Chapter 45

177 26 0
                                        

Ggrrrrrooooaaarrrrrrrr!!!!!

Oooaaaarrrrkkkkkkkkkk!!!!!

Shrrieeeeekkkkkkkkkkk!!!!!!

Grrooookkkkkkkkk!!!

Prrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!

Sa loob lamang ng isang minuto ay maraming mga Martial Beasts ang namatay sa bagsik ng pambihirang Flood Dragon skills niya na Burning Heaven Claws na kayang humati ng kahit na matitigas na bagay kahit na kasing tigas ng mga uri ng metal ang balat, laman at mga buto ng halimaw ay walang nagawa sa bagsik ng kamay ni Van Grego na isang kamay ng Flood Dragon. Naisakaturapan niya ito sa pamamagitan ng kaniyang concept of space. Kaya niya ring lumipad gamit ang kaniyang Spiritual energies o Spiritual Qi habang ang atake nito ay kaya niyang mag-exert ng Moon Qi. Yun nga lang ay hindi niya magagamit ang kaniyang Astral Energies na mula sa kaniyang Body Cultivation System at ang Essence Energies mula sa kaniyang Essence Cultivation System. Liban doon ay tumalas rin ang lahat ng kaniyang senses ngunit ang kaniyang divine sense ay hindi niya nagagamit ngunit ang Spiritual Energies ay may kakayahang makita ang sinuman sa malayo ngunit hindi Spiritual Attacks ang maaari niyangi bigay rito ngunit kaya niyang gumawa ng Physical Attacks dahil na rin sa mababang Cultivation Levels nito at wala pa siyang natutunang mahahalagang insights at enlightenment patungkol sa Spiritual Qi at Moon Qi upang mas mapalakas pa ito ng tuluyan.

Tiiissssssss!!!!!!!

Nagliliparan at nagtatalsikan ang mga dugo ng mga malalakas na Martial Beasts sa paligid ngunit hindi ito naririnig ng sinuman dahil sa abilidad ng pambihira at napakakapal na usok mula sa Laccolith. Hindi maitatangging napakabrutal ng pagkakapatay ng mga ito ngunit agaran din namang napapaslang ang mga ito. Hindi rin aakalain ni Van Grego na sobrang delikado pala ang paglalakbay sa Martial Beasts Territory kumpara sa Hybrid Territory lalo pa't kahit ang mala-disyertong lugar na ito ay nagsasabing hindi rin ligtas ang walang kabuhay-buhay na lugar na ito ngunit ang kaibahan ay mas malala pala kumpara sa kaniyang inaasahan. Mas malalakas ang mga halimaw na naninirahan dito kumpara sa nga kagubatan o kapatagan. Dito ay mas malala ang rule of survival dito dahil tanging ang malalakas na halimaw o nakakatakot nilalang lamang ang maaaring makaligtas sa gutom at pagkauhaw lalo na sa labanang nangyayari kung saan ay maaaring manalo ang isang halimaw mula sa kapwa nito halimaw ngunit hindi rin nito nakaligtas sa mas malakas pa rito. Kung titingnang mabuti ang mga pangyayari dito ay tanging ang mga tuso, maparaan at malalakas lamang ang maaaring makaligtas laban sa kapwa nito halimaw o sa kalaban nitong masasagupa.

Tssaaakkkkk!!!!!

Walang tigil si Van Grego sa paghati at pagbaon sa mga laman o karne ng kanyang kakaiba at pambihirang kuko dahil sa nakuha nitong skill mula sa Flood Dragon. Dahil dito ay maaaring maging God of War siya sa labanan lalo na sa sitwasyong ang mga Martial Beasts at kapwa nito mga Martial Beasts ay mga kalaban at walang awa nilang pinapatay ang isa't-isa ngunit ang binatang si Van Grego ang mas naging great threat sa kanila ngunit hindi nila inaasahan ang pagdating ng binatang ito kaya mas naging magulo ang lugar na ito sa ilalim na bahagi ng Laccolith partikular na rito sa malawakang usok nito na maraming mga Martial Beasts ang nakikisabay upang pumaslang at may makain o mabiktima.

Prrrkkkkk!!!!!

Craacckkkkkk!!!!

Tunog ng pagkahiwa ng mga buto ng halimaw o di kaya ay nag-crack ang mga buto nito na nagresulta ng severe damages sa bawat parte na matamaan ni Van Grego. Lubos na napinsala ang grupo ng Martial Beasts sa loob ng usok kung saan ay halos marami ang napatay o napaslang ni Van Grego ang mga ito na animo'y wala man lang kahirap-hirap . Kung nakakaatake ang mga Martial Beasts ay mabilis namang naiiwasan o kaya ay nasasangga ni Van Grego ang mga atake nito.

Sa loob ng isang minuto na ito ay halos nabuwal at napaslang niya ang kabuuang pwersa o bilang ng mga Martial Beasts na naririto sa Laccolith na makikita ang malawak na pambihirang usok sa ilalim na parte nito.

Ancestal God's Artifacts [Volume 4]Where stories live. Discover now