo ang binatang si Van Grego ay pansamantala siyang huminto sa lilim ng isang napakalaking puno na sa timgin niya ay ilang daang taon na ring nakatayo rito.

"Bakit ba ang malas ko. Isang Martial Precognitor Realm Beast Expert pa ang halimaw na Human Face Black Monkey na iyon. Akala ko ay sa libro ko lamang makikita ang halimaw na iyon." Sambit ng binatang si Van Grego habang ikinakalma niya ang kaniyang sarili. Mabuti na lamang at hindi ito isang Monarch Realm Beasts at papausbong pa lamang ang consciousness nito. Tiyak talagang hindi siya nakaligtas kung sakaling maglaban sila ng halimaw na iyon. Ang spiritual qi niya ay hindi pa naman ganoon kalakas para makontrol niya ang kaniyang sarili dahil hindi naman natural na katangian ito at bago lamang ang kaniyang sariling kaalaman patungkol rito. Tanging Spirit Leaving the Body lamang ang magagawa niya ngunit kung ma-trap siya sa illusion na iyon bago pa siya makaalis sa katawan niya ay siguradong mamamatay siya rito. Hindi pisikalan ang labanan nila kung magkaganon ay tiyak na talo siya sa halimaw na iyon. Wala rin siyang pambihirang Eye Technique na masasabing malalaman agad niya kung paano sirain ang ginawa nitong illusion at mas masakit isipin na maaaring magconjure ito ng mga bagay-bagay dahil kung sakaling mangyari iyon ay tiyak na mamamatay siya. Ano pa ang silbi ng espiritu niya kung napaslang na ang katawan niya?! Kunv mangyayari iyon ay tiyak na kokontrolin ito ng Life Seal.

Sa kabuuang aspeto, walang siyang laban o advantage sa halimaw na Human Face Black Monkey dahil mataas ang Cultivation Level nito, kung aatake man siya nv pisikalan rito ay hindi niya kakayaning mapinsala ang sariling espiritu at bago pa niya matamaan ang halimaw ay baka napasailalim pa siya ng illusion technique nito. Muntikan na nga siya kanina eh buti lamang at mabilis siyang nagresponse sa napakadelikadong sitwasyong kinalalagyan niya kanina.

Hindi naman siya masusundan ng halimaw dahil naman siya namarkahan nito at madali niya lang namang pawalain ang bisa nito. Isa pa sa katangian ng halimaw na ito ay hindi ito malakas sa larangan ng paghabol sa bibiktimahin nito. Kung sakaling takasan siya ng biktima nito ay mahihirapan na itong habulin ngunit imposibleng makatakas ka rito kung sakaling mapasailalim ka na ng ilusyon ginawa nito. That's a wishful thinking dahil wala ka ng takas lalo pa kung lubhang mataas ang lebel ng Cultivation nito sa iyo at makakatakas ka lamang o maaaring makaligtas kung higit na mas mataas ang abilidad mo sa Illusion Technique at may kakayahan kang sirain ang mismong ilusyong inilagay nito sa sarili mong isipan lalo na sa dinadayang paningin mo. Ngunit konting porsyento lamang na makaligtas ka rito. Nakasulat sa Ancient Books ni Van Grego na isa itong pinaka-rare na Martial Beasts at kung sakaling matalo mo ito s pamamagitan ng duwelo ay tiyak na mananalo at magiging master ka ng halimaw na ito.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now